Chapter 42
“Julia, mag-impake ka na.”
Kakauwi ko pa lang at papaakyat pa lang ako ng hagdan ng biglang magsalita si Ate Coleen mula sa likuran ko. Buti na lang nga at aware ako sa presence niya kung hindi nagulat na siguro ako.
“Bakit?” tanong ko. “Pinapalayas mo na ba ako?”
Lumapit naman siya sa akin at akmang babatukan ako kaya naman agad kong hinarang ang dalawa kong braso sa nag-aambang panganib. “Tange, nakalimutan mo na ba na bukas na ang seminar? Tsk.”
“Seminar? Bukas?” wala naman akong maalalang may ganun ah.
“Kailangan ko pa bang ulitin? eh kung pumunta ka na kaya sa kwarto mo at mag-impake?” tapos ayun umakyat na siya. Problema nun? Siguro meron ngayon iyon. Tss. Ang sungit!
Umakyat na rin ako ng hagdan at akmang bubuksan ko pa lang ang kwarto ko nung tinawag na naman niya ako ulit at sinabing may ipapakita raw siya.
“Ano yun?” tanong ko. Binutingting niya yung cellphone niya tapos nagulat na lang ako nung bigla niyang ilapit sa akin ‘yun. Pero mas nakakagulat ang nasa picture…
“Ano ‘to?!”
“Hindi ‘yan totoo!” hindi naman talaga eh! Tiningnan naman niya ako na halatang nagdududa. “Hindi nga yan totoo!”
“Ba’t mo ba dinedeny? Eh halata namang ikaw ‘to at si Dj diba?! Umamin ka!”
“Oo nga ako nga at si Sir Dj ‘yang nasa picture pero hindi totoo ang iniisip niyo tungkol diyan!” Napataas lang yung kilay niya nun at halatang hindi naniniwala sa akin. “HINDI NIYA AKO HINAHALIKAN!”
Sabagay kung tutuusin kung hindi ko lang alam ang totoong mga pangyayari nun masasabi ko ring naghahalikan nga talaga kami. Nakahawak kasi sa ulo ko yung kamay niya tapos parang medyo nakaangat yung ulo niya at halatang malapit nga sa mukha ko. Since nakatalikod kami sa pinto kung titingnan parang ganun nga ang ginagawa namin!
“Swear! Wala lang ‘yan.” tapos ayun inexplain ko na lang rin sa kanya ang totoong pangyayari. Inulit-ulit ko pa nga eh kasi ayaw talaga niyang maniwala.
“Talaga lang ha?” saad niya tapos naglakad na siya patungo sa kanyang kwarto.
“Ate Coleen naman!” kukulitin ko pa sana siya kaya lang pumasok na siya sa kwarto niya.
Tae naman oh! Kanino ba galing yung photo na yun?
***
Kinabukasan…
Nandito kami ngayon sa opisina, nagmeeting pa kasi tungkol sa ganito-ganyan. Ngayon ko lang nga nalaman na hindi pala ordinaryong seminar ‘to, more like camp pala ang gagawin namin. Since, halos lahat ay hindi naman katandaan, mga bata at nagfifeeling bata ang mga empleyado. Kung tutuusin halos karamihan nga ay nasa 20’s lang, mga fresh graduates kasi ang kinukuha ng company kaya ganun.
Hinihintay na lang namin yung bus na sasakyan namin papunta doon sa Isla. Kanina pa nga kami nandito sa cafeteria eh at kanina pa rin ako yukong-yuko dahil sa sobrang kahihiyan. Kalat na kalat na yung picture namin ni Sir Dj. Ewan ko kung paano.
Si Sir Dj naman kanina ko pa hindi nakikita, hindi kasi siya umattend ng meeting. Sana lang talaga hindi pa niya iyon nakikita, kasi nakakahiya talaga!
“Naku Julia!” napatingin ako kay Jane na kaharap ko ngayon. Oo nga pala, kasama ko siya. “Kung iniisip mo ang tungkol sa picture niyo ng balasubas na ‘yun pwes tigilan mo na.”
“Hindi noh! Hindi ko siya iniisip.” tanggi ko sabay inom sa coffee shake ko. Sa totoo lang kinakabahan na talaga ako kasi baka nakita na niya yun. Ang awkward kaya!
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
FanfictionBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...