Chapter 36
Julia’s POV
“Julia! Uy! Juliaaaa~” natauhan lang ako ng iwave niya yung kamay niya sa may mukha ko.
“Ha? Ano nga ulit yun?”
“Tss. Ang sabi ko kung aattend ka ba bukas ng gabi?” tanong niya sabay subo ng kanyang kinakaing chips.
“Anong meron bukas ng gabi?” tanong ko naman.
“Duh. Comeback party ni Dj. Remember?” sorry namen. Nakalimutan eh -.-
“Ah..” yun lang yung sinagot ko. Pupunta nga ba ako?
“So ano pupunta ka?”
“Ewan.”
“Anong ewan? Dapat pumunta ka noh! Boyfriend mo pa din si Dj kahit kinalimutan ka niya.”
“Ano pang silbi diba?”
“Syempre, dapat kahit na hindi ka niya maaalala, be supportive pa din. You’re still the girlfriend, wag mong papansinin yang Kathryn na yan. Wala pa kayong official break up, kaya ikaw pa din ang girlfriend niya! Wag kang gagaya sa akin…”
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi na ako sumagot pa. Eto lang kaming dalawa nanunood ng One More Chance. Hindi naman kami nagdadrama -.-
Almost 12 midnight na kasi, kaya lang tinamaan kami ng insomnia, kaya ayun nagMOMA na lang kaming dalawa. Total wala din namang pasok sa opisina bukas, kailangan daw kasing magprepare para sa party ni Dj eh.
“Baka kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin, kasi baka may bagong darating na mas ok, na mas mamahalin tayo, yung taong di tayo sasaktan at paaasahin, yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin, ng lahat ng mali sa buhay natin.” - Popoy habang nasa hospital sila. Nakakaiyak nga eh. Tae naman oh! Pati ako nadadala.
“Yang iyak mo bang yan, dahil sa nadadala ka o dahil pareho kayo ng nararamdaman?” hindi ko alam kung nanunukso ba ‘tong katabi ko o ano…
“Sarap mong sapukin, alam mo yun?” inirapan ko siya. Bad trip eh. Natawa lang siya sa pagtataray ko.
“Julia, final decision. Aattend ka.”
“Ano ba yan? Tanong?”
“Utos.” tapos ngumiti siya.
“Okay.” ngumiti na din lang ako. I know I’ll be safe with her.
Nga pala, nasabi ko na ba kung sino yung kasama ko? ^_________________^
Si Ate Fretzie.
***
Kahit walang pasok sa opisina, pumunta pa din ako. Hindi ko na kasama si Ate Fretzie kasi umalis siya kaninang madaling-araw.
8:00 am pa lang. Kaunti lang yung tao dito sa office halos lahat naghahanda para mamayang gabi.
Nagpunta ako ng girl’s restroom, para umano, alam niyo na yun! Pero pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, ay mali! hindi pa ako nakakapasok ng restroom may pumigil agad sa akin na isang impakta. Uhm…Trisha ata ang pangalan :P
“Oh, look who’s here…” teka, pansin ko lang laging ganun yung intro niya. Wala na bang iba? “miss broken hearted? *sarcastic laugh*” Eewness alert. Di bagay.
“Ola! Miss Anura ranidae.” HAHA. Ano ngayon, nosebleed na yan! [scientific name of frogs - Anura ranidae]
“What?” oha, di niya alam yun! :P
“Schöne tatsächlich wieder dumm.” oh? Spell N-G-A-N-G-A! [maganda nga, bobo naman]
“Are you speaking an alien language? Pathetic. Bakit hindi mo sabihin sa akin sa lengghaweng naiintindihan ko? Takot?”
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
FanfictionBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...