[] SCENT []
Freya's POV
Mula nang mangyari ang sagutan namin ni Oliver ng araw na iyon ay parang nag-iba ang ihip ng hangin dahil biglang nagbago ang pakikitungo ko sa kan'ya.
Hindi ko alam kung bakit?
Tuwing naaamoy ko ang presensya niya parang sabik na sabik ako na kausapin siya na tila ang saya-saya sa pakiramdam na lagi siyang nasa tabi ko at bumibilis ang pagtibok ng aking puso.
Hindi ko maintindihan pero natutuwa ako sa nararamdaman ko.
"Freya, ayos ka lang ba?" untag ni Oliver.
"H-Huh?"
Narinig ko naman siyang tumawa.
"Tulala ka. May problema ba?"
"W-Wala ah!"
"Sigurado ka ba?" Narinig ko itong bumuntong hininga. "Kung ano man 'yung nangyari noong nakaraan, pasensya ka na. Hindi ko rin naintindihan ang sarili ko." malungkot na aniya.
"Naku! Ayos na 'yun, wala ng kaso sa akin iyon." agad kong sagot ko.
"Maiba tayo, may balita pala ako sayo tungkol kay Issa."
"Oh, anong meron sa kan'ya?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi sa tsismoso ako ah."
Napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Hay ano ba! Huwag kang gan'yan babatukan kita riyan!"
Napataas bigla ang kilay ko sa sinabi niya. "Hindi porque, nakakahawak ka na.
"Tama na nga. Narinig ko ang usapan nila tungkol sa pamilya niya."
Napatigil naman ako. "Ah. 'Yun ba? Oo, alam ko na ang tungkol sa bagay na iyon." tugon ko.
Oliver's POV
"Ah. 'Yun ba? Oo, alam ko ang tungkol sa bagay na iyon."
Tila nakaramdam naman ako ng kuryosidad sa sinabi niya.
"A-Alam mo?" uutal-utal na tanong ko sa kan'ya.
Tumango naman siya bilang sagot.
"Ayon sa narinig ko na binanggit ni Issa, older brother niya raw 'yung na-comatose na ayaw pang sukuan ng nanay niya."
Bakit gano'n, parang biglang kumirot ang puso ko?
"A-Ano pa?"
"Ewan. 'Yun lang alam ko, hanggang doon na lang."
Napabuntong hininga naman ako.
"Oh, bakit? Mukhang interesado ka yata tungkol kay Issa. 'Di ba nga? Inis na inis ka roon? Huwag mong sabihin, may gusto ka kay Issa?"
Umiling ako.
"Hindi ah. Wala akong gusto sa kan'ya!"
"Sus, itatanggi pa?"
"Wala sa isip ko ang salitang pag-ibig."
"Ah, eh. G-Ganoon ba?"
Napansin ko naman siyang namumula.
"May sakit ka ba?"
Akmang hahawakan ko na sana ang noo niya nang biglang siyang umiwas.
"W-Wala akong sakit! S-Sige, alis na ako may exam pa ako." at dali-dali itong tumungo sa labas ng Library.
Nagkibit-balikat na lang ako sa naging reaksyon niya.
Siya naman ngayon ang hindi ko maintindihan.
Habang hinihintay si Freya rito sa Library ay nagbasa-basa muna ako ng mga libro.