[] SCENT []
Freya's POV
Nang makalabas ako ng Cafeteria ay dumiretso agad ako sa paborito kong tambayan-ang Rooftop ng kumbento na kung saan ang comfort zone ko tuwing ako'y malungkot.
"Hey," untag ni Oliver. "Ayaw mo ba talaga akong tulungan?" aniya.
Hindi talaga niya ako tatantanan hanggang 'di ako pumapayag sa kagustuhan niyang tulungan ito sa problema niya.
Kaya lagi siyang nakasunod sa akin kung saan man ako pumunta.
"Bakit ako pa?" nagtatakang tanong ko sa kan'ya habang nakatingin sa malayo at pinagmamasdan ang mga estudyanteng masayang nag-uusap.
"Kasi ikaw lang ang nakakakita sa akin." agad naman nitong sagot.
"Hindi nga kita nakikita. Bakit ba ang kulit mo?"
Ilang beses ba itong inere? Sinabi ko na nga sa kan'ya na hindi ko ito nakikita eh.
"Eh, ano? Nakakausap mo nga ako 'di ba?" naguguluhang sabi niya.
Huminga naman ako nang malalim bago nagsalita.
"5 years ago..." panimula ko at napabaliktanaw.
Flashback
"Mama, Papa. Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nag-iimpake ng mga gamit.
"Pupunta tayo kina Sister Olivia, anak." sagot ni Mama.
Napansin kong tila balisa naman ang mukha ni Mama.
"Bakit Ma? Anong gagawin natin doon?" nagtatakang tanong ko.
"Anak, malalaman mo rin sa tamang panahon. Masyado ka pang bata."
Bumaling ako kay Papa dahil siya na ang sumagot sa tanong ko kay Mama.
Isang professional na attorney sina Mama at Papa, at ayon sa aking naririnig sila raw ang pinaka-mahusay na abogado sa buong mundo.
Kaya ang taas-taas ng tingin ko sa aking magulang at bilang anak nila ay humahanga rin ako sa kanilang dalawa.
Ngunit, nagbago ang lahat nang dahil lang sa isang pagkakamali.
Mayroong isang kaso tungkol sa nangyaring krimen at sila ang inatasang abogado para ipagtanggol ang taong may hawak sa kanila.
Napanalo naman agad ng aking magulang ang kasong iyon.
Pero nang tumagal ay nalaman na ang taong pinaglaban pala nila sa kaso ay isang kriminal. Samantalang, ang pinarusahang nakulong at nagdusa ng ilang taon sa kulungan na wala namang kasalanan ay isa pala itong inosente.
Magmula noon, ay marami ng nagalit sa magulang ko, pati na rin ako ay nadamay hanggang sa pinadalhan kami ng death threat at nalaman kong nanganganib na rin ang buhay namin.