Chapter 27
Julia’s POV
Nandito na kami sa gitna ng amusement park. Grabe ang ganda pala talaga. Panira lang talaga ng araw ‘tong kasama ko, eh pano ba naman kanina pa kami nag-aaway kung ano ang sasakyan namin.
“Sa lantern wheel na nga lang kasi tayo.” ang ganda naman kasi doon eh. Gusto kong makita ang view mula sa taas.
“Mas maganda sa roller coaster.”
“Gusto ko sa lantern wheel. Ang romantic kaya nun kung galing tayo sa taas tapos tatanawin natin yung view sa baba.”
“Tss. Mamayang gabi na mas maganda kung gabi.”
“Naman eeeeh.”
“Teka nga, ikaw na nga nasunod kung anong pagkain ang bibilhin natin eh, dapat ngayon ako naman.” nanumbat pa -.- Nga naman ako na nasunod na street foods yung bilhin samantalang ang gusto naman niya kumain sa fast food chains. Tsk. Mas masarap kaya ang street foods.
“Eeeh. Sige na nga.” tapos ayun bumili na kami ng tickets para sa roller coaster then sumakay na. Kahit medyo labag sa loob, excited pa din naman ako kahit papano. Eh first time kong sumakay nito eh.
Unti-unti nang tumataas yung roller coaster. At kinakabahan na ako. Omo. Malapit na.
“Okay ka lang? Ang lamig ng kamay mo ah. Haha.” hinawakan niya kasi ang kamay ko and yeah talagang nanlalamig na ako sa kaba.
Hinampas ko siya, “Nang-asar pa eh.” napatawa lang siya.
“Basta sigaw ka lang.” yun na yung last kong narinig sa kanya kasi naman napuno na ng sigawan. Bumaba kasi bigla yung roller coaster. Swear nakakatakot. Matatanggal ata taba ko nito eh.
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!
Nakakahilo. Wew.
Naramdaman kong hinigpitan ni Dj yung hawak niya sa kamay ko, napatingin ako sa kanya at nginitian niya lang ako. Tapos biglang..
“WAAAAAAAAAAH!!!” sigawan naming lahat. Teka manong itigil niyo nga muna, yung kaluluwa ko naiwan sa itaas. Huhuhu.
Isang bagsak na naman, “I LOVE YOU JULIA!”
Napatigil ako sa pagsigaw nung marinig ko ang sinabi niya. Mali, hindi pala sinabi, isinigaw niya. Another bagsak na naman, “I LOVE YOU SO MUCH JULIA!” sigaw niya ulit. Ako naman hindi na nakasigaw, naspeechless ako sa ginawa niya. Though hindi ako sure kung may nakarinig nun dahil sa lakas ng sigawan but…did he just shouted to the world that he loves me? OMO! Kill me now. Mamamatay ako hindi sa roller coaster na ‘to, kundi sa sobrang kilig.
“Lahat ng kaligayahan may katapusan.”
Ewan ko kung saan galing yun, pero bigla na lang siyang pumasok sa isip ko.
*screeeeeeeeeeeech*
Ano yun??
“AAAAAAAAH!” nagsigawan ang mga taong nakasakay. Sigaw na parang natatakot. Bigla akong kinabahan. Tumingin ako kay Dj. Maging siya parang natatakot na din.
Biglang tumigil yung coaster sa taas kung saan bahagyang nakabaliktad yung sinasakyan namin. Nagsisigawan na yung mga tao. Ipinikit ko ang mga mata ko, nasa pinakamataas kami na parte ng coaster tapos yung posisyon namin nakatagilid.
Ito na ba? Ito na ba ang sinasabing katapusan ng kaligayahan ko?
Syempre. Joke lang yun. Ano yun, matsutsugi na kaagad kami? Syempre hindi noh, hindi pa tapos yung kaligayahan ko eh.
BINABASA MO ANG
Play It Right ~ JulNiel Fanfic (Slow Update)
FanfictionBakit kapag persons with disabilities, ginagalang? Pero kapag persons with FACIAL disabilites...linalait, pinaglalaruan, pinagkakatuwaan? Tsk. Diba may kasabihang kapag ang tanga natuto, lagot ka! Meet Crazy Duckling, isang maganda...ang pag-uugali...