Oliver's POV
Kasalukuyan akong nakahiga habang iniisip ang mga nangyari noon.
Parang isang panaginip ang mga pangyayaring iyon.
Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay nawala ang mga taong mahahalaga sa akin lalo na si Mama.
Sana, hindi ko na lang siya sinundan. Sana, hindi ko na lang pinairal ang pagiging kuryosidad ko. Sana, hindi na lang ako nagkagusto sa kan'ya.
Sana...
Napatigil ako sa kakaisip nang makarinig ako ng ingay mula sa labas at napatingin kung saan nagmumula ang ingay na iyon at napansin kong may babaeng nagbubukas ng pintuan ng room ko.
Kumunot naman ang noo ko kaya agad akong bumangon at dahan-dahang tumayo para lapitan ito.
Nang makalapit na ako ay nagulat ako nang makilala ko ang babaeng iyon.
"Issa?" sambit ko.
Issa's POV
Hindi ko alam pero parang may nag-uudyok sa sarili ko na dapat kong tulungan ang taong iyon.
Iba ang pakiramdam ko dahil para bang napakaimportante ang taong iyon para sa akin.
Ngayon ko lang siya nakita pero para bang matagal ko na siyang kilala.
Pinilit kong buksan ang pintuan pero nahihirapan ako dahil nga sa nilock ni Bryan ito.
Pero nagulat ako nang makita kong nakatingin na pala sa akin ang lalaking pasyente na nasa loob.
Nang tingnan ko siya ay nagtaka ako sa naging reaksyon niya.
At sinambit nito ang pangalan ko.
Oliver's POV
Nabuksan rin sa wakas ang pintuan gamit ang fire extinguisher at napansin kong hindi mapakali si Issa habang nasa harapan ko dahil parang hindi pa ito nagsisink-in sa isip niya ang sinabi ko.
Pinakilala ko kasi ang sarili ko sa kan'ya na ako si Oliver Castillo at parang hindi siya makapaniwala sa nalaman niya.
"Issa, manahimik ka nga." suway ng kaibigan kong si Ken sa kapatid niya.
Oo. Narito kami ngayon sa room ni Ken na katapat lang ng room ko.
Nakakatuwa nga dahil parang ang liit lang ng mundo. Akalain mo 'yun, magkapatid pala ang kaibigan kong si Ken at Issa.
"Ano'ng gagawin natin?" Tanong ni Ken na tila nag-aalala rin tungkol kay Freya.
Kinwento ko sa kanila ang kalagayan ngayon ni Freya.
Sa totoo lang ilang linggo na akong gising mula sa coma pero mas minabuti kong magpanggap muna at alamin ang lahat.
Hanggang sa nalaman kong si Bryan pala ang may pakana ng lahat.
At natatakot ako ngayon dahil nasa kamay niya ngayon si Freya.
"Ako na bahala." sabi ni Issa dahil tila nakaisip siya ng isang ideya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Ken sa kapatid niya.
"Total, close naman kami dati ni Bryan. Lalapitan ko siya at aalamin ko kung saan niya tinatago si Freya."
"No. Hindi ako makakapayag!" hindi pangsang-ayon ni Ken at naiintindihan ko iyon dahil alam kong nag-aalala lang ito sa kapanan ng kapatid niya.
Kilala namin si Bryan at matalino ito pagdating sa ganito at baka mapahamak lang din si Issa.
Hindi naman kami pwedeng magsumbong sa pulis dahil wala naman kaming ebidensya at katibayan na maipapakita sa kanila.
Bumuntong hininga naman si Issa. "Kuya, mahalaga rin sa akin si Freya. Hindi ako mapapakali kung may mangyari man sa kan'yang hindi maganda. At gusto ko rin, makabawi sa kan'ya sa lahat ng nagawa kong mali."
"Issa, ayoko lang na may mangyaring hindi maganda sa'yo." at bakas sa mukha ni Ken na mahal na mahal nito ang kapatid niya kaya ayaw nitong mapahamak.
At bigla namang may pumasok sa isipan ko.
"Anak!" at bigla niya akong niyakap ngunit sa pagyakap niyang iyon ay nakarinig ako ng putok.
Napasinghap ako sa gulat nang mapansin kong may dugong lumabas mula sa bibig niya.
Tila napakabilis ng oras at hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
At sa pagkakataong iyon, ay tinawag ko siya ng, "Papa!"
"Oliver, anak! Tumakas ka na!" nanghihinang aniya.
" Oliver? okay ka lang?" Tanong ni Ken nang mapansin niyang tahimik ako.
Bakas naman sa mukha ni Issa ang pag-aalala.
Tumango naman ako ngitian sila.
"Huwag kang mag-alala, maililigtas natin si Freya." nakatinging sabi ni Issa.
Tiningnan ko silang dalawa. Hindi na ako magtataka na kapatid ko sila sa ama dahil napakabait nila sa akin. Alam na kaya ang tungkol doon?
Gusto ko mang tanungin sila pero hindi pa ang tamang oras para rito dahil si Freya muna ang mahalagang iisipin namin kung paano namin siya maililigtas sa kamay ni Bryan.
Bryan's POV
"Anong balita?" agad kong tanong ng tanungin ko ang isa sa mga tauhan ko.
"Hawak na po siya ng mga tauhan boss," sagot nito.
Napangiti naman ako sa naging balita nito sa akin.
Mabuti kung gano'n at naging maganda ang resulta ng mga plano ko.
"Tawagan niyo sila at ipakausap niyo siya sa akin." utos ko.
At agad naman niya itong ginawa.
Nang masagot nila ang tawag ay narinig ko agad ang boses niya sa kabilang linya na pinagmumura ang mga tauhan ko.
Binigay naman agad sa akin ang telepono.
"Surprise, Tito Victor!" agad kong bungad sa kan'ya sa kabilang linya.
[Hayop ka! Nasaan ang anak ko?!] nilayo ko naman ang telepono sa tainga ko dahil sa sigaw nito.
[Pinagkatiwalaan kita sa anak ko! Tapos ganito lang din pala ang isusukli mo sa akin!]
Tumawa naman ako ng malakas.
Pwes, tanga ka! Isa kang matandang uto-uto at madaling magtiwala.
Tama nga si Dad, madali ka ngang mauto.
"Kung gusto mo pang makita ang anak mo. Tumahimik kang matanda ka! Huwag mo na ring tangkaing tumakas pa dahil napapaligiran ka ng mga tauhan ko." nakangising sabi ko sa kan'ya sa kabilang linya.
[Tuso ka talaga at parehong pareho kayo ng hayop mong ama!] galit na sabi nito sa akin.
"Kumalma ka lang, Tito Victor. Baka mamaya niyan, malagutan ka ng hininga dahil sa sakit mo. Paano ba 'yan? Baka hindi niyo na mayakap ang isa't isa." natatawang sabi ko na ikinagalit niya lalo.
[Nababaliw ka na!]
Oo. Matagal na akong baliw sa anak mo.
Kaya hindi ko siya hahayaang mapunta sa iba lalong lalo na sa lalaking iyon.
Gagawin ko ang lahat mapasakin lang si Freya.
Mahal na mahal kita Freya kaya hindi ako makakapayag na mapunta ka sa iba.
Lalong lalo na sa pesteng Oliver na iyon.
Sa akin ka lang Freya.
Akin ka lang!

BINABASA MO ANG
SCENT (COMPLETED)
Mistério / Suspense"A girl who can smell, rather than see ghost."