Okay. Nag-update na ako since matatagalan na naman bago ako ulit makapag-UD. Again early notice, ilang chapters na lang ang PIR. Siguro 5 or 6? Not yet sure but below 10 na lang ang remaining chapters ng PIR ^__________^
Ngayon pa lang gusto ko nang magTHANK YOU sa inyong suporta! I LOVE YOU ALL!
Chapter 43
“Sometimes I wish I could save you…And there're so many things that I want you to know…I won't give up till it's over
If it takes you forever…I want you to know…”
Naalimpungatan ako nung may marinig akong kumakanta habang sinasabayan yung tugtog sa radio. Napamulat ako ng mata pero agad ko rin namang isinara nung makita ko si Sir Dj sa driver’s seat. Buti na lang hindi niya napansing gising na ako. Nakafocus kasi siya sa daan.
“When I hear your voice…Its drowning in a whisper…It's just skin and bones…There's nothing left to take…And no matter what I do I can't make you feel better…If only I could find the answer…To help me understand…”
Nanatili lang akong nakapikit. Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa ‘to, ayaw kong makita niyang gising na ako. Siguro kasi masyado ka naeenjoy ang boses niya?
“Sometimes I wish I could save you…And there're so many things that I want you to know…I won’t give up till it's over…If it takes you forever I want you to know…”
Ang ganda pa rin ng boses niya. Taglay niya pa rin ang boses na nagpapakilig sa mga kababaihan.
“That if you fall, stumble down…I'll pick you up off the ground…If you lose faith in you…I'll give you strength to pull through…Tell me you won't give up cause…I'll be waiting if you fall…”
Unti-unting humihina ang boses niya tapos bigla na lang ako nakaramdam ng goosebumps, ewan ko kung bakit, pati ako nagtaka. Hindi naman nilakasan yung aircon, pero parang bigla na lang nagsitaasan yung balahibo ko.
“Oh you know I'll be there for you…” ako lang ba ‘to o talagang malapit yung boses niya sa akin? Para malaman ko ang sagot…minulat ko na yung mata ko. Malapit nga siya sa akin. Kaya naman napaayos ako ng upo.
“Oops. Sorry. Nagising ata kita.” saad niya habang inaayos din niya ang kanyang pagkakaupo. “Kinuha ko lang ‘to.” sabay pakita niya sa akin nung sunglasses niya na nahulog ata sa may paanan ko.
“Ah. Okay lang po ‘yun.”
Napatingin ako sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung nasaan na kami pero medyo marami rami pa namang tao na nandito yun nga lang medyo rural na yung lugar na ‘to.
“Kain na muna tayo?” tanong niya. Tumango na lang din ako at tumingin sa natutulog na si Quen, nasa likod na siya nakahiga ngayon.
Itinabi na nga ni Sir Dj ang sasakyan sa tabi ng isang carenderia. “ Quen, gising na.” yinugyog ko pa siya nun kaya nagising din naman agad.
“Saan na tayo?” tanong niya.
“Hindi ko alam eh. Pero kakain na muna tayo. Lunch na kasi.” sabi ko saka bumaba ng sasakyan.
Pumasok na kami doon sa carenderia at nadatnan ang iilang mangingisda siguro sila. Dagat na kasi ang likuran ng carenderia na ‘to, kaya naman ang sarap ng hangin. Buti na lang nga hindi lahat ng pagkain dito ay seafoods.
Ako na ang nagpresentang umorder kasi halata namang pagod na yung dalawa. Nung lumapit na ako sa nagtitinda may batang babae, naalala ko tuloy si Clarence, nakaupo siya sa mesa na linagyan ng mga ulam habang nakacross legs. Nginitian ko siya pero tinaasan lang niya ako ng kilay, napaayos tuloy ako ng salamin ko, nahiya naman ako sa kanya!
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
FanfictionBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...