SCENT - 25

52 14 0
                                        

Issa's POV

"Sasama ako sayo Oliver."

Tumingin naman sa akin si Kuya Denzel.

"Please, kuya. Gusto ko rin tumulong para hanapin si Freya."

Bumuntong hininga naman si Kuya. "Okay, basta mag-iingat kayo. Oliver, ipagkakaktiwala ko ang kapatid ko sa'yo ah."

Tumango naman si Oliver.

Akalain mo 'yun, magkaibigan pala sila ng kapatid ko. Sobrang liit nga talaga ng mundo kasi hindi mo inaasahan na ang nakilala mong multo ay ang matalik na kaibigan pala ni Kuya.

Halos 'di nga ako makapaniwala no'ng pinakilala niya ang sarili niya na siya si Oliver, e.

Kung hindi lang sila magkakilala ni Kuya baka 'di pa rin ako maniniwala na siya 'yung multong nakilala ko.

Sino ba namang mabibigla sa itsura niya 'di ba?

Matangkad, maputi, makapal ang kilay, singkit ang mga mata tapos ang tangos pa ng ilong na para bang may lahi siya.

Denzel Ken's POV

"Mag-iingat kayo ng kapatid ko ah." nag-aalang bilin ko kay Oliver.

Sa totoo lang, ayokong payagan ang kapatid ko dahil baka mapahamak lang siya at natatakot ako kung sakaling mangyari iyon.

"Huwag kang mag-alala Kuya!" nakangiting sabi ng kapatid ko.

Umiling na lang ako at nginitian sila.

"Sige pre, alis na kami. Ikaw na bahala sa mga pulis kapag may lead na kami." at tumungo na sila sa sasakyan.

Bago kami gumawa ng aksyon ay napagdesisyon namin na tumawag ng back up kapag may lead na sila.

At nang makalayo na sila ay agad kong tinawagan si Mommy.

Nang sagutin ni Mommy ang tawag ko ay narinig ko siyang sumigaw sa kabilang linya.

"Mom? What happen?" Agad kong tanong.

Bigla naman ako kinabahan.

[Surprise, Ken!] at tama nga ang hinala ko nasa panaginip ngayon si Mommy.

Oliver's POV

Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan ni Issa at minamanmanan ang bawat galaw ni Bryan kasama ang mga tauhan nito.

"Napakasama talaga niya!" galit na sabi ni Issa at makikita mo sa mga mata ni Issa na kinamumuhian niya talaga si Bryan.

"Hindi naman siya gan'yan e, ibang Bryan ang nakilala ko noon kaysa ngayon." malungkot na sabi pa nito habang nakatingin pa rin ito kay Bryan.

At habang minanmanman namin si Bryan ay may kinausap ito sa telepono.

Kumunot naman ang noo ko dahil bigla itong tumingin sa direksyon namin.

"Issa, yuko!" dahil baka makita kami ni Bryan.

Habang nakayuko kami ni Issa ay laking gulat namin nang mamataan namin si Ken na bumaba sa isang kotse na kararating lang.

"OMG! Anong ginagawa ni Kuya?!" gulat na sabi ni Issa at akmang bababa na sana siya nang pigilan ko siya.

"Bakit mo ako pipigilan? Nasa panganib si Kuya Denzel!" naiiyak na sabi niya.

"Huwag kang lalabas, mabibisto tayo!" sabi ko sa kan'ya.

"Pero si Kuya? Paano siya? Kailangan niya ng tulong natin!"

"Sa tingin ko sinet-up ta---!" Naputol ang sasabihin ko nang makarinig ako ng putok patungo sa amin.

"Issa, yuko!" At agad kong pinaandar ang kotseng sinasakyan namin.

Deja Vu?

Siguro nga. Dahil nangyayari muli ang pangyayaring naranasan ko noong limang tao na ang nakararaan.

"Yumuko ka lang, Issa!" napansin kong takot na takot ito sa nangyayari.

"O-Oliver... N-natatakot a-ako..." at naiiyak na siya sa nangyayari.

Tumingin ako sa side mirror at hinahabol pa rin kami habang pinapaulanan kami ng putok ng bala.

Napansin ko naman si Issa na may kinukuha ito sa bag niya at laking gulat ko ng biglang ilabas nito ang baril.

"S-saan mo nakuha 'yan?" nagtatakang tanong ko.

"Kay Daddy ito, kinuha ko ito sa kwarto niya. Hindi alam ni Kuya ni kinuha ko ito." sabi niya at bakas pa rin ito sa mukha niya na takot na takot siya

"Marunong ka bang gumamit nito?" tanong niya.

Sa totoo lang, medyo marunong din naman ako dahil minsan sinasama ako ni Ken noon kapag na nag-eensayo sila ng Daddy niya.

At 'yun ang pinakamasayang nangyari na nakasama ko ang Daddy na niya Ama ko rin pala.

"Akin na." sabi ko at kinuha ang baril sa kan'ya.

"Ikaw na muna rito sa manibela." at tumango naman siya bilang sagot.

Nang mapansin kong tumigil sila sa pagpapaputok ng baril sa amin ay agad ko naman silang pinutukan at saktong nabaril ko ang isa sa kanila.

Hanggang sa nahulog sila bangin at sumabog ang kotseng sinasakyan nila.

Tumingin naman si Issa sa akin na tila namangha sa ginawa ko.

Nang mapansin namin na wala ng nakasunod sa amin ay huminto na muna kami sa isang iskinita.

"Hindi ko alam na marunong ka rin pa lang bumaril." namamanghang sabi niya.

Umiling naman ako.

"Tinuruan ako ng Daddy mo." nakangiting sagot ko.

Napansin kong nalungkot naman ito.

"Mabuti ka pa at nakasama mo si Daddy, kasi ako ni minsan hindi ko siya nakasama."

Kumunot naman ang noo ko.

"Sorry, hindi ko dapat binanggit ang Daddy mo."

Parang nakonsensya naman ako nang binanggit ko ang Daddy niya.

"Ano ka ba!" Hinampas naman ako ng mahina sa braso. "Ayos lang 'yun 'no! So, ano ng gagawin natin ngayong nasa panganib na rin si Kuya?"

At napaisip ako sa sinabi niya.

Bryan's POV

"Nasaan ang Mommy ko?!" bungad niya sa akin atsaka ako nito kinwelyuhan.

Bakas naman sa mukha niya ang galit nang tanungin agad ako nito tungkol sa Mommy niya.

"Chill ka lang Ken, hindi ko naman sasaktan ang Mommy mo e." at tinulak ko agad siya.

"'Yung tanong ko ang sagutin mo! Nasaan siya?!"

Aambahan na sana niya ako ng suntok pero nakailag ako.

Kaya sinenyasan ko ang mga tauhan ko na gawin na nila ang inuutos kong pukpokin siya ng baril sa batok.

"Hayop ka talaga..." aniya at nawalan na ito ng malay.

Makalipas ng ilang minuto ay lumapit naman sa akin ang isa sa mga tauhan ko at ibinalita nito na nakatakas ang dalawa.

Hinawakan ko naman ang sentido ko at kumalma ng ilang segundo.

Nang makabawi na ako sa sakit ng ulo ko ay agad kong pinutok sa bungo niya ang baril.

Narinig kong napasinghap ang ilan sa mga tauhan ko sa nasaksihan nila at inis ko silang sinigawan.

"Mga hangal! Wala na kayong ginawang tama kundi ang pasakitin ang ulo ko! Mga wala kayong silbi!"

At pinabulaanan ko sila ng bala ng baril.

SCENT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon