SCENT - 01

290 122 52
                                        

[SCENT]


Freya's POV

NAGISING ako nang tumunog ang aking alarm clock.

Kinusot-kusot ko naman ang aking mata para tignan ang orasan.

Nang makita ko ang oras ay biglang nanlaki ang aking mata sa gulat dahil ilang minuto na lang pala ay magsisimula na ang aking klase.

Kaya dali-dali naman akong bumangon para mag-ayos ng aking sarili.

NAGMADALI naman akong tumungo sa aking klase at nang makarating na ako sa harap ng pintuan ay hindi muna agad ako pumasok dahil huminga muna ako ng malalim.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob para buksan ang pintuan dahil naririnig ko na ang boses ni Sister Sofia na nagka-klase.

Nang makapasok na ako sa loob ay sandaling nabalot ng katahimikan at sa akin lahat nabaling ang atensyon nila.

Samantalang si Sister Sofia ay napatigil sa pagsasalita kaya napataas ang mataray nitong kilay.

Dahil sa hiya ay napayuko na lamang akong dumiretso sa nakita kong bakanteng upuan na malapit sa bintana.

HABANG bagot na bagot akong nakikinig kay Sister Sofia tungkol sa tinuturo nitong history ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa aking paligid.

May naamoy akong pabango ng isang lalaki kaya agad akong lumingon sa aking likuran upang ito'y tingnan.

Ngunit, wala naman akong nakita.

Nagtaka naman akong luminga-linga sa aking mga ka-klase at nagbabakasali na makita ko siya.

Imposibleng makapasok siya rito kasi magkalapit lang ang kumbento at ang paaralang pinapasukan ko ay pawang mga babae lamang.

Kaya sobrang higpit ng mga madre na bawal papasukin ang mga kalalakihan dito sa paaralang pinapasukan ko, mapa-bisita man o ito kamag-anak.

Ang paaralang ito ay binansagang, 'The Super Conservative School', kaya malaki ang pasasalamat ko kay Sister Olivia na pinag-aral ako sa pribadong eskwelahang ito para raw hindi ako matulad sa iba na maagang nag-asawa o napariwara sa lansangan dahil maagang naulila sa magulang.

"Nararamdaman mo ako?"

Nagulat naman ako nang may biglang bumulong sa bandang kanan ng aking tainga kaya agad akong napatingin sa kanan ko.

Nang tumingin ako sa aking kanan ay naamoy ko ang pabango nito nang malapitan.

Kaya naipikit ko ng mariin ang dalawang mata ko at napahawak sa aking dibdib dahil sa kaba.

Hindi pala tao ang lalaking naamoy ko, kundi isang multo.

"Hala! Nakikita mo rin ako?" sabi pa nito kaya umiling agad ako at sinabing, "Hindi!"

Nagkunwari naman akong nagbasa ng libro para 'di na niya muli ako kausapin.

Gano'n naman lagi ang aking ginagawa, tuwing nakakaramdam kasi ako ng kakaiba sa aking paligid ay hindi ko na sila pinapansin o kinakausap kaya nawawala rin sila na parang bula.

"Huwag ka ng mag-deny, alam kong naramdaman mo ako at nakikita." pangungulit niya.

Pero iba ang isang 'to. Hindi pa rin siya nawala kahit hindi ko na siya pinapansin o kinakausap.

"Naiintindihan niyo ba, class?"

"Hindi nga sabi eh!" pasigaw ko.

Napatingin naman ang lahat sa akin, samantalang si Sister Sofia ay naniningkit ang dalawang mata bago magsalita, "Excuse me, Freya. May sinasabi ka ba?" masungit na tanong niya sabay pinagkrus ang dalawang braso nito.

SCENT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon