SCENT - 24

52 16 0
                                    

Oliver's POV

"Paano 'yan anong gagawin natin?" tanong ni Issa.

Sinubukan ko kasing tumakas para lumabas sana ng ospital pero may mga bantay na nakaharang sa labas at sigurado akong mga tauhan iyon ni Bryan.

"Hindi ba pwedeng magsumbong na lang tayo sa pulis." suwestiyon ni Issa.

Umiling naman ako bilang sagot.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong niya.

"Wala tayong sapat na ebidensya at katibayan kung magsusumbong tayo at baka lalong mapahamak si Freya kung gagawin natin 'yon."

"Oo. Tama ka d'yan Oliver." pagsang-ayon naman ni Ken.

Bumuntong hininga naman si Issa. "E 'di, anong gagawin natin?"

"Alam ko na!" sabi ni Ken at bumaling kami sa kan'ya dahil may naisip yatang magandang ideya.

"Ano ba 'yan! Nakakatakot naman rito sa morgue." reklamo ni Issa.

Oo nasa morgue nga kami at magpapanggap akong patay. Wala ng choice kundi ang gawin iyon.

"Basta Issa, lumabas agad kayo ng ospital kapag nalusutan natin ito." bilin ko sa kan'ya dahil pakiramdam ko ay naghihinala na ang mga tao rito sa ospital.

Baka madamay pa silang magkapatid at mapahamak at ayokong mangyari iyon sa mga kapatid ko.

Sila na lang ang natitirang pamilya ko kaya hindi ko hahayaang mawawala pa sila sa akin.

Humanda ka Bryan, pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo.

Tumango naman si Issa at nagmadaling lumabas ng morgue para sabihan ang kapatid niya na makaalis agad sila ng ospital.

Hindi ko rin mapigilan ang kabahan baka mabisto nila ako.

Nang makarinig ako ng yapak ay nagmadali akong humiga sa hinihigaan ng mga bangkay at nagbalot ng kumot.

Makalipas ng ilang minuto ay naramdaman kong may bumuhat na sa akin.

Kabadong kabado ako baka biglang buksan ang isa sa mga tauhan ni Bryan ang kumot na nakatalukbong sa akin.

Sumilip ako ng mariin para tingnan ang nangyayari sa paligid ko at napangiti naman ako dahil malapit na ako sa labas ng ospital.

Pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga tauhan ni Bryan kaya agad akong nagdasal ng taimtim na sana huwag ako mabisto.

"Teka!" at sigurado ako na tauhan ni Bryan iyong nagsalita.

"Bakit po sir?"

"Pwedeng bang tingnan ko muna ang bangkay na iyan?"

"Sir, paumanhin po pero pinagbabawal sa pamilya namin ang gan'yan."

"Opo. Dahil grabe po ang itsura niya nang mangyari ang aksidenteng iyon. Durog-durog po ang mukha niya na halos hindi na makilala kaya sana huwag niyo nang tingnan pa. Masakit sa amin ang makita iyon ng iba dahil nakakapandurog ng puso."

Nagulat naman ako ng marinig ko ang boses na iyon.

Si Ken at Issa.

Hindi ko naman mapigilang matawa sa isipan ko nang marinig ko 'yung mga palusot nila. Lalo na 'yung sinabi ni Issa.

"Sige, alisin niyo na 'yan sa harap namin!" rinig kong sabi ng tauhan ni Bryan na tila nandiri naman sa nalaman nila.

At naramdaman kong isinakay na nila ako sa sasakyan.

"Yes!" masayang ani ni Issa nang makalabas na kami ng ospital.

Bumangon agad ako at nagtawanan kaming tatlo.

Bryan's POV

"Ano?!" gulat na sabi ko sa kabilang linya.

Tumawag ang isa sa mga tauhan ko para ibalita sa akin na nakatakas si Oliver.

"Mga hangal! Paano kayo naisahan ng lalaking iyon?! Punyeta! Mga walang silbi" galit na sabi ko.

[Ayos na CCTV Boss, may isang babae na tumulong sa kan'ya."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Babae?

"Sino siya?" agad kong tanong.

[Issa po ang pangalan.]

At inis kong binato ang telepono na hawak ko.

Freya's POV

Nagising ako nang maramdaman ko ang lamig ng sahig na kinahihigaan ko at napansin kong hindi na nakatakip ang bibig ko at wala na ring tali ang dalawang kamay ko pero kinulong naman ako sa isang lugar na para bang isang maliit na kwarto.

Tiningnan ko naman ang aking paligid at habang nag-iisip ng paraan kung paano makakatas sa lugar na ito ay biglang bumukas ang pintuan.

Agad naman akong tumayo para salubungin sila pero napatigil ako nang may inihagis silang lalaki na wala nang malay.

"Sino ba kayo? Ano bang kailangan niyo? Bakit niyo ginagawa ito sa amin? Ano bang nagawa naming kasalanan sa inyo?" sunod-sunod kong tanong pero hindi man lang ako pinansin at umalis lang ang mga ito saka sinarado ulit ang pintuan.

Tumingin naman ako sa lalaking walang malay at nilapitan ko ito.

"G-gumising ka." sabi ko rito at tinapik-tapik ito sa mukha.

Nang maramdaman kong gumalaw ito ay agad naman akong lumayo sa kan'ya.

"A-aray." daing niya at hinawakan ang ulo nito.

Nang mapansin niyang nasa ibang lugar ito ay agad itong tumayo at tumungo sa pintuan.

Kumatok-katok ito at nagsusumigaw na buksan ang pintuan.

"Kahit anong gawin mo hindi ka nila pagbubuksan." untag ko dahil hindi niya yata ako napansin na may kasama siya sa kwartong ito.

Napatigil naman ito at dahan-dahan siyang lumingon sa akin.

Nang tingnan ko siya ay nakakunot ang noo nito at tinanong ako.

"Freya?"

Nagtaka naman ako nang banggitin niya ang pangalan ko.

Sino ba siya? Bakit niya ako kilala?

Lumapit naman agad ito sa akin at umupo.

"Ako si Denzel at nakakatandang kapatid ako ni Issa." paliwanag niya at tumingin ito sa akin.

"Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula pero ang tanging paraan lang ay dapat makatakas agad tayo rito." sabi niya at tiningnan ang buong silid ng kwarto.

"Ano bang kailangan nila? Bakit nila ginagawa ito? At ikaw? Bakit pati ikaw ay nadamay? Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari? Nasa tabing ilog lang kami ng kasama ko noong oras na 'yun! At hanggang ngayon ay 'di ko pa rin alam kung saan nila dinala 'yung kasama ko. Dahil paggising ko narito na ako sa lugar na ito na mag-isa."

Tumingin naman ito sa akin. "May kasama ka pang iba?" nagtatakang tanong niya.

At tumango naman ako bilang sagot.

"Oo, ang kababata kong si Bryan." tugon ko.

Parang nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Totoo ba 'yang sinasabi mo?" Nagulat naman ako nang bigla ako nitong hinawakan sa magkabilang balikat ko.

"Oo nga! Ano ba! Huwag mo nga akong hawakan," reklamo ko.

"Pasensya na. Nagulat lang kasi ako sa sinabi mo."

Tila nahiya naman siya naging reaksyon niya.

"Bakit may problema ba?" tanong ko nang mag-iba ang awra ng mukha niya.

"Hindi ka ba nagtataka?" sabi niya.

Medyo naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Hindi ko alam pero kinabahan ako nang tanungin ko siya.

Tumingin naman muna ito sa akin bago ako sagutin.

"Si Bry---!"

Pero naputol ito nang biglang may pumasok.

SCENT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon