Chapter 34
Nakaalis na sila Dj pero nanatili lang kaming magkayakap ni Quen. I don’t know, but I just feel comfortable with him.
“Julia?”
“Thank you Quen. Thank you.” I told him.
“Tara?” saad niya. Napatingin lang ako sa kanya at binigyan siya ng ‘nagtatanong’ look. Hindi siya sumagot sa halip hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako palabas.
“Uy, Quen, saan tayo pupunta?” tanong ko.
“Magkakape.” tipid naman niyang sagot tapos hinatak na naman niya ako and this time mas mabilis na siyang maglakad.
Nung nasa tapat na kami ng elevator kala ko sasakay na kami. Pero hanep! Ano na naman kaya ang trip ng halimaw na ‘to?
“Uy, teka, teka ha! Ano ‘to?” tanong ko.
“Hagdan.” =____=+++
Inirapan ko siya, “Pilosopo! Ibig kong sabihin anong gagawin natin dito?”
“Tanga ka?! Alangan namang magkape tayo dito sa may hagdan diba? Malamang sa malamang bababa tayo.” ayy bwiset! Ako pa naging tanga >____< “Tara na, aarte pa eh.”
“Bwiset ka.” bulong ko sa kanya pero tumawa lang ang gago.
Nakarating kami ng parking lot na nagbabangayan. Pero agad din naman kaming napatigil ng may eksena kaming nadatnan sa may parking lot.
*BLAG*
Napatakip ako ng bibig ng biglang suntukin nung lalaking nakablack hood and sunglass yung kaharap niya.
“DJ!!!” sigaw ni Kathryn. Bigla namang tumakbo si Quen palapit kay Dj na nakabulagta na sa sahig.
“SINO KA?!” sigaw ni Quen doon sa lalaki. Lalapit na sana siya pero biglang naglabas ng baril yung lalaking nakablack.
“Ikaw ba ang girlfriend ni Dj?” sabay tutok ng baril kay Kath.
Ayy, kala ko sa akin itututok ang baril. Ako ang girlfriend eh. Tsk. +___+
“H-HI-HINDI! Hindi ako!” sagot naman ni Kath. Ano daw? Ba’t niya tinanggi?
Bigla siyang napatingin sa akin. “SIYA!” tinuro niya ako. “SIYA ang girlfriend ni Dj!”
Bakit siya ganyan? Ba’t niya dinedeny si Dj?!
“IKAW!” nakatutok na ngayon ang baril sa akin. “IKAW BA ANG GIRLFRIEND NI DJ?”
Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Para akong nafreeze. I can’t move. I have already encountered such scene like this. Nung sa bahay namin…
“Wala dito ang girlfriend ni Dj!” sigaw ni Quen.
Napahinga ako ng malalim. “AKO ANG GIRLFRIEND NI DJ!”
“Julia?!” pabulong na sabi ni Quen tapos pinandilatan niya ako ng mata.
“Bakit? Ako naman talaga ah.”
“Ikaw ang girlfriend ni Dj?” tanong ulit nung lalaki.
“Duda ka?!” tae nito >_< Hmp!
“Wag niyo nga akong pinaglololoko!” bigla niyang pinaputok ang baril sa gulong ng isang black na sasakyan dahilan para mapasigaw si Kathryn, si Quen naman agad na lumapit sa akin at yinapos ako.
Narinig na lang namin ang harurot ng motor nung lalaki.
We were silent for a minute. Si Kath nakayakap sa kanyang binti. Si Quen nakayakap sa akin at si…
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
FanfictionBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...