Chapter 21

1.3K 36 10
                                    

VOTE | LIKE | COMMENT

~~~

Chapter 21 - ACCIDENT

Lumapit ako sa tulay. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang simoy ng hangin.

“Sampung taon na din ang nakakalipas…” I let out a deep sigh, “…sorry.” at nagsimula nang umagos ang aking luha.

Nakaramdam ako bigla ng pagyakap mula sa aking likuran…

“Ate Bea” gulat kong sabi. “A-anong ginagawa mo dito?”

“Napadaan lang ako. Hindi ko naman inaasahang nandito ka din pala.” paliwanag niya sabay kalas sa yakap. “Niyakap kita kasi alam mo namang ayokong nakakakita ng taong umiiyak diba?”

Ngumiti ako na para bang inaassure siya na okay lang ako…kahit obvious namang hindi. “Oh sige, ituloy mo na muna yung pagdadrama mo pero promise mo na hindi ka na iiyak pagkatapos ah.” she said. Tumango lang ako. “Nga pala, okay lang bang hiramin ko muna si Coleen? May kailangan lang kaming pag-usapan tapos babalik din kami agad. Hintay ka lang dito ah. May pupuntahan tayo pagkatapos naming mag-usap.”

“Okay lang po. Sige ingat kayo!” tsaka na lumakad si Ate Bea at Ate Coleen palabas.

DJ’s POV

Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon