Chapter 29

1K 21 3
                                    

VOTE | COMMENT | LIKE  <<< pretty please? *____*

Chapter 29

“It’ll will be months Julia…months.” MONTHS? With S? Ibig sabihin more than one month. No please don’t.

Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang siya, trying to read him. Hinintay ko na magsabi siya ng ‘JOKE!’ pero wala eh. Seryoso talaga siya.

“Bakit?” tanong ko.

“It’s personal. I’m sorry.” ramdam ko din yung lungkot sa boses niya.

“Ganun ba kapersonal at hindi ko pwedeng malaman?”

Tumango lang siya.

“Kailan ang alis mo?”

“Bukas.”

“BUKAS?”

Tumango lang siya. Napabuntong-hininga naman ako. Ano pa bang magagawa ko diba? Alangan namang magngawa ako dito para lang hindi siya tumuloy. Tsaka magiging selfish naman ako nun kung hindi ko siya papayagan. Nakakainis naman eh! Bakit kasi kailangan pang months with S. Bad trip.

“Julia…” tawag niya. Hindi ako kumibo. Feeling ko kasi anytime tutulo yung luha ko dito. Alam mo yung feeling na hindi pa siya umaalis, nakakamiss na. “Uy, wag mo naman akong dedmahin. Julia.” still I gave no response.

Iniangat niya yung kamay ko then hinalikan ito. “I’m sorry kung biglaan. Ayoko naman talaga eh kaya lang may mga bagay talagang kailangan kong gawin. Uy, Julia, sorry na.”

Hindi ko siya kinibo instead tumingin lang ako sa labas. Bigla niyang inistop ang sasakyan.

“Julia naman eh. Ganito na lang, labas na lang tayo ngayon. Sulitin na natin ang araw na ‘to. Puntahan natin kahit saan mo gusto, kainin natin lahat ng streetfoods, bilhin natin lahat ng gusto mo. Ano? Uy, pansinin mo naman ako.”

Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya, “Iuwi mo na lang ako. Pagod na ako.”

“Julia.”

“Please.” I told him coldly.

I heard him sigh then inistart na niya ulit yung sasakyan then umalis na kami. The whole ride tahimik lang kaming dalawa. Ang lungkot ng atmosphere na namamagitan sa amin. Hindi naman awkward yung silence, basta ang lungkot lungkot. Hindi naman kami magbebreak diba? Pero ba’t ganun? Hindi ko maintindihan ang emotion ko. Nalulungkot na naiinis na nakakamiss na nasasaktan. Ang bwisit lang!

Aaminin ko. Natatakot ako. Ugh! Paranoia is killing me!

Napansin kong unti-unting umuulan hanggang sa lumakas ito. Naramdaman ko na lang na tumigil kami. Nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Binuksan ko na yung pinto ng sasakyan, ayoko na din namang magstay pa doon baka kasabay ng patak ng ulan ay ang pagpatak ng luha ko.

“Julia! Wait!” rinig ko pang sigaw niya.

Ipinandong ko yung bag ko sa ulo ko para hindi ako mabasa, buti na lang nga at may dala akong jacket para walang makakakita kung sakali mang mabasa yung skin ko.

Dali-dali akong pumasok sa gate ng bahay at patakbong tinungo ang main door. Pero hindi ko pa man nabubuksan ang pintuan bigla nalang may humigit sa braso ko at niyakap ako.

“Julia. Please. Listen to me. Ayoko namang umalis na hindi tayo nagkakaayos.” he pleaded at dun na ako napaiyak.

“Ikaw naman kasi eh…”

“Shh. Don’t cry please. Babalik naman ako eh, ilang months lang yun. I swear hindi yun aabot ng year.”

“Promise?”

Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon