[] SCENT []
Freya's POVKasalakuyan akong naglalakad patungo sa kumbento nang bigla naman akong nasilaw sa liwanag na tumama sa mukha ko.
Naipikit ko naman ang aking dalawang mata sa sobrang liwanag nito at nang maglaho ang liwanag ay agad kong iminulat ang mga mata ko.
Ngunit nagulat akong nagtataka sa biglaang pagbago ng lugar na kinatatayuan ko.
Nanlaki ang aking mata dahil napunta ako sa isang masukal na kagubatan.
"Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili.
Tiningnan ko ang aking paligid.
Pinapaligiran ako ng mga matatayog na puno.
Pero mas nagulat ako ng makita ko si Mama na kinakawayan ako habang nakangiti itong nakatingin sa akin.
"Mama!" tawag ko sa kan'ya.
Pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko na parang may pumipigil sa akin.
Nakita ko naman si Mama na palayo nang palayo.
"Hintayin mo ako Mama! Sasama ako!" naiiyak na ani ko dahil unti-unti na itong lumalayo sa akin at hanggang sa nawala na siya ng tuluyan sa paningin ko.
Napabalikwas ako ng bangon dahil binabangungot na naman pala ako.
Napansin ko naman ang aking sarili na pinagpapawisan ng malagkit habang ang aking mga luha ay nag-uunahang lumabas sa aking mata.
Pinunasan ko ito gamit ang palad ko at nanatiling naka-upo habang umiiyak na yakap-yakap ang sarili kong tuhod.
"Bakit niyo ako iniwan at hinayaang mag-isa?" malungkot na ani ko.
Tumingala ako na pinagmasdan ang langit na makulimlim.
Mukhang uulan pa nga.
Napayuko naman ako at nag-isip ng malalim.
Ang bilis ng araw.
Hindi ko namamalayan na kaarawan ko na pala ngayon.
Napapikit ako at nilanghap ang malamig na hangin.
Sumasabay ang panahon sa malungkot kong kaarawan.
"Mukhang uulan pa nga." napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Oliver. "May tanong ako. Alam mo ba ang kwento tungkol sa ulan?" patuloy niya.
Tumikhim naman ako bilang pagtugon.
"May isang babaeng nagngangalang Rain, pinangalanan nila ito na kagaya ng ulan dahil tuwing umiiyak ito, ay sumasabay ang langit na bumubuhos ito nang malakas na ulan." sabay na saad namin.
"Hoy! Ang kj nito." tila dismayadong sabi niya dahil sinabayan ko siyang magkwento.
"Laos na kaya iyan." natatawang sabi ko.
"Happy birthday, Freya." napatigil ako ng binati niya ako. "Sorry, 'di ko alam kung paano ako babawi ngayong espesyal na araw mo." tila dismayadong ani niya.
Napaluha naman ako sa tuwa.
Sa tanang buhay ko at sa loob ng limang taon, ngayon lang ako binati.
"Hey! May nasabi ba akong hindi maganda?" tanong niya.
"Wala. Tears of joy lang ito, kasi ngayon lang ako binati sa kaawaran ko. Mula nang mamatay ang magulang ko, hindi na ako nakarinig ng binabati ako tuwing sumasapit ang kaarawan ko." paliwanag ko sa kan'ya habang naiiyak pa rin sa galak.
"Gano'n ba? Pero malas mo lang, kasi isang kaluluwang ligaw na gwapong multo ang bumati sayo." natatawang sabi nito at sinabayan pa nito ng kahanginan niya.
"Yabang! Atleast, may bumati pa rin sa akin!" tugon ko at nakitawa na rin sa kan'ya.
~~~
2 weeks later...
"Freya?" announce ni Sister Olivia sa pangalan ko at agad ko naman itinaas ang kamay ko being a present.
"Alyssa?"
Ngunit walang sumagot kaya lumingon ako sa inuupuan ni Alyssa.
Dalawang linggo na siyang absent, tinatawagan ko siya at pinapadalhan ng mensahe pero 'di siya sumasagot at nagre-reply. Sa totoo lang, nagtatampo ako sa kan'ya kasi wala man lang akong natanggap na mensahe o tawag no'ng nakaraang araw upang batiin sana ako sa aking kaarawan. Umaasa pa naman ako na sana siya ang kauna-unahang babati sa akin, dahil isa na rin siyang pinapahalagahan kong tao sa buhay ko.
Di kalaunan ay dinismiss na kami ni Sister Sofia sa klase. Pagkalabas ko ng pintuan ay nakarinig ako nang nagbubulungan tungkol kay Alyssa.
"Uy, narinig niyo ba ang balita tungkol kay Alyssa?"
Napatigil naman ako para pakinggan sila.
"Naku! Huli ka na sa balita 'no!"
"Kapag kasi malandi, maagang nabubuntis!"
"Pero kawawa 'no? Hindi raw siya pinanagutan ng lalaki. Tinakbuhan ba naman!"
Nagpanting ang aking dalawang tainga sa aking narinig, sa gulat at pagtataka ay 'di ko na pinakinggan pa ang pinag-uusapan nila dahil dali-dali na akong pumunta sa Rooftop at nagbabakasakaling baka naroon siya at hinihintay ako.
Ang daya mo, Alyssa! Kaya ba wala kang paramdam noong kaarawan ko dahil magkasama kayo ng boyfriend mong si Alfred? Hindi mo man lang ako binati, pati tawag at text ko hindi ka tumutugon. Pero ayos lang, naiintindihan ko naman.
Nang makarating na ako sa Rooftop ay napangiti naman ako dahil nakita ko siyang nag-aantay sa akin. Tila nakaramdam naman ako nang pagka-miss sa kan'ya at akmang lalapitan ko na sana siya, ngunit napatigil ako sa gulat nang humarap ito sa akin.
At bigla na lang ako nito sinugod ng isang malakas na sampal sa aking kaliwang pisngi.