Chapter 5

1.7K 35 8
                                    

Chapter five – Slooooow

Okay bibigyan ko ng kaunting POV si Daniel dito…wawa naman kasi…hindi maapila yung side niya. Hihihi♥

Nga pala, sorry kung medyo matagal makapag-update...lumalakwatsa po kasi si author eh.

VOTE! LIKE! COMMENT!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Daniel’s POV

Ako nga pala si Daniel John Pedroza, 16 years ng nag-eexist sa mundong ito, at ako ang anak ng may-ari ng Rama Iluja Fashion Line – isa sa pinakasikat na fashion line, not just in our country, pati na din sa ibang bansa…especially Germany. Well, doon kasi galing ang isa pang business partner at ang may pinakamalaking share sa kompanya. Si Mr. Walter at ang dad ko ang nagtayo ng kompanyang ito. May mga gusto lang akong linawin…

1. Baka nagtataka kayo kung bakit sa mura kong edad, eh eto ako ngayon at nagpapatakbo ng isang napakalaking kompanya. Hindi naman talaga ako ang nagpapatakbo sa ngayon, ang Dad ko pa din. Pero imbes na pumasok kami sa eskwelahan para mag-aral, andito kami ngayon sa opisina at tinitrain kami kung paano papamahalaan ang isang napakalaking business.

2. Gusto ko dito, hindi dahil nagdedesign ako ng damit o nagtatahi ako, model ako dito…uulitin ko MODEL. Sa gwapo kong ito, tingin niyo tagadesign lang ako? Huh, pwes nagkakamali kayo. Iba ang namamahala sa pagdedesign ng damit, si Coleen Chavez Walter, anak ni Mr. Walter.

3. Oo, chickboy ako at hindi ko maintindihan kung bakit siya pa ang napili ng management para maging katrabaho ko… mas lalong nababadtrip yung buhay ko dito eh. >_<’’

Kararating lang nung bago kong P.A. slash secretary…

Grabe first day pa lang niya ang weirdo na niya…pano ko kaya matatagalan ‘to?

Kung hindi lang talaga ‘to sapilitan, hindi ko talaga siya tatanggapin…Like hello! Ang daming magagandang chicks diyan…magaganda yung katawan…

Tapos, eto lang! Itong baliw na ugly duckling na ‘to? LANG! Ang ibibigay nila sa akin????

Simula noong malaman ng tatay kong upaw na nambababae ako…ayun, sa kanya na dumadaan ang lahat ng mag-aapply. Pero ngayon…ngayon! Yung pinagtatrabahuan ko…yung management ang nagbigay nitong panget na nilalang na ‘to sa akin.

Sa mga average na tao siguro MEDYO lang yung kapangitan niya…meron lang naman siyang brown na mukhang dry na balat, hindi pantay na skin tone, medyo kulot na buhok, braces, makapal na salamin, pimples…like eew… at mataba…

at isa pa…

WEIRDO!

Kakapasok ko pa lang sa condo ko at pabagsak na umupo sa sofa…grabe sumakit talaga yung ulo ko sa babaeng ‘yun. Sa itsura niyang ‘yun hindi siya marunong maglinis. TSK.

*kriiing.kriiing*

Management calling…

Shiiiz…’wag muna ngayon please lang!

Reject call…

*bleep.bleep.*

1 new message from Management

Haist…ayoko muna ngayon kayong makausap! Please lang…

*bleep.bleep.*

2 new messages from Management

*bleep.bleep.*

3 new messages from Management

*bleep.bleep.*

Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon