Chapter 41

1.1K 35 23
                                    

IMPORTANT: FRIDAY/SATURDAY/SUNDAY <<< expected days ng update. Kung gusto niyo nang madaliang update, pilitin niyo ako. HAHA.

Early Notice: I need your understanding! I'm sorry but I WILL BE ON HIATUS (starting this week or next). Hindi ko po alam kelan ako makakapag-UD ulit kasi clearance week na po namin ngayon, then next week - graduation [YEHEY! :'>] tapos next next week po may youth camp kami. So 'yun! 

Chapter 41

Matapos ang halik na iyon. Nagkatitigan lang kami nang…

“Ehem! Ehem!” napatingin kami sa gilid namin at nakita si Clarence na nakahands on the waist pa at naniningkit ang mata. Agad namang tinanggal ni Quen ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko at sabay kaming napayuko. “Hindi na kayo nahiya sa harap pa talaga namin kayo nagganun ha!”

“Namin?” bulong ni Quen, nanlaki naman ang mata ko nun. Nagkatinginan kaming dalawa habang nakayuko pa rin at sabay na tiningnan ang taong kasama ni Clarence.

“Dj.” pangalan na lang niya ang nasambit ko. Hindi ko alam kung ano ang irereact. Nakatayo siya hindi kalayuan sa amin, yung ekspresyon niya parang galit, yung para bang naiinip na hindi ko maexplain. Basta hindi maganda ang mood niya.

“Kanina pa kayo?” tanong ni Quen. Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya kung si Clarence ba o si Dj. Lalo akong kinabahan nung lumapit na sa amin si Dj.

Hindi sinagot ni Dj ang tanong ni Quen, “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin, halatang galit pa rin siya. Napansin ko naman yung pasa niya sa may bandang labi gawa nung suntok ni Jane.

Sasagot na sana ako pero biglang sumabat si Quen. “Wala naman sigurong masama sa ginagawa namin diba? Nasa labas kami ng opisina.”

“Pero office hours pa ngayon.” sagot naman ni Dj na nakatingin pa rin sa akin.

“So? Akala ko ba yun ang gusto mong mangyari? Ang mawala sa paningin mo si Julia? Eh bakit ngayon hinahanap mo siya?” ouch naman Quen! Masakit pero totoo.

“Dahil personal assistant ko siya.”

“Alam mo kung anong problema sa’yo?” nagulat ako nung biglang itulak ni Quen si Dj. “Wala kang paninindigan!” and the next thing I knew…nakaupo na si Dj sa ground habang hawak ang gilid ng kanyang labi na may kaunting dugo.

“QUEN!” napasigaw ako nung susugurin pa sana niya ulit si Dj. Si Clarence umiiyak na habang nakahawak sat shirt ng kuya niya. Tinapunan na lang ni Quen ng masamang tingin si Dj at saka ito umalis. Tinawag ko pa siya nun pero hindi na siya nakinig sa akin, gusto ko siyang sundan pero syempre alangan namang iwan ko ‘tong isang ‘to diba?

Agad kong nilapitan si Sir Dj at tinulungang tumayo. “Ako na ho ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Quen.”

“Sa opisina na tayo mag-usap.” saad niya. Napayuko na lang ako. Naglakad na din naman siya patungo sa opisina malapit lang naman din sa park.

Habang naglalakad kami, nasa unahan ko siya, lumulutang na naman ang aking isipan. Gustong-gusto kong puntahan si Quen, mas kailangan niya ako ngayon. Malinaw na sa akin ang lahat ngayon na may nararamdaman nga siya para sa akin. Ewan ko ba pero hindi ko mapigilang ikumpara si Dj at si Quen. Noong kay Dj kasi ang dami ko pang doubts tungkol sa pagmamahal niya sa akin pero pagdating kay Quen parang confident ako. Kung meron mang malabo pa sa sitwasyon ko ngayon…yun ay kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Quen at sa taong kasama ko ngayon.

“OUCH.” napahawak ako sa ilong ko na tumama sa likod niya. Bigla bigla kasing tumitigil eh.

“Saan na naman napunta ang senses mo?” saad niya sabay turo sa traffic light na nakagreen. Nasa predestrian na pala kami. Okay, ako na ang lutang!

Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon