Chapter 3
Pagpasok ko sa opisina ni Dj...*ehem.ehem* SIR DJ, isang eksena ang naabutan ko kaya napastep backward ako. Hindi nila ako napansin dahil busy na din sila sa kanilang pinag-aawayan. Isinara ko din ng bahagya ang pintuan. Oi hindi ako tsismosa ah. Ang ganda kasi nung babae eh, pinay na pinay, actually familiar yung mukha niya.
"Dj, it's not working anymore. Paulit-ulit na tayong nagtry, yet we fail again." sabi nung babae. Ano ibig niyang sabihin?
"Kath, mahal kita... mahal na mahal... Ayokong mawala ka sa'kin dahil lang sa bagay na'to. Bata pa naman tayo eh, madami pa tayong marerealize. Just give it a chance, again. We can try it again." Try again? Ang ano?
"Kahit ilang beses pa man natin isubok, walang nangyayari. Nasasaktan na ako Dj. Pagod na din ako." hala!
o.0
hoy Julia! 'wag ka nga green-minded.
Isasara ko na sana yung pinto nang...
"Aah!"
Sigaw ko sa gulat pero may tumakip naman agad sa bibig ko. Eh pano naman kasi pag-atras ko may naapakan ako tapos nung tingnan ko kung sino yung naapakan ko nakita ko yung tatlong babae. Yung isa maliit tsaka hindi gaano kagandahan pero base sa kanyang pananamit parang fashionista, nakakaagaw pansin yung red heels niya. Yung isa naman parang snow white, yung kutis nya kasi eh, ang puti. At yung isa amber yung color ng hair nya pati yung mata niya, maganda siya ah. Kung titingnan halos kaedad ko lang sila.
Nakita namin yung pagpihit ng doorknob, hinila nila ako kaagad papunta sa kabilang opisina.
"Waaah!"
Huhuhu...Aray ;(
Natapilok ako. Hindi ko namalayan yung kapares ng doll shoes ko natanggal pala. Lahat kami nakaupo na sa sahig sa pagtatago. Kukunin ko na sana yung sapatos ko kasi biglang hinigit nila yung damit.
"Oho.oho.oho." (A/N: pasensya na po hindi ko alam kung paano yung ubo =.='') nasasakal ako. Agad din naman nila akong binitawan. Tumayo si 'Ms. Red heels', sorry naman hindi ko alam pangalan niya eh. Sumilip muna siya sa labas tapos bumalik siya agad, andyan pa rin yata si Sir Dj.
Sumenyas siya sa akin na lumapit ako habang siya sumisilip pa din.
"GO!" mahinang sabi ni Ms. Red heels. Agad kong inabot yung sapatos ko.
"Oh my... papunta siya dito." Hinawakan ni Ms. Red heels yung kamay ko tapos tumakbo kami papunta sa ilalim ng mesa.
"Jane..." tawag ni Dj, narinig din namin yung yabag ng paa niya.
"Oh..." nauntog pa si Ms. Amber-haired girl pagtayo niya.
"What are you doing there?" tanong sa kanya ni Dj. Inabutan naman siya ni Ms. Snow white ng isang crumled paper galing sa trash can niya na nasa ilalim din ng mesa.
"Ah, may pinulot lang ako." palusot niya.
"Ikaw ba 'yung nag-open ng pinto kanina?" tanong ni Dj. Oh my...oh my... >.<!!!
"Huh? Kanina? Kaninang umaga, l-late ako...kaninang umaga." medyo nauutal pa niyang sabi na parang nadulas lang sa sinabi niya.
"Late ka na naman?" balik na tanong ni Dj. Hindi ko mafigure out kung anong klaseng tono 'yun, kung galit ba siya o ano dahil na late si Amber-haired girl.
Napakamot sa ulo si Jane, "Ahm...sorry naman."
"Tss..."
"Ano bang kailangan mo? Makakaalis ka na." utos ni amber-haired girl kay Dj. Wow ha, parang mas mataas pa yung posisyon niya kay Dj, kung makapag-utos.
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
FanfictionBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...