Chapter 2

2K 47 11
                                    

Wiheee...

Andito na!!!!

Natuwa kasi ako sa inyo eh...sana ganyan kayo palagi. Para lagi akong energetic :)) at always may update...

Mwah.mwah.mwah.

VOTE! COMMENT! LIKE!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 2 - Crazy Duckling

"Aaaaaaahhhhhh!!!!!!!!!"

Umupo ako mula sa aking pagkakahiga. Hingal na hingal ako na parang anytime mawawalan na ako ng hangin.

Teka ba't basa yung damit ko? Pati mukha ko basa. Nagpaulan ba ako kanina? Ba't may mga daisy sa tabi ko.

Anyare??

o__0? 

"Ok ka lang Julia?" nag-aalalang sabi sa akin ni Ate Coleen.

"Ate Coleen..."

"Tss. Salamat naman at nagising ka na." sabi ng isang boses na lalaki. Tiningnan ko yung lalaki tapos iniikot ko yung tingin ko sa room.

May book shelf, may lcd tv, laptop, nakafolder na mga papel, table tsaka tatlong upuan, may sofa..t-teka... o.0 ..andito ako sa sofa ng isang opisina. Okay? Pero kaninong opisina 'to or baka kuta 'to ng mga kidnappers na pumasok sa bahay? Waaaaahh!

"Asan ako? Andito na ba ako sa hideout ng mga kidnappers? Ha? Ano daw kailangan nila? Pati ikaw Ate Coleen?" waaaahh. Nakuha pa din pala talaga nila ako. At sino naman 'tong lalaking 'to? Siguro isa siya sa mga kidnappers. Hindi lang siguro,,, SIGURADO!

"At ikaw," turo ko dun sa lalaki. "Sino ka? Isa ka sa mga kidnappers noh? Ha! Anong gagawin mo sa amin? Langya ka." at pinaghahampas ko siya ng unan.

"Aray, aray, ano ba? Lintik. Tumigil ka nga." kinuha niya 'yung hawak kong unan at binato sa akin. Sakto namang tumama ito sa aking mukha kaya naman napaupo. Langya! Hindi man lang gentleman. Nga naman, walang kidnapper na gentleman.

"Julia tama na!" awat sa akin ni Ate Coleen. "Calm down." calm down, calm down ka dyan! Kinidnap na tayo calm down pa din?

"Pero Ate Coleen." reklamo ko.

"Julia."

"Ate? You should call her Ma'am, you... You Crazy Duckling." crazy duckling? CRAZY DUCKLING! Langya 'tong lalaking 'to! Kung alam mo lang. >.<

"Uhm Dj, kumalma lang muna kayo. Kakausapin ko muna siya. Pasensya na." paalam ni Ate Coleen. Ilinabas niya muna ako tapos pumunta kami sa isang malaki ring opisina.

"Asan tayo?" tanong ko.

"Sa opisina ko..." tiningnan niya ako ng makahulugan. “…na dapat…”

"Oo na." hindi ko na siya pinatapos alam ko naman yung sasabihin niya eh. Kayo alam niyo ba? Hindi? Ang masasabi ko lang sa inyo… :P hehe. don’t worry malalaman niyo din…sa takdang panahon! Muuuuuaaaaaaaahhahahahaha!!!

"Sino ba kasi 'yung lalaking 'yun?"

"Siya si Mr. Daniel John Pedroza. Una sa lahat hindi siya KIDNAPPER, pangalawa siya ang anak ng may-ari ng kompanyang ito, at pangatlo...siya ang magiging boss mo. Got it?"

Nanlaki yung mata ko. Huwaaaat? Siya yung magiging boss ko? Langya!

"Handa ka na ba Ms. Montelban? Ms. Julia Montelban?"

I hesitantly nod.

Waaaaah!!! Ayoko na! Ano ba 'tong pinasok ko? Una, pinagkamalan ko siya kidnapper yun pala siya yung may-ari. Pangalawa, pinaghahampas ko siya ng unan. Pangatlo, hindi siya gentleman. Pang-apat, uhm...ang gwapo niya...What the, Julia! Ibig kong sabihin, gwapo nga ugaling unggoy naman. At panglima...ano nga ba yung panglima? Teka lang ha, isipin ko muna...

Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon