Eto na po ang Chapter 28 ^________^
Dedicated sa kanya kasi super natuwa ako sa comment niya. Haha. Hello! *kaway.kaway*
Btw, paread naman po ng new JulNiel story ko >> I'M SASHI, CERTIFIED MALDITA (pakihanap na lang po sa profile ko)
Starring of course, Julia Montes and Daniel Padilla.
Thanks and Enjoy!
God bless :))
VOTE | COMMENT | LIKE
Chapter 28
*tok.tok.tok*
“Julia! Gising na! May naghihintay sa’yo sa baba.” naalimpungatan ako nang marinig kong kumakatok sa pinto ng kwarto ko si Ate Coleen.
*yawns*
“Sino daw?” antok na antok kong tanong. Sino ba kasi yun? Ang aga aga nambubulabog. Duh! Day-off ko kaya ngayon. Tss.
“Isang halimaw.” sagot naman ni Ate Coleen na para bang naiinis. “Bilisan mo dyan.”
Oh well, tumayo na ako tsaka nag-inat-inat tapos pumasok ng banyo. Grabe napagod ako sa date namin kahapon ni Dj. Geez. Hanggang ngayon hindi pa din ako makaget-over.
Nagshoshower na ako ng biglang kumatok ulit si Ate Coleen. “Uy, bilisan mo nga dyan!”
“Opo! Eto na nga eh.” anyare doon? Kakapasok ko pa lang nga ng CR eh. Tss.
Pagkatapos kong magshower, malamang, nagbihis na ako tapos nag-ayos ng aking sarili. Habang nakaharap sa salamin, nakita ko yung picture namin ni Dj kahapon, and unconsciously napangiti ako.
“Salamat ha.” oo para akong baliw na kinakausap yung picture. Pero naputol yung pagdeday dream ko ng biglang kumalabog ulit si Ate Coleen sa pinto ko. Tae naman oh.
“Andyan na!” sigaw ko sa kanya ng matahimik. Dali-dali akong tumayo at patakbong lumapit sa pinto. Teka…may nakalimutan ako.
Binalikan ko yung picture. “I love you. Mwah!” then lumabas na ako.
“Nangyari sa’yo? At atat na atat kang palabasin ako?” tanong ko kay Ate Coleen pagkalabas ko ng kwarto. Ang taray ng aura niya ngayon ah.
“May naghihintay sa’yo sa baba. Mag-iingat ka mas halimaw pa yun sa boyfriend mo.” sabay irap then walkout.
“Problema nun.” nasabi ko na lang sa sarili ko. Bumaba na ako para imeet yung bisita ko raw. Nakita ko siyang nakatayo sa may veranda, nakatalikod sa akin. “Halimaw nga.” eh di sino pa si Quen.
“Narinig ko yun.” he said tapos hinarap na ako.
“Anong kailangan mo?” agad kong tanong sa kanya.
“Hoy ibahin mo yang tono mo. Boss mo ako remember?” saad niya na para bang nanghahamon. Ang hangin talaga nito. “Wag mo akong igaya sa iba dyan na hindi mo ginagalang. Pwes, ako hindi ko tinotolerate.” parang may pinaparinggan naman siya sa sinabi niya. Tumingin ako sa likod ko, then nakita ko si Ate Coleen na nakatingin sa kanya at inis na inis. Yung tipong kapag nakakamatay yung tingin, panigurado nakabulagta na si Quen dito.
“Ang kapal din naman ng mukha mo eh noh! Naku Julia! Wag mo din akong itulad sa iba dyan na may dalang hanging habagat.” lumapit na sa amin si Ate Coleen at galit na sinagot ang sinabi ni Quen. “Bakit sino ba sa atin ang hindi ginagalang ang mga babae? Kung makapagpalit kala mo damit lang. Tss.”
“Eh bakit po. Sino po ba diyan ang mukhang losyang kung manamit. Maganda sana, baduy naman.” si ate Coleen? baduy? Duh. Eh model yan eh.
“Sus. Ano naman kung baduy ako manamit noon? Eh sino ba naman kasi ang nagsabing manligaw siya sa isang ‘losyang’ tapos paaasahin tapos ikakahiya lang naman pala.” ang sama naman pala nitong Quen na ‘to.
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
FanfictionBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...