SCENT - 27

36 4 1
                                        

Freya's POV

"Tigilan mo na ito Bryan!" pakiusap ko kay Bryan pero parang wala itong naririnig.

"Walang makakapigil sa gusto ko Freya!" sigaw niya at pinaandar ang kotseng sinasakyan namin.

Kinaladkad ako ni Bryan pasakay sa kotse niya at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

"Sa tingin mo ba magandang ihemplo itong ginagawa mo?" tanong ko sa kan'ya.

"Wala akong pakialam Freya! Mula nang mamatay si Dad ay marami nang nagbago!" tugon niya habang diretso ang tingin nito sa daan.

"A-Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

Bago siya magsalita ay sinulyapan niya muna ako.
"Namatay si Dad nang dahil sa kagagawan niya."

"S-Sinong tinutukoy mo?"

"Sino pa ba? E 'di 'yung hayop mong Ama!"

Tila lalo naman akong naguluhan sa sinabi niya.

"Anong kasalanan ni Daddy?" takang tanong ko.

"Tsk. Wala ka pa rin pa lang ideya. Pwes, ako na mismo magsasabi. Ang kinikilala mong magulang ay hindi sila ang totoo mong pamilya. Si Tita Elena and Tito Ramon hindi ka nila totoong anak! At kahit kailan hindi sila nagkaroon ng anak, Freya."

Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko sa sinabi niya.

Imposible.

"You're liar!" Galit na sabi ko sa kan'ya.

Nagsisinungaling lang siya!

"Nagsasabi ako ng totoo sa'yo, Freya! Marami nang nagawang kasalanan ang tatay mong si Victor."

"V-Victor?"

"Yes, Victor Bernales is your biological father. Pinagkait ka ng kinikilala mong magulang sa kan'ya. Ayaw nilang malaman na ang totoong tatay mo ay isang kriminal."

Wala akong maintindihan sa sinasabi niya at sumasakit ang ulo ko sa nalaman ko.

Bakit?

Bakit niya sinasabi sa akin 'to?

Ayoko na!

"Freya, I'm really sorry pero I need to do this. Kailangan mong sumama sa akin!"

Tumingin naman ako sa kan'ya.

"Saan mo ako dadalhin?" nagtatakang tanong ko.

"Sa mundo ko, Freya. Magsisimula tayo ng panibagong buhay. Magpapakasal tayo at bubuo ng magandang pamilya. Magpapakalayo tayo sa mga taong gustong sisira sa atin. Mahal na mahal kita, Freya."

Umiling ako. "Hindi pagmamahal ang nararamdaman mo sa akin, Bryan. Pagiging makasarili!"

Nagulat naman ako ng bigla niyang hininto ang sasakyan. Mabuti na lang at nakaseatbelt ako.

"Alin ang hindi mo maintindihan doon?! Mahal kita Freya! At Hindi kayo maaaring magsama ng Oliver na 'yon dahil akin ka lang!"

Tumingin ako ng diretso sa mata niya. "Nababaliw ka na!" sigaw ko sa kan'ya.

Pero nagulat ako nang bigla niya akong sinakal sa leeg.

Nakaramdam ako ng takot dahil nahihirapan akong huminga sa pagkakasakal nito sa akin.

Nagpupumiglas ako pero malakas siya kaysa sa akin kaya napapikit na lang ako at kusang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

At ang tanging pumasok lang sa isipan ko ay ang banggitin ang pangalan niya.

SCENT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon