Chapter 8 - Si Jane at Si Dj
dedicated ‘to kay ElishaCharming...eto na po yung sagot sa tanong mo na kung ano ba talagang relationship meron si Dj at Jane :))
Pasensya na po ngayon lang nakapag-update...on-off kasi internet connection namin eh. Haist. Eto na po pala chapter 8...hope magustuhan niyo. Tsaka sana naman magcomment din kayo, para alam ko kung ano ang reactions ng mga readers ko and kung may nagbabasa ba talaga. hehe.
COMMENT! LIKE! VOTE!
Lovelots ♥♥♥
~~~~~
Nakatingin lang kami ni Chandria sa nakapalibot sa amin…silence…awkwardness.
*ehem* Binasag ko na ang katahimikang bumabalot sa amin.
“Wala na bang pag-asa?” una kong tanong. Umiling lang siya habang nakayuko pa rin.
“Gusto ko ng matapos ‘to.” mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko.
“Ako din…” napabuntong-hininga ako at napatingin sa kawalan. Napansin kong napatingin siya sa akin at parang nagulat pa sa sinabi ko.
“Talaga?” parang hindi makapaniwalang tanong niya.
“You should go.” seryoso kong sabi sa kanya. Nawala ang pagkagulat sa mukha niya at napalitan ng pagtataka at pag-aalala.
“Pero…” hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Oo, hindi ako ang may hawak sa kanya, pero baka nakakalimutan niya…kung sino ako.
“didn’t you hear me?” sarcastic kong sabi sa kanya.
“Kailangan ko ‘to…” punong-puno ng pagmmamakaawa ang mga mata niya at yung boses niya malapit ng mabasag.
“But we don’t need you.” firm kong sabi. Hindi ko naman siya kailangan eh. Dagdag lang siya sa mga poproblemahin ko pagnagkataon.
“Please…” pagmamakaawa niya. Unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
***
“Ikaw na talaga Julia!” bungad sa akin ni Kiray habang umuupo sa upuan sa tapat ko. Andito kami ngayon sa cafeteria malapit sa ground kung saan kitang-kita sina Dj. Nirequest niya kanina na ayaw niyang may ibang makakakita sa kanila habang magkasama sila, dahil nakakahiya at ang awkward daw. Eh di yun sinunod namin, pinababa lahat ng kurtina ng buong building at kung sino man ang sisilip, kakaltasan ng dalawang buwang sweldo. Oo, ganun kahigpit si Sir Dj.
Pero andito kami ngayon sa cafeteria kunwari kumakain. Uulitin ko ulit! Hindi ako tsismosa! Gusto ko lang makita kung ano ang mangyayari sa kanila at kung matutuwa sila sa ginawa ko.
“Ikaw ba talaga may gawa niyan?” tanong naman ni Angeli na parang hindi pa makapaniwala. “Paano mo nagawa ‘yan ng isang buong gabi?”
“Wala namang ibang gagawa niya diba. Tsaka hindi lang naman ako may tumulong sa akin. Yung guard na panggabi na kasing-edad lang natin.” sagot ko. Napakunot ang kanilang noo at nagkatinginan sa isa’t-isa si Angeli at Kiray.
“Kailan pa nagkaroon ng bagong guard?” tanong ni Kiray pero nagkibit-balikat lang kami ni Angeli.
Tiningnan ko si Jane…hindi pala tingin…titig. Hindi ko masabi kung ano ang ekspresyon niya, hindi kasi gaya noong nakita niya si Chandria, hindi maipinta ang mukha niya…ngayon parang suplada lang yung dating niya.
“Julia, you’re creeping me out. Stop staring!” reklamo niya nang mapansing nakatitig ako sa kanya.
“Sorry…iba kasi yung face mo ngayon eh. Hindi katulad nung isang araw nung makita mo si Chandria. Bakit?” sabi ko.
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
FanfictionBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...