Oliver's POV
"Anong balita? Gising na ba iyan?" Rinig kong tinig ng isang baritonong boses ng matanda.
Napamulat ako at tumambad sa akin ang puting kisame.
Teka nasaan ba ako?
Pumasok naman sa isip ko ang nangyari.
Si Mama?
Si Eya?
Ang mga magulang niya?
At biglang kumirot ang ulo ko at naramdaman kong sumakit ang buong katawan ko.
Dahan-dahan kong iginalaw ang mga daliri ko at tiningnan ang itsura ko.
Nasa ospital pala ako.
Bumangon naman agad ako at dahan-dahang tumayo para alisin ang pagkakadextrose sa kamay ko.
Kailangan kong umalis.
"Saan ka pupunta?"
Nagulat ako ng makita kong may kasama pala ako. Lumapit ang mga ito sa akin at napansin kong familiar sila dahil ito ay ang mga armadong nagpaulan ng bala at humahabol sa amin.
"Nasaan ang mga kasama ko?" agad kong tanong.
"Wala na sila. At saan ka pupunta? Tatakas ka?" at pinigilan ako sa gagawin ko.
"Bitawan niyo ako!" pagpupumiglas ko nang hawakan nila ako.
Hindi pa rin nila ako binibitiwan kaya naglakas loob akong tadyakan ang isa sa kanila at nagkaroon ng pagkakataon na buhatin ang tangke sa tabi ko para ihambalos sa kanila.
At sa pagkakataong iyon, ay natakasan ko ang mga hayop na iyon para makalabas ng ospital.
Dahan-dahan naman akong tumungo para hindi ako mahalata ng mga tao sa paligid ko.
Kailangan kong makaalis dahil alam kong delikado ang buhay ko ngayon.
Masakit isipin na wala na ang mga kasama ko, ang mga magulang ni Eya kaya kailangan ko siyang puntahan dahil alam kong mas nanganganib din ang buhay niya.
Habang tumutungo ako ay nahagilap ng mga mata ko ang tatay ni Ken na may kausap ito.
Anong ginagawa niya rito?
Lalapitan ko na sana siya ngunit nakita ko ang mga armadong humahabol sa akin kanina na dumating at lumapit sa kanila.
Napansin kong may binulong sila at ang taong iyon ay ang kausap ng tatay ni Ken.
Nagtago ako para silipin sila at pakinggan ang pinag-uusapan nila.
"Ano? Ang tatanga niyo! Hanapin niyo siya agad! Alam kong 'di pa siya nakakalabas ng ospital." narinig kong sumigaw ang taong binulungan nila, siguro ay ang boss nila ito.
"Bakit? Ano'ng nangyayari? Tumakas ba ang anak kong si Oliver?"
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi ng tatay ni Ken.
Anak? Anong ibig niyang sabihin?
"May ginawa ba kayo sa kan'ya? 'Di ba pinag-usapan na natin ito. Tuso ka talaga kahit kailan, Victor!"
"Nasa akin na ang pera kaya wala ng bawian! Hindi ko na kasalanan kung bakit siya tumakas!"
At nanlaki ang dalawang mata ko ng magkasalubungan sila ng baril.
Nagulat ang mga tao sa paligid nila nang masaksihan nila ang nangyayari kaya nagkagulo-gulo ang mga ito sa loob ng ospital.
Bumuntong hininga naman ako ng malalim.