Anyeong Haseyo! Hello! Sorry for not updating too long. Nabusy lang po sa school dahil sunod-sunod ang events. Senysa na talaga! Swear! I'll TRY my best na bumawi sa inyo!
My next update will depend on my Reader's/Friends feedbacks ^___________^
VOTE | COMMENT | LIKE | FAN :))
~~
Chapter 23
“Anong nangyari?” agad na tanong sa akin ni Ate Coleen pagkalabas niya ng hospital room ni Julia. “Anong ginawa mo?”
Nagpapahinga na ngayon si Julia. Ilang oras na din naman ang nakalipas matapos yung aksidente.
“Nawalan po kasi kami ng balanse kanina kaya ayun…”
“San ba kasi kayo nagpunta?”
“Doon sa mga malalaking bato.”
“Ano?! Ba’t niyo naman naisipang magpunta doon? Alam niyo namang delikado eh.”
Kinwento ko sa kanya ang lahat. “Buti na nga lang po at medyo malalim na tubig yung binagsakan namin.”
“Mabuti? Alin doon ang mabuti? Kung para sa’yo okay na yung nailigtas mo siya para kay Julia hindi. Alam mo bang may phobia doon si Julia?!”
“Ano?” nag-iwas tingin siya na para bang nagsisisi sa sinabi niya. “May phobia doon si Julia?”
“Wag mo na lang sabihin sa kanya ang nalaman mo. Ayaw niya ng kinaaawaan siya.”
“Bakit?”
“Simula noong malaman niya yung tungkol sa batang namatay...”
“Yung isa sa mga kambal.”
“Paano mo nalamang…”
“Kaibigan ko siya.”
“Kaibigan mo siya?” tumango ako.
“Patago lang kaming naglalaro at nagkikita noon. Lagi kami sa lugar na yun kasi alam naming hindi kami matutunton ng mga magulang namin doon. Ang alam ko kasi hindi siya pinapakita sa mga tao at hindi din siya pinapayagang makipagkaibigan sa iba.” nakatitig lang ako kay Ate Coleen, binabantayan ang kanyang reaksyon.
“At alam ko ding isa siyang Walter.” bulong ko pero sapat na para marinig niya. Agad siyang napalingon sa akin na puno ng pagtataka ang mukha. Magsasalita sana siya pero inunahan ko na, “Pinsan niyo siya diba?”
She paused. “Ah…oo… Sige pasok na tayo, baka magising na si Julia.” at agad siyang pumasok sa kwarto kung saan nagpapahinga si Julia.
Pinsan pala ha, eh bakit nung tinanong ko yung bata sabi niya anak siya ng mga Walter? Hmm, kids don’t lie…
Sigurado akong siya, or should I say ‘sila’, ang bunsong anak ng mga Walter. Patay na nga ang isa sa mga kambal, pero may isa pa akong pag-asa…
Ang problema ko na lang…
…nasan siya?
Coleen’s POV
Pumasok na ako ng kwarto pagkatapos ng usapan namin ni Dj.
Ano pa bang alam niya? Hindi pwede, wala siyang dapat malaman…tungkol sa pagkatao ng kambal.
Noon pa man alam na naming may masama pinaplano ang mga Padilla or should I say mga Pedroza sa anak ni Martin Walter. Bakit Pedroza? yun ang totoo nilang apelyido, ginagamit lamang nila ang Padilla sa publiko para na din maitago ang isang maitim na nakaraan.
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
FanfictionBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...