Freya's POV
"Iha, ayos ka na ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Sister Olivia.
Tumango ako bilang sagot.
Ilang araw na ang nakalipas nang mangyari ang pagsapi sa akin ng isang masamang espirito at sa nangyaring iyon ay bigla na lang nagbago ang lahat.
Oliver, nasaan ka na ba?
Iyan ang mga katanungang laging sinasambit ng utak ko.
Mula nang magising ako sa kwarto ni Sister Olivia ay tila may kulang na sa akin.
Dahil nawala na lang na parang bula ang kakayahan kong makaamoy ng multo at makaramdam ng mga nilalang sa aking paligid.
Kaya hindi ko na rin maaamoy ang presensya ni Oliver.
Nakakalungkot.
Nakakapanibago.
Dahil 'yung nakasanayan ko ay bigla na lang ganoon.
Ang kakayahan kong makaamoy sa multo ay bigla na lang naglaho.
Ang multong kinukulit ako lagi ay bigla na lang nawala.
Minsan ko na rin tinanong si Issa, pero ang tanging sagot niya lang ay, "Hindi ko alam."
Nasaan ka Oliver?
Miss na miss na kita.
Amoy mong hindi nakakasawa, presensya mo'y nakakasabik.
Pero bakit?
Hindi ko alam.
Pero ang masasabi ko na lang sa aking sarili.
Umiibig na ba ako sa multo?
"Freya!" tawag sa akin ni Bryan.
Nilingon ko naman siya.
Anong ginagawa niya rito?
Narito ako ngayon sa ilog na pinaka-ayokong puntahan noon. Pero nabago iyon dahil parang nagugustuhan ko na itong tambayan. Kahit na may masamang nangyari sa akin dito noon ay pumupunta pa rin ako rito tuwing nakakaramdam ako ng kalungkutan at pagkamiss sa multong iyon.
"Anong ginagawa mo rito?" agad kong tanong sa kan'ya nang lumapit ito sa akin at tumabing umupo.
"Namiss lang kita." nakangiting aniya.
Isa pa itong makulit.
Sinabihan ko na siyang hanggang kaibigan lang kami at parang kapatid lang ang turing ko sa kan'ya.
Dahil 'yun lang ang maibibigay ko sa kan'ya at hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya sa akin pero ang sinabi lang nito ay maghihintay pa rin daw siya.
Baliw na ba siya?
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kan'ya.
"Gusto lang kitang dalawin kung ayos ka na ba?"
"Maayos naman ako." sarkastikong tugon ko.
"Mabuti naman kung gano'n." nakangiti pa rin siya.
Sinusungitan ko rin siya minsan dahil naiinis ako sa ginagawa niya.
Kahit anong gawin kong pagsusungit ay lalo raw siyang nahuhulog.
Gusto ko na rin siyang iwasan pero siya naman itong dikit ng dikit.
Naalala ko tuloy si Oliver sa kan'ya.
Hindi ko alam kung bakit ako pa?
Ang dami-dami naman d'yang babae.
Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga.
Habang nakaupo ako sa damuhan ay bigla ko siyang tinanong na hindi ko rin inaasahan na sasabihin ko iyon.
"Bryan, naniniwala ka ba sa multo?"
Napakunot-noo naman siya sa sinabi ko.
Umiling ako. "Huwag mo na lang pansinin 'yung sinabi ko." tila nahiya naman ako kaya tumayo na ako para pumasok sa susunod na klase ko.
Akmang aalis na sana ako ng biglang niya akong hinigit sa braso atsaka niyakap.
"Oo, naniniwala ako."
Nagulat ako.
Hindi dahil sa sagot niya sa tanong ko kung 'di sa biglaang pagyakap niya sa akin.
"B-Bryan, ano ba!" Nagpumiglas naman ako sa pagkakayakap niya sa akin pero lalo nitong hinigpitan.
Tinutulak ko siya ngunit hindi ko magawa dahil sa malakas siya.
Ngunit napatigil ako ng muli siyang magsalita, "Oo. Naniniwala ako sa multo dahil nakakatakot siyang labanan pagdating d'yan sa puso mo."
At bigla na lang nandilim ang aking paligid...
Nagising ako ng maramdaman ko ang lamig ng sahig na kinahihigahan ko. Minulat ko ang aking mga mata ngunit kadiliman lamang ang aking nakikita dahil nakapiring ang mga ito.
Nakaramdam naman ako ng pananakit sa aking katawan dahil ang mga kamay at paa ko ay nakatali rin kaya hirap na hirap akong gumalaw.
Teka? Nasaan ako?
Inaalala ko ang nangyari kanina.
Si Bryan?
Tama! Si Bryan ang kasama ko kanina sa tabing ilog. Niyakap niya ako at bigla na lang nandilim ang paningin ko na tila may pumokpok sa aking batok.
Pero nasaan siya?
Biglang bumilos ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang makarinig ako ng mga yapak papalapit sa akin.
"S-sino ka?" tanong ko agad.
"You don't need to know." sagot ng tinig ng lalakeng narito ngayon sa aking harapan.
Hindi ko mabosesan ang lalaking ito dahil ngayon ko lang itong narinig.
"Anong kailangan mo?" tanong ko muli ngunit hindi nito sinagot ang tanong ko.
"You need to eat." 'yun lang ang sinabi nito sa akin at naramdaman ko ang paghawak nito sa aking mga kamay na nakatali.
"S-Sino ka? A-Anong gagawin mo? Nasaan ako? Si Bryan, 'yung lalaking kasama ko saan mo siya dinala?" sunod-sunod na tanong ko sa kan'ya ngunit wala pa rin akong natanggap na sagot mula sa kan'ya at naramdaman ko na lang ang pagkalag ng tali sa aking mga kamay at paa.
Nagulat ako ng bigla ako nitong buhatin at inilapag sa malambot na kama.
"A-Ano ba!" galit na ani ko sa kan'ya pero hindi talaga ito tumugon sa mga sinasabi ko.
Napatigil naman ako bigla niyang hinaplos ang mukha ko at paghalik nito sa noo ko.
Sa sobrang pagkabigla ay hindi ko na alam ang nangyari at ng bumalik ako sa tamang pag-iisip ay bigla kong hinaklit ang piring sa aking mga mata at iginala ang paningin sa kabuuan ng silid.
Malaking silid na wari mo ay pag-aari ng isang lalaki. Napatingin ako sa side table at nagulat ng makita ang laman ng tray.
Isang coq au vin. Naalala ko tuloy ang paborito kong niluluto lagi ni Papa tuwing nahuhuli umuwi si Mama.
Nakaramdam ako bigla ng pagkamiss kay Papa dahil minsan lang kami mag-usap noon. Sa totoo lang, malayo ang loob namin sa isa't isa.
Nagutom naman ako kaya kinain ko na ang hinanda para sa akin.
Ngunit huli na ng mapansin ko ang isang rosas sa tabi ng tray at may kasamang maliit na papel.
"You're safe now, sweetheart." basa ko sa aking isipan sa nakasulat sa maliit na papel.
Tiningnan ko ang lalaking nakahoodie ng itim at nakatakip ang mukha nito gamit ang itim na mask.
Sino ka?
Nasaan ako?
At ano ang kailangan mo sa akin?
BINABASA MO ANG
SCENT (COMPLETED)
Misterio / Suspenso"A girl who can smell, rather than see ghost."