Nagloko si Watty ngayon ko lang napansin nacut pala yung chapter 28. Di ko alam kung yung net ba yung may kasalanan o si wattpad na naman :| Kaya sensya na po!
Okaaaay! Eto na ang continuation. Bad trip ka watty!
continuation of Chapter 28...
“Sana nga hindi.” pagsang-ayon naman ni Dj sa akin. Tahimik lang kaming dalawa habang hinahaplos niya ang aking buhok. Hanggang sa nakatulog na lang ako.
***
“Dj! Julia! Hoy gumising nga kayong dalawa. Tss. Hoy.” naalimpungatan ako sa ingay na gawa ni…
“Enrique?” kinusot-kusot ko pa yung mata ko para malinawan kung si Quen ka yung gumigising sa amin. At anak ng! Ang sakit ng mata ko. Gaaah. Nakatulugan ko ang contact lens ko. Tae naman oh! Hindi ko na alam kung pang-ilang beses ko na ba nakakalimutan tanggalin ‘to everytime I fall asleep, kaya siguro humahapdi na ngayon.
“Oh Quen anong ginagawa mo dito?” rinig kong tanong ni Dj.
“Kayo! Anong ginagawa niyo dito. Kanina pa kaya namin kayo hinahanap. Maglulunch na po kasi. Tss. Kayong dalawa iniwan niyo ko doon sa mga bata. Haist. Kakapagod. Mamaya kayo naman makipaglaro sa mga yun.”
“A-aray!” di ko na kinaya yung hapdi sa mata ko. Ang tanga tanga ko naman kasi eh, ba’t ba nakalimutan kong nakacontacts pala ako.
“Julia? Julia anong nangyayari sa’yo?” nagpapanic naman tanong ni Dj. Pilit niyang tinatanggal yung mga kamay ko na nakatakip sa may mata ko.
“Ang hapdi ng mata ko.” saad ko na naiiyak na sa sobrang hapdi. Ang hapdi talaga! “Tubig please.” Naramdaman ko na lang na binuhat ako ni Dj papasok tapos nakarating kami ng CR.
“Okay na ako dito. Ako na bahala. Pakuha na lang ng bag ko please.” sabi ko kay Dj. Ayokong makita niya yung mata ko kung hindi patay na.
“Hindi tutulungan na kita.” pag-iinsist niya.
“Wag na. Just please pakikuha na lang ng bag ko.” saad ko. Bigla namang dumating si Quen tapos inabot nya sa akin yung bag ko. Pinilit ko pa si Dj na hayaan na lang ako, sa huli napapayag ko din naman siya.
Tinanggal ko na yung contacts ko then binigyan na ng first-aid ang mata ko. Geez. Aray. Huhuhu.
“Julia okay ka lang ba dyan?” tanong ni Dj.
“Oo okay lang ako.” sagot ko. Inayos ko na yung sarili ko, kinuha ko yung face powder ko then linagyan ko na mukha ko. Naglagay na lang ako ng shades para walang makakita sa mata ko.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng cr agad na akong niyakap ni Dj. “Okay ka na?”
“Oo naman. Medyo mahapdi siya pero okay na okay na ako. Wag ka ng mag-alala.” aww. Touch naman ako, halatang super nag-aalala siya sa akin.
“Pwede ko bang makita mga mata mo?” akmang tatanggalin na sana niya yung shades ko pero pinigilan ko siya agad.
“WAG!” mukhang nagulat siya sa sigaw ko, maging ako. Nabigla kasi ako eh, ayokong may makakita sa mga mata ko. “Wag na. Nakakahiya kasi eh. Tsaka please wag mo na ring ipilit? Just please ayokong may makakita sa mata ko.”
“Oh. Okay. Sorry.” he said. Nginitian ko na lang siya at inaya nang pumunta sa may living area. Sinalubong naman ako ng pag-aalala ng mga tao doon. Super touch nga ako eh kasi kahit ngayon lang ako dito, dagdag niyo pa yung istura ko, eh parang welcome na welcome ako sa lugar na ‘to.
Naghintay muna kami sandali sa may living room kasama yung mga bata habang nanonood ng SpongeBob Squarepants. Super nakakatuwa nilang panoorin na para bang wala lang silang problema kahit na may cancer sila. Yung bawat ngiti at tawang binibitiwan nila para bang isang pag-asa na kailan man hindi mapapawi.
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
FanfictionBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...