Chapter 23

1.3K 34 17
                                    

Sorry for not updating for sooooooo loooooooooooong!

I really want to hear your feedbacks. Pretty please?

VOTE | COMMENT | LIKE

Chapter 23

** fast forward **

DJ’s POV

Two weeks na din after nung aksidente at nakabalik na din sa trabaho si Julia. Bihira na lamang kaming nakakapag-usap parang umiiwas siya sa akin. Pero hindi lang yun ang pinoproblema ko…

“Good morning sir Ivan.”

“Good morning.”

“Good morning Sir.”

“Morning.”

“Good morning po Sir.”

“Good morning.”

TAEng mukha yan. Nakakairita.

“He’s really back huh!” nagulat ako ng biglang sumulpot si Quen sa tabi ko but I still managed.

“Yeah right.” yun na lang nasabi ko. Ewan ko naiirita talaga ako sa pagmumukha niya. He’s not my brother after all. Tsk.

“Don’t tell me he’s here para agawin ang trono?” sarkastikong tanong ni Quen habang nakatingin pa din kay Ivan. “Ay hindi, mali. Nandito pala siya para bawiin yung dapat na sa kanya. Am I right?”

Napakuyom ako sa sinabi niya tsaka napatingin sa kanya ng matalim.

“Woah. Dude. I’m just joking okay? Tsk.” he said. Langyang lalaking ‘to. Naturingan pang bestfriend.

“You do know what I am up into, right?” he nodded. “And you do know na hindi ako basta-bastang papaya na maagaw ang posisyon ko sa akin.”

“Yep. I know.”

“Konti na lang mahahanap ko din siya. Konting panahon na lang matatanggap na din ako ni Papa bilang tunay niyang anak.” I said full of determination.

Julia’s POV

“Good morning Sir.” rinig kong bati nung mga empleyadong nadaraanan ko. Hindi ko siya kilala, baguhan ata? Hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Nakatalikod kasi siya sa akin.

“Julia!” tawag ni Kiray sa akin. “Long time no see! Kamusta na?”

“Eto okay na din naman. Sila Jane at Angeli?” tanong ko.

“Ah si Jane ayun sa photoshoot. Nagmomodel ang bruha. Si Angeli naman…” nag-iwas siya ng tingin tapos parang nalungkot yung mukha niya. “Nagresign na si Angeli.”

Nanlaki ang mata ko, “WHAT?!” gulat na gulat ako na halos hindi ko na napansing napunta na pala sa akin ang atensyon ng lahat.

“Julia naman…” pinandilatan ako ng mata ni Kiray.

Napatingin ako sa paligid tsaka napayuko, “Sorry.”

“Halika…” bigla akong hinigit ni Kiray paalis. Dinaanan lang nga namin yung bagong boss eh. Nakita ko na din yung mukha niya sa wakas. Gwapo siya, matangkad, halatang half. I felt inappropriate kasi dinaanan lang naman siya kaya hindi na ako tumingin sa kanya ng matagal.

Nagpunta kami ng cafeteria ni Kiray. Personal matters daw ang reason ni Angeli kaya siya nagresign. But why? Malapit nang mapromote si Angeli eh, sayang naman.

“Order lang ako ah.” sabi ni Kiray. Tumango lang ako.

“Bakit kaya?” nakapangalumbaba ako sa mesa.

Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon