SCENT - 10

89 40 6
                                        

[] SCENT []

Freya's POV

Nagulat naman ako nang marinig kong dumaing si Oliver kaya agad ko siyang tinanong kung anong nangyari sa kan'ya.

"O-Oliver, anong nangyayari sayo?"

Tila kinabahan naman ako.

"Hindi ko alam pero bigla na lang sumakit ang ulo ko." tugon niya.

Nagtaka naman ako at nakaramdam ng pag-aalala.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.

"Oo. Ayos lang ako."

Kaya nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong ayos lang siya.

"Pero..." pabitin niya kaya napatigil ako.

"Pero ano?" agad kong tanong.

"May biglang nagpakita sa aking isipan. Isang imahe. Ngunit, malabo ito kaya 'di ko masyadong maaninagan kung ano ang bagay na iyon."

Napaisip naman ako nang malalim dahil pino-proseso pa ng aking isipan ang sinabi niya.

"May naaalala ka na?" gulat ang reaksyong tanong ko sa kan'ya.

Kung gano'n, bumabalik na ang alaala niya.

Kung ganoon, malalaman na naman namin ang totoong pagkatao niya at kung anong nangyari sa pagkamatay niya.

Nakaramdam naman ako ng tuwa.

"Ewan. Siguro? Pero malabo naman ang nagpakitang imahe sa isipan ko." tugon niya na tila dismayado.

Napangiti naman ako at sinabihan siya ng, "Ano ka ba? Ayos lang 'yan. Unti-untiin lang muna natin hangga't may maalala ka na. Huwag mo muna isipin o pilitin ang sarili mo kung ano man ang nagpakita sa iyong alaala. Kung konektado ba talaga ang imaheng iyon sa nangyari sayo." sabi ko na nagpagaan naman ng loob niya.

Oliver's POV

Simula nang may nagpakitang imahe sa aking isipan na hindi ko naman maaninagan ay hindi na ako mapakali at hindi na nag-aksaya pa ng oras kaya sinusubukan itong alalahanin at nagbabakasali na bumalik na ang aking alaala.

Ngunit, nahirapan lang ako at sumakit lang ang aking ulo sa kakaisip.

"Aish!" inis kong sabi sa sarili.

"Ang kulit mo rin ano. Sabing, huwag mo munang pwersahin ang sarili mo. Mas lalo ka lang mahihirapan sa ginagawa mo."

Nagulat naman ako nang may nagsalita sa harapan ko at napatigil sa aking kinatatayuan dahil ang lapit na pala namin sa isa't isa. Hindi ko man lang siya napansin na narito pala siya sa Library.

"D-Desperado na kasi akong bumalik ang aking alaala." sagot ko at napaatras ng kaunti.

Bakit ang bilis ng pagtibok ng puso ko?

Nagkibit-balikat naman siya at umalis sa aking harapan.

At sinundan ko ito ng tingin na kasalukuyan nang naghahanap ng libro.

Napasandal naman ako sa pader habang pinagmamasdan siya.

Napangiti ako bigla.

"Sabagay, may punto ka. Pero sana, huwag mo muna pilitin ang sarili mo. Sabi ko nga 'di ba, unti-untiin mo muna natin." aniya at napansin kong may inaabot itong libro.

Tiningnan ko naman siyang napatingkayad habang may inaabot itong libro, at nang mahawakan niya na ang librong inaabot nito ay bigla naman niyang nabitawan ito.

Nagulat naman ako kaya agad akong tumungo sa kan'ya at mas mabilis pa sa alas kwatro na sinalo ko ang libro dahil matatamaan na ang ulo niya.

Hanggang sa...

SCENT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon