Chapter 16

1.4K 43 17
                                    

Whiiiiiiieeeee♥♥

I really love my readers! Oi, yung iba diyan magparamdam naman. Hehe. Thanks sa support! Mwah :**

God bless y'all!

VOTE | LIKE | COMMENT | FAN

Chapter 16 - I Love You

“Simula ngayon, wala ng mang-aapi sa’yo. Dahil simula ngayon, ako na boyfriend mo.”

0_________________________0

“S-sir Dj…” nauutal na ako sa sobrang…hindi ko alam. Gulat siguro? baka naman Kaba? o di kaya’y Kilig? WAAAAAAAAAAAAAAH. Hindi, mali, hindi dapat ako kiligin. Alam ko na dapat magalit ako kasi alam kong pinaglalaruan lang niya ako…pero ba’t ganun parang lumulundag si heart ko?

Napatigil kami sa paglalakad at napalingon siya sa akin. Lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko. Kung kanina lumulundag siya ngayon naman tumatakbo na!

Napatingin ako sa mga mata niya. Eye-to-eye contact ang drama namin. Pinipilit ko siyang basahin pero parang walang kaemo-emosyon ang mga mata niya at napakaseryoso din ng ekspresyon niya.

Julia #1: Wag ka ng pakipot ‘te. Sa gwapo ba naman niyan pakakawalan mo pa?

Julia #2: Tumahimik ka nga, wag ka munang bumigay! Dapat hindi ka magpakita ng interes sa kanya kasi baka isipin niyang easy to get ka.

Julia #3: Ano ka ba, grab the opportunity. Minsan lang may magkagusto kay Julia noh!

Julia #4: Ang tanong gusto nga ba siya? Naku, alam mo naman playboy yang Dj na yan eh.

“Tigilan niyo nga ako!” sabi ko habang nakapikit pang madiin at umiiling-iling.

“HUH?” napamulat ako ng mata. Ngak! Nasabi ko ba yun ng malakas? Tapos nakita ko si Sir Dj…ang lapit ng mukha. Geez. Ang init ng mukha ko.

“Ah…hehe. Uhm. Joke lang yung Sir diba?” sabi ko para na din hindi niya mahalatang namumula ako. “JOKE.JOKE.JOKE!!!” ayokong isipin niyang tinake-serious ko ang sinabi niya. Alam kong pinatitripan lang niya ako.

Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko tapos lumakad na palayo sa kanya. Hindi na din naman siya sumunod sa akin. Awts. Sayang! HAHA. Joke lang. Mabuti na yung hindi na siya sumunod baka hindi ako makapagpigil eh, pumayag tuloy ako agad-agad.

***

Lumipas ang mga buwan, taon, dekada…di Joke lang!

After three days nung pangyayaring yun, nagkikita pa naman kami. Natural, boss ko siya diba? Tsk. Ang toinkz ko >_<! Tatlong araw na po ang ‘relationship’ namin kuno. Alam niyo ba kung anong nangyari nun? Ganito…teka tinatamad akongg magkwento. Iflashback na lang natin.

-flashback-

Pumasok ako sa mall, ayokong lumingon baka isipin niyang gusto kong sundan niya ako. Kahit gusto ko >.<…

“Pakipot pa kasi eh…” nasabi ko na lang sa sarili ko. Madami na akong store na nadaanan, napadaan na din ako sa mga fast food chains kahit katakam-takam na yung mga pagkaing nakikita ko parang hindi pa din ako tinatablan ng pagkaPG. Ang boring pa lang magmall mag-isa noh? Tss.

“♪♫ Pag-ibig ko sa’yo’y totoo…♪♫” napadaan ako sa music choochoo. Ewan ko ba kung anong tawag dun.

“♪♫ Ni walang halong biro ♪♫” boses ng lalaki ang kumakanta. Hindi ko siya makita kasi napapalibutan siya ng tao.

“♪♫ Kaya’t sana’y paniwalaan mo ♪♫” familiar yung boses niya. Psh. Siguradong nakauwi na yun, ba’t ba ako mag-eexpect na siya yung kumakanta? Tsaka, never ko pa naman siyang narinig kumanta eh kaya paano ko naman kaya nasabing siya yun? Siguro kaboses lang. Tsk. Ang gulo ko --___--

Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon