SCENT - 08

95 57 19
                                    

[] SCENT []

Oliver's POV

"Nasaan na kaya 'yon?" tanong ko sa sarili habang hinahanap si Freya.

Kailangan niyang malaman ang tungkol sa kaibigan niyang si Alyssa.

Ayon kasi sa narinig ko na tungkol kay Alyssa ay nagpakamatay raw ito dahil tinakbuhan siya ng lalaking nakabuntis sa kan'ya.

Hay, parang ang dali lang sa kanila ang kumitil ng buhay.

Nagmadali naman akong tumungo sa Rooftop at nagbabakasakaling baka naroon siya. At tama nga ako, narito nga siya. Tatawagin ko sana siya pero napatigil ako sa gulat nang makita kong sinampal si Freya ng isang babaeng nasa mid 30's na ang edad.

Agad naman akong lumapit kay Freya.

"Freya, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kan'ya habang hawak-hawak niya ang pisngi nitong namumula dahil sa pagkakasampal sa kan'ya ng malakas.

Binalingan ko ang matandang babae at nagulat naman ako nang mapagtanto kong nanay pala ito ni Alyssa.

"You!" dinuro nito si Freya. "It's all your fault, that's why my daughter is gone!" at bigla na lang itong napahagulgol sa iyak.

Naikuyom ko naman ang dalawang kamao ko. Bakit lagi na lang si Freya ang may kasalanan? Gustuhin ko man siyang ipagtanggol pero pa'no?

Freya's POV

"Freya," untag ni Oliver.

"Iwan mo muna ako Oliver, kailangan kong mapag-isa."

"Pero uulan na Freya baka magkasakit ka."

Napangiti naman ako dahil ramdam kong nag-aalala ito sa akin. "Hindi 'yan, sige na iwan mo muna ako."

"S-sige. Kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako ah." sabi niya at tumango naman ako bilang sagot.

Nang hindi ko na maamoy si Oliver ay doon na lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Alyssa! Bakit? Ang daya mo, alam mo ba? Napakadaya niyong lahat! Lagi niyo na lang ako iniiwan?" sigaw ko at binuhos ang aking sama ng loob. Bigla namang may pumatak na tubig ko mula sa itaas at ako'y napatingala sa langit. Sumabay naman ang malakas na ulan sa buhos ng aking mga luha.

Oliver's POV

"Pasensya ka na, Freya. Wala akong magawa." malungkot na sabi ko na kasalukuyang pinagmamasdan siyang umiiyak habang nagpapa-ulan.

Napapikit na lang ako habang pinapakinggan siyang umiiyak. Nakaramdam naman ako ng kalungkutan at parang tinutusok din ng kutsilyo ang puso ko. Ang sakit sa dibdib na makita siyang malungkot. Hindi ako sanay na makita siyang nagkakagan'yan dahil mas nasanay akong makita siyang matapang na babae.

"Oliver! Nasaan ka?" rinig kong tawag ni Freya kaya napadilat ako mula sa pagkakapikit.

Agad akong lumapit sa kan'ya at sinabing, "Nandito lang ako, Freya."

"Kailangan ko ang tulong mo!"

At bakas sa boses nito ang galit...

Someone's POV

"Honey!" tawag niya sa lalaking naka-upo habang naninigarilyo. "Bakit mo kasi binuntis? Ayan tuloy, pinaghahanap ka na ng mga pulis." patuloy nito habang tumatawa ang babaeng hubot ubad. Hinaplos niya ang braso ng lalaki at sinunggaban ito ng halik.

"Lintik lang ang walang ganti!" saad ng lalaki at mas mabilis pa sa alas kuwatro na tumugon ito sa paghalik ng babae.

Habang gumagawa ng kabalbalan ang dalawa ay nakarinig sila ng ingay mula sa kusina. Kaya napatigil sila pagsisiping.

"Sino ba 'yon?" tanong ng babae sa kan'ya at tila nainis ito dahil nabitin.

"Sandali, titingnan ko lang."

Tumungo ang lalaki sa kusina at nagulat ito dahil sa nakita niyang itim na pusa. Nakaramdam naman siya ng takot nang biglang tumingin ang pusa sa kan'ya.

"Meow~"

"Pusang ina! Umalis ka rito!" pagtataboy niya pero nakatingin lang sa kan'ya ang pusang itim. 

"Huwag mo akong tingnan na para bang may kasalanan ako. Alis!" patuloy niya at tinataboy pa rin ang pusa.

"Alfred, baby." napatigil siya sa pagtaboy ng pusa nang makarinig siya ng tinig mula sa kwarto.

Agad siyang pumunta roon upang tingnan ang babaeng kasama niya. Ngunit laking gulat niya ng makita ang mukha ng babae, mukha ng pusang itim. "Meow~" sabi nito. Kaya napaatras ang lalaki sa takot.

"H-huwag kang lalapit!" sabi niya at akmang susuntukin ang babae.

"Hoy, anong nangyayari sayo?" tanong ng babae sa kan'ya pero ang tingin sa kan'ya nito ng lalaki ay mukha ng pusa.

"Sabi ng huwag kang lalapit eh!" sigaw niya.

"Bakit? 'Di ba sabi mo mahal mo ako? Sabi mo ako lang, kaya binigay ko ang lahat sayo pati dignidad ko. Hanggang sa may nabuo tayo, pero tinakbuhan mo lang ako nang malaman mong buntis ako." mas lalo siyang nagulat nang marinig niya ang boses ni Alyssa.

"A-alyssa?" tawag niya sa babae. Kaya nagalit ang babae sa kan'ya ng tinawag ito sa ibang pangalan.

"Anong Alyssa ka d'yan! Si Mildred 'to. Akala ko ba, kinalimutan mo na ang babaeng 'yon?" sigaw sa kan'ya ng babae. Pero iba ang naririnig nitong boses at nakikita sa babae. Mukha ng pusa at boses ni Alyssa na pinaghalong salita ng pusa. Kaya galit siyang pinagsasampal ng babae pero ang nakikita ng lalaki sa kan'ya ay si Alyssa na kinakalmot-kalmot siya nito sa pamamagitan ng kuko niya na sobrang talim.

"Oo na, Alyssa! Susuko na ako kaya tigilan mo na- A-aray!" daing niya habang pinagsasampal siya ng babae. Kaya agad itong lumabas ng bahay at tumungo sa police station upang sumuko, pero mas nagimbal siya ng malaman niyang patay na ang dati niyang kasintahan na si Alyssa.

SCENT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon