Third Person's POV
Nang makarating si Freya at Bryan sa isang abandonadong isla ay may lumapit naman agad sa kanila.
Palihim namang napangiti si Bryan dahil napagtagumpayan niya rin sa wakas ang mga plano nito na ilayo si Freya kay Oliver.
"Nakahanda na ba?" tanong agad ni Bryan sa mga tauhan nito at sabay-sabay naman siyang tinanguan bilang sagot. "Okay, kayo na ang bahala sa lahat. Siguraduhin niyong walang nakaalam at nakasunod."
At dumiretso na silang sumakay sa isang eroplano.
Mapapansing walang imik at tanging pag-iyak lang ang nagawa ni Freya habang kinakalad siya ni Bryan papasok ng eroplano.
Nang makapasok na silang dalawa sa eroplano ay agad sinampal ng malakas ni Freya si Bryan. "B-Bakit kailangan mo pa 'tong gawin Bryan!?"
Napahawak naman si Bryan sa pisngi nito at napangiti ito nang maramdaman niyang dumugo ang labi niya sa pagkakasampal ng malakas sa kan'ya ni Freya.
Nanlaki naman ang mata ni Freya, "S-Sorry..." paumanhin nito at napayuko dahil nakaramdam siya ng takot na baka saktan muli siya ni Bryan.
"Freya, kailangan ko itong gawin kasi kamumuhian ka lang din nila. Lalo na ang Oliver na 'yon!"
Umiling naman si Freya at nanatiling tahimik habang nag-aantay sa kung anong sasabihin sa kan'ya ni Bryan.
"Tumingin ka sa akin." Pinaharap siya ni Bryan pero ayaw niya itong tingnan kaya nanatili lang siyang nakayuko. "Hindi mo ba alam na si Issa at Oliver ay magkapatid sa Ama?"
At mababakas naman sa mukha ni Freya ang pagkagulat nang sabihin iyon ni Bryan. Mukhang kailangan niya na yatang masanay sa lahat ng mga pasabog na sasabihin sa kan'ya ni Bryan.
Pagod na pagod na ang puso at isip niya sa mga nalalaman niya pero kailangan niyang maging matatag at tanggapin ang lahat ng iyon na kahit balik-baliktarin man niya ang mundo ay wala na siyang makakatakas dahil iyon ang totoo.
"At ang totoo mong Ama ang dahilan kung bakit namatayan agad sila ng Ama! Malalaman at malalaman din nila ang totoo Freya na isa kang anak ng kriminal! At ikaw itong sisisihin at pagbabayarin ng lahat ng kasalanang nagawa ng iyong Ama! Hindi mo ba naiintindihan ang pinupunto ko Freya? Ang nangyari sa'yo noon, ay mangyayari muli! Gusto mo ba 'yon? Pag-uusapan ka ulit at huhusgahan ng mga taong nasa paligid mo?"
Hindi naman nakasagot si Freya sa halip ay humagulgol siya sa iyak.
Wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ni Bryan dahil sa isip nito ay may punto nga naman si Bryan dahil mauulit at mauulit muli ang nangyari noong limang taon ang nakararaan.
Naisip niyang baka hindi rin siya maalala ni Oliver at baka kamuhian lang din siya nito. Lalong lalo na si Issa na alam niyang mas matindi pa ang galit nitong mararamdaman sa kan'ya kung sakaling magkita pa sila nito at magkrus pa ang mga landas nila.
Dahil siguradong malalaman at malalaman din nila ang totoo.
Masakit para sa kan'ya na lisanin ang nakasanayan niya at talikuran ang lahat ng bagay na kung anong meron siya noon at ngayon.
Kaya napagdesisyon niyang magpakalayo-layo na lang para hindi na siya makasakit pa ng iba.
At wala ng masasaktan nang dahil sa kan'ya...
"I'm really sorry."
Natulala si Oliver at mababakas naman sa mukha nito ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya.
"H-Hindi! Hindi totoo 'yan!"
Agad naman siyang niyakap ng kapatid niyang si Issa.
Nakatanggap sila ng balita tungkol kay Freya kaya agad nila itong pinuntahan pero sa kasamaang palad ay nahuli na sila ng dating.
Ang masaklap pa nito, ay ang nadatnan na lang nila ay ang palutang-lutang na sapatos ni Freya sa isang abandonadong isla.
Nabalitaan kasi nilang sumakay sina Bryan na kasama si Freya at mga tauhan nito sa isang eroplano.
May pag-asa pa sanang maililigtas nila si Freya dahil hindi pa sila nakakalayo pero bigla namang sumabog ang sinasakyan nilang eroplano kaya hindi sila makapaniwala sa nangyari. Lalo na si Oliver sa nasaksihan ng dalawang mata niya.
"Mahahanap natin siya! Alam kong nand'yan lang siya!"
Umiiyak si Issa habang yakap-yakap niya si Oliver samantalang pinipigilan naman siya ni Denzel na pumunta ito sa napakadelikadong dagat dahil matataas ang hampas ng mga alon nito, samantalang napapailing na lang ang ilang mga pulis at sundalo.
Masakit para sa kanila ang nangyari kay Freya at nakakadurog sa puso dahil nasaksihan nila mismo ang pinangyarihan sa pagsabog ng eroplano.
At sa huling sandali ay sinigaw ni Oliver ang pangalan niya.
"FREYA!!!"
WAKAS.

BINABASA MO ANG
SCENT (COMPLETED)
Misterio / Suspenso"A girl who can smell, rather than see ghost."