Chapter thirteen is here! Enjoy ^_____________^v
VOTE | COMMENT | LIKE | FAN
God bless y'all! Mwaaaaaaaaaaah :**
Chapter 13 - Auction (night)
“HOY DJ!” ay mali! “S-sir Dj! Ba’t naman kasi sinama mo pa ako dito?” wala pa din akong tigil sa pagmamaktol, eh kasi naman, nangangati na ako sa suot kong maskara, masquerade kasi ang theme nitong auction nila, tapos halos hindi na ako makalakad ng maayos dahil sa suot kong high heels. Grabe lang! Mamamatay ako ng wala sa oras eh.
“Pwede ba, wag ka na lang magreklamo? Sinabi ko naman sa’yo na gagawin kitang model diba?” nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. I-ibig sabihin…hindi b-biro yung sinabi niya?
Hindi kami dumiretso sa mga tables na laan sa mga guests, dumiretso kami sa back stage. TAE na! Seryoso nga siya!
“Oh nandito na ba lahat?” sigaw ni Ms. Bea.
“Sakto lang pala tayo.” tapos hinatak na naman niya ako palapit kay Ms. Bea. Nakipagbeso-beso muna kami tapos pumasok na kami sa dressing rooms na laan para sa amin. Magkahiwalay ang boys and girls. Malamang!
Nung nasa loob na kami ng dressing room, andun lang ako nakaupo sa isang tabi. As usual OP na naman ako, invicible sa paningin nila at panira sa mood.
“Ate Bea, sino ba kasing magsusuot nung finale dress?” usisa ni Trisha habang tinatanggal ang kanyang maskara at umupo sa harap ng salamin para maretouch.
“Malalaman niyo din naman yun eh. But not today…neither after the event.” napaHUH naman ang lahat. Kahit ako nashock. Bakit naman kaya ayaw nilang ipakilala ang magsusuot ng finale dress? Nakakadisappoint naman. Even me, gusto ko ding makitang ipinapakilala siya. But oh well, baka hindi pa ngayon ang right time.
“Siguro hindi siya ganun kasikat kaya ayaw nilang ipakilala.” rinig kong bulong nung isang girl sa kasama niya. If I know dalawa lang sila sa mga nagkalat na tsismosa sa opisina.
“Ready na ba ang lahat?” tanong ni Ate Bea sa lahat sabay palakpak pa ng kanyang kamay para makuha ang kanilang atensyon. Ba’t ganun? Ba’t ako hindi inayusan?
Nagsilabasan na ang lahat. Di ko nga alam kung auction ba talaga ‘to o fashion show?
Okay na sana eh, kaya lang nagpapansin na naman ang malaking palaka… “KOKAK! KOKAK!” 0______________________0
*TOINK*
Natauhan lang ako ng bigla niyang itulak ang noo ko gamit ang index finger niya…
“I know I’m beautiful. So could you stop staring at me?” mataray niyang sabi. Eh di sino pa…ang nag-iisang palaka! Feeling lang eh, ang ganda naman nga talaga niya, ang gandang ipakain sa crocodile!
“Anong pang ginagawa mo dito Julia? Diba dapat binihisan ka na?” tanong ni Janine sa akin. Nagkibit-balikat lang ako.
“Tss. Don’t bother Janine. Besides, *tingin mula ulo hanggang paa* hindi naman talaga siya dapat nandito eh. You know, she can’t afford it.” then she flipped her hair tapos lumabas na. Habbit niya talagang iflip yung hair niya noh? Kung gupitin ko kaya ‘yan.
Sumunod na din naman sa kanya si Janine pero hindi lang dun natatapos yun…lumapit sa akin si Chandria at tiningnan niya ako from head to toe. Honestly, nakakainis na ah! Feeling ko mas maliit pa ako kay Thumbelina eh.
“Alam mo naaawa ako sa’yo. Ipagpilitan ba naman ang sarili sa isang bigateng event gaya nito?” mataray niyang sabi. “You’re pathetic.” with that umalis na siya. TAE niya! Pa-you’re pathetic, you’re pathetic pa siyang nalalaman…anong feeling niya ako si Katerina at siya si Donya Margaret? Psh. Madapa ka sana mamaya.
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
FanfictieBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...