SCENT - 20

32 7 0
                                    

Oliver's POV

Lubayan muna si Freya dahil sa pagtulong niya sayo ay napapahamak na siya.

Lubayan muna si Freya dahil sa pagtulong niya sayo ay napapahamak na siya.

Lubayan muna si Freya dahil sa pagtulong niya sayo ay napapahamak na siya.

Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Sister Olivia sa akin.

Kailangan ko bang gawin iyon?

Ang hirap. Sobrang hirap ang iwan siya.

Hindi ko kaya pero kung ikakabuti niya ito, sige, gagawin ko. Kaya sana patawarin mo ako Freya.

Iniwasan ko nga si Freya at 'di na muling nagparamdam pa sa kan'ya at ganoon din ang ginawa ko kay Issa.

Tiniis ko ang lungkot at sakit na parang bumabalik na naman ako sa nakaraan.

Nakakapanibago dahil ang nakasanayan ko ay bigla na lang muli naglaho.

Mahal na mahal kita Freya pero hindi naman tayo pwede.

At sa pagkakataong pag-iwas ko kay Freya ay sinubukan kong puntahan ang presinto na pinagtanungan dati namin ni Freya.

Doon ako naghalungkat ng mga dokumento na maaari kong makita tungkol sa nangyari noong limang taon ang nakararaan.

Subalit, wala pa rin akong nahahanap.

Kaya naghalungkat pa rin ako hangang sa wala pa rin akong nakita.

Pero hindi pa rin ako sumuko kaya naisipan kong magpadala ng sulat sa mga pulis. Ngunit, sa pagkakataong iyon ay may napansin na akong kakaiba sa presintong ito dahil may kahinahinala akong kakaiba sa isang matandang lalaki na nasa mid 30's ang lagi kong nakikita na pabalik-balik.

Hanggang sa may nalaman nga ako at hindi ko inaasahang matuklasan at makita ng dalawang mata ko.

"Castillo Cases." basa ko sa isang dokumento na hawak ng isang matanda.

Nang bigla na lang nandilim ang paningin ko na parang umiikot ang paligid ko.

"A-aray!" daing ko sabay hawak sa aking ulo dahil sa kirot.

Hindi ko maintindihan pero parang may pangitain sa aking isipan na lumilitaw.

Mga tao.

Umiiyak.

Pagsabog.

Putok ng baril.

Hanggang sa unti-unti na akong nilamon ng kadiliman.

"Nagkamalay na ba siya?" rinig kong tanong ng isang matanda.

"Opo boss. Ano po gagawin natin sa kan'ya?"

"Basta bantayan niyo 'yan ng maigi para 'di makatas."

Marahan kong iginalaw ang isang daliri ko.

Teka, nasaan ako?

Gusto ko bumangon pero parang hirap na hirap akong galawin ang buong katawan ko.

Ano bang nangyari?

Iminulat ko ang mga mata ko at dahan dahang pinagmasdan ang aking paligid.

Ngunit puting kisame ang bumungad sa akin. Nasa hospital ba ako?

Tiningnan ko ang itsura ko. At tama nga ako, nasa hospital nga ako.

Gaano na ba ako katagal na nandito at parang pakiramdam ko naparalisa ang buong katawan ko.

Hirap na hirap ako sa paggalaw.

SCENT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon