Freya's POV
Pagkatapos kong ubusin ang pagkain na ibinagay sa akin ay agad kong tinanong ang lalaking nasa harapan ko.
Dahil napansin kong kanina pa siya nakatitig sa akin habang kumakain ako.
"Sino ka ba?" Tanong ko at tiningnan siya nang diretso sa mata.
Nagulat naman siya nang magtama ang tingin namin sa isa't isa kaya napaiwas agad ito at tumingin sa ibang direksyon.
Hindi ko maintindihan pero parang familiar siya sa akin.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko muli sa kan'ya.
Pero hindi pa rin siya nagsalita at nanatili itong walang imik habang nililigpit ang pinagkainan ko.
"Sagutin mo ang mga tanong ko! Sino ka ba? Ano'ng kailangan niyo sa akin?" At hindi ko na napigilang sigawan siya dahil nakaramdam na ako ng inis sa kan'ya.
Pipi ba siya? Bakit hindi niya magawang sagutin ang mga tanong ko?!
Nagulat naman ako ng padabog niyang ibinaba ang plato at basong hawak niya.
Lumapit ito sa akin at hinawakan ang baba ko.
Nakaramdam naman ako ng takot nang tingnan niya ako sa mata.
Mga matang nanlilisik na parang papatayin ako sa titig nito.
Nanlaki naman ang dalawang mata ko nang may kinuha ito sa bulsa niya at ipinangtakip sa bibig ko sabay itinali muli ako sa upuan.
Pagkatapos ay umalis na ito at iniwan akong mag-isa.
Unti-unti namang tumulo ang mga luha sa mata ko.
Bakit ganito?
Bakit lagi na lang ako pinapahirapan.
Ano bang nagawa kong mali?
Sino ba talaga sila?
Ano bang kailangan nila?
Gan'on ba kasama ang mga magulang ko para pagdusahan ko ang mga nagawa nilang kasalanan?
Oliver's POV
"Sa wakas at nagising ka rin." bungad agad sa akin nang mapabalikwas ako ng bangon.
Nang marinig ko ang familiar boses na iyon ay naikuyom ko ang mga palad ko.
Lumingon agad ako sa taong iyon at hindi nga ako nagkamali sa hinala ko.
"Sana pinatay mo na lang ako." sabi ko sa kan'ya at tiningnan ito ng masama.
Tumawa naman siya.
Baliw na nga ang taong ito.
Tiningnan naman niya ako ng diretso sa mata.
"Kalma ka lang, darating din tayo d'yan dahil kailangan pa kita sa ngayon." at ngumisi ito na parang aso.
Bumukas naman ang pintuan at pumasok ang isang nurse.
"Doc Bryan, kailangan ka po sa emergency room." sabi ng nurse sa kan'ya.
"Okay, susunod na ako." nakangiting sabi niya sa nurse.
Pero bago siya umalis ay binalingan muna niya ako at sinabing, "Huwag mo ng tangkaing tumakas pa dahil mapapagod ka lang."
Issa's POV
Pagkalabas ko ng kwarto ni Kuya Denzel ay bigla kong nakita si Bryan na pumasok sa room na tapat lang ni Kuya Denzel.
Tama ba ang nakita ko?
Si Bryan na ba 'yon at isa na siyang ganap na Doctor?
"Bryan!" Agad ko naman siyang tinawag ko pero 'di niya yata ako narinig.
Napansin kong nagsitinginan sa akin ang mga tao sa paligid ko.
At tila nakaramdam ako ng hiya kaya napayuko ako.
'Ano ba 'yan Issa! Nakakahiya ka!' bulong ko sarili.
Hindi ko alam pero lihim akong napangiti nang makita ko siyang muli.
Mas lalo siyang pumogi sa suot niya ngayon.
Yeah. I have feelings for him at matagal ko nang kinikimkim ang nararamdaman ko sa kan'ya.
Pero hindi ko maamin sa kan'ya ang nararamdaman ko dahil may iba na siyang gusto at si Freya iyon.
At isa rin iyon ang dahilan kung bakit binubully ko noon si Freya na pinagsisihan ko ngayon dahil alam kong mali ang ginawa ko.
Teka? Kamusta na kaya si Freya?
Alam kong nahihirapan siya ngayon dahil tuluyan na siyang iniwan ni Oliver.
Bumuntong hininga ako at akmang aalis na sana ako nang mapansin ko si Bryan na kinakausap ang pasyente nito at parang seryoso ang mukha nila habang nag-uusap.
Hindi ko alam kung sinong nagtulak sa isip ko na pakinggan sila.
Dahan-dahan kong hinawakan ang door knob para buksan ng kaunti ang pintuan para pakinggan ng maigi ang pinag-uusapan nila.
"Sa wakas at nagising ka rin." rinig kong sabi ni Bryan.
"Sana pinatay mo na lang ako."
Nagulat naman ako ng sabihin iyon ng pasyente niya.
Wrong move yata ginawa ko para pakinggan sila ah.
Mukhang seryoso nga ang pinag-uusapan nila tsaka baka mapagkamalan pa akong tsismosa rito.
Akmang aalis na sana ako nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko.
"Kalma ka lang, darating din tayo d'yan dahil kailangan pa kita sa ngayon."
Sakto namang may paparating na nurse kaya nagmadali akong umalis sa harap ng pintuan.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba na para bang may mangyayaring hindi maganda.
Nakita ko namang lumabas si Bryan at napansin kong palinga-linga ito sa paligid niya bago nilock ang pintuan.
Parang ibang Bryan ang nakikita ko ngayon.
Ibang-iba siya ngayon katulad ng dati at kung paano ko siya unang nakilala.
Flashback
"Dad, ayoko ngang mag-aral dito!" pagmamaktol niya.
"Iniisip lang namin ang kaligtasan mo Bry!"
"But Dad-"
"No buts Bry, wether you like or not. Dito ka mag-aaral."
At iniwan na siya nito ng Daddy niya.
Lumapit naman ako sa kan'ya at kinausap.
"Hi! I'm Issa, bakit ayaw mo mag-aral dito? Maganda naman ang school dito ah." sabi ko sa kan'ya.
"Mind your own business!" supladong sabi nito.
Nakaramdam naman ako ng inis sa kan'ya.
'Aba! Suplado naman nito.' I said in my thoughts.
At sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay walang araw na lagi ko siyang binibwisit samantalang lagi naman ako nitong sinusungitan.
Hanggang sa naging magkaibigan kami.
Pero nagbago ang lahat ng iyon nang makaramdam ako ng selos ng pinakilala niya sa akin ang babaeng gusto niya at si Freya iyon.
At doon ko napagtanto na nahulog na pala ako sa kan'ya.
Alam kong mali ang nararamdaman ko dahil kaibigan lang ang turing niya sa akin at iba ang gusto niya.
Pero hindi ko naman maiwasan ang mahulog sa kan'ya dahil marupok din ako gaya ng ibang babae.
Kaya nanatiling nilihim ko na lang ang nararamdaman ko sa kan'ya.
Hanggang sa maghiwalay ang landas namin noong naggraduate kami ng high school at hindi na muling nagkita at nag-usap pa.
End of Flashback