Chapter 10

1.4K 33 26
                                    

Hello po sa inyong lahat! *kaway.kaway*

Pasensy na po kung matagal na akong hindi nakapag-update. Masyadong nag-enjoy kasi sa bakasyon eh. Hindi ko na po siya ioon-hold...pero slow update pa din. Sana po magustuhan niyo ang chapter na 'to. And please VOTE naman po and COMMENT your reactions or kahit anong gusto niyong sabihin...vitamins lang ^______^

Salamat nga pala sa suporta! God bless you all! Mwahugs :*

Chapter 10 - Anti-cologne act

“Anong pabango mo, cologne o perfume?” tanong ni manong guard sa mga empleyadong papasok.

“Cologne. Bakit may masama?” mataray naman nitong sagot. Ngayon lang nangyari ‘to na lahat ng empleyadong papasok ay kailangang pumila bago makapasok sa building. Kung noon i.d. at bag lang ang chinecheck, ngayon pati pabango na? Ngayon lang ata nangyari ‘to.

“OO…masama. Kaya ito pamasahe, umuwi ka at magpalit at magpabango ng perfume.” utos ni manong guard sabay bigay ng pera dun sa babae.

“Aba! At bakit naman kailangang perfume talaga? Sino ba may utos niyan? Wala namang sulat galing sa management ah.” reklamo niya na nakapamewang pa. Pati yung mga empleyado ng nasa likuran niya na pumipila rin sumang-ayon.

“Ako.” isang boses ang nagpakilabot sa lahat. Isang malamig, seryoso at gwapong boses ang nagpalingon sa amin at nagpatigil sa aming complaints. Isang boses na napakapowerful para patahimikin kaming lahat.

“S-sir Dj…” halos nauutal na sabi ni Mataray girl.

May iniabot siyang papel doon at parang nangingig naman itong inabot ni girl. Lahat ng malapit sa kanya ay nakiusyoso na din sa kung anuman ang nakasulat.

“Basahin mo.” utos ni Dj. Sinunod naman agad niya si Dj at binasa ang nakasulat pero mahina nga lang, yung halos hindi na marinig ng katabi niya. “Nang malakas!”

“Anti-Cologne Act…” anti-cologne act? kailan pa nagkaroon ng ganung batas? “Starting today, all employees of Rama Iluja Fashion Line are not allowed to spray cologne inside the compound and they are also not allowed to use cologne whenever they will go to work.” halo-halong reaksyon, lahat kami halos parang ayaw maniwala, seryoso ba talaga ‘to?

Tinignan ko si Dj at sakto namang nakatingin siya sa akin. Ang tingin niya…para akong matutunaw. Waaah! Haist! Shut up Julia, stop dreaming! Umiwas ako ng tingin baka mamaya kung ano pang isipin niya o kaya naman magalit na naman siya sa akin. Bigla akong napaisip…di kaya, kaya ipinatupad yung batas na ‘yan dahil sa…akin? Pero bakit? Hindi naman ako ganun kaimportante eh. Tapos si Dj pa talaga ang nagsabi niyan sa amin. Isang malaking kaIMPOSIBLEHAN! Ah alam ko na, sigurado akong si Ate

Coleen ang nagpalabas niyan.

*piiiiiiit.piiiiiiiiiit*

Isang red Volkswagen ang pumasok at may bumabang napakagandang babae. ibinigay niya ang susi sa isa sa mga guards para ipapark ang kanyang kotse. Gaya ng dati, as she flipped her hair, napapatulala kami. Oo, kahit babae napapatulala sa sobrang inggit sa kanyang kagandahan habang ang mga lalaki naman ay halos malaglag na ang panga…si ate Coleen.

Tumingin siya sa akin at ngumiti at isang matipid na ngiti naman ang isinagot ko. Lumapit siya sa direksyon ni Dj at hinalikan naman siya ni Dj sa pisngi as a greeting. Walang malisya. Ok? WALANG MALISYA! Bakit? Akin si Dj. di biro lang!

“What’s happening here?” nagtatakang tanong niya ng makitang nakapila kami.

“It’s all about the Anti-Cologne Act…” paliwanag naman ni Dj sabay pakita ng papel kung saan nakasulat ang copy ng batas ‘kuno’.

Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon