SCENT - 15

71 34 4
                                        

Oliver's POV

Matapos magpaalam ni Issa sa akin ay naiwan na akong mag-isa rito sa Library kaya nagbasa-basa na lang muna ako ng mga libro para antayin ang pagbalik ni Freya.

Hindi ko alam kung bakit nagmadali na lang siyang umalis kanina nang makita niya si Issa.

Kaya napatigil ako sa pagbabasa at napaisip ng malalim ng biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Issa kanina.

"Nagseselos? Kanino? Ang labo ah!" sambit ko at napailing na lamang sa kakatwang pumasok sa aking isipan.

Makalipas ng ilang minuto sa aking pagbabasa ng mga libro ay wala pa ring Freya na dumarating kaya naisipan ko na itong puntahan para sundan siya pero paglabas ko ng Library ay biglang sumalubong sa akin ang malakas na ihip ng hangin.

Napatigil naman ako dahil biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib.

Ang weird sa pakiramdam dahil parang may mangyayaring hindi maganda sa araw na ito.

Huminga naman ako ng malalim at napailing. "Hay, nababaliw ka na ba Oliver?" ani ko at luminga-linga sa aking paligid at nagbabakasakaling makita si Freya. "Nasaan kaya 'yung babaeng 'yon?" tanong ko sa aking sarili at sinimulan ko ng maglibot-libot sa loob ng eskwelahan at sa kumbento pati na rin Rooftop na paborito nitong tambayan pero wala pa rin akong nakitang Freya kaya naisipan ko na lang lumabas para doon siya hanapin.

Ngunit pagkalabas ko ng gate ay bigla naman akong napatigil dahil nakita kong muli ang lalaking nakahoodie at hindi ako nagkakamali na siya ito.

Tila napapadalas ko na siyang makita ah. Ano bang pakay niya? Sino ba talaga siya at anong kailangan niya? Bakit nagtatago siya sa puno?

Mariin ko itong pinagmasdan at pinaningkitan ng mata dahil parang may balak itong gagawin base sa mga galaw nito.

Akmang lalapitan ko na sana siya nang bigla itong may kinausap sa telepono at sinundan ko ito ng tingin nang makita ko siyang naglakad patungo sa ilog na kung saan ang lagi kong pinupuntahan ng madalas tuwing nakakaramdam ako ng pagkalungkot o may problema ako.

Hindi ko alam kung sinong umudyok sa sarili ko na sundan siya.

Nawala tuloy sa isipan ko na hanapin si Freya.

At habang sinusundan ko ito at inoobserbahan ang bawat galaw niya ay hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng kakaiba sa aking isipan.

Masama talaga ang kutob ko sa lalaking ito dahil parang may binabalak siyang hindi maganda na hindi ko yata magugustuhan.

Sinundan ko siya kaagad para alamin kung ano talaga ang pakay nito at kung bakit parang may minamanmanan siya at tila may gagawin talagang masama.

Ngunit bigla akong napatigil sa pagsunod sa kan'ya nang makita si Freya rito sa ilog na parang bata kung umasta dahil parang enjoy na enjoy ito habang naghahagis ng mga bato sa ilog.

"Narito ka lang pala. Akala ko ba ayaw mo sa lugar na 'to?" ani ko at ngumisi.

Napangiti naman ako habang pinagmamasdan siya.

At habang pinapanood ko si Freya sa ginagawa niya ay biglang pumasok sa isipan ko 'yung sinusundan kong lalaki kanina.

Kaya biglang nanlaki ang aking dalawang mata sa gulat dahil sa aking nasaksihan at biglang bumilos ang tibok ng aking puso.

'Yung lalaking nakahoodie na sinusundan ko kanina ay mas mabilis pa sa alas kwatro ang paglapit niya kay Freya na parang ang bilis ng pangyayari dahil tinakpan ang ilong ni Freya gamit ang panyo.

Nakita kong nagpupumiglas naman
si Freya.

Hindi ko alam pero para akong naistatwa sa nakikita ko ngayon.

Tiningnan ko ang nanginginig kong mga tuhod at kamay na kaunti na lang ay matutumba na ako sa panlalambot.

Gusto kong gumalaw sa kinatatayuan ko para puntahan sila at iligtas siya habang nakikita ko siyang nanlalaban sa lalaking nakahoodie pero bakit? Paano? Anong nangyayari sa akin?

Hindi ako makagalaw na tila napako ako sa kinatatayuan ko ngayon.

"Tulungan niyo 'ko. Oliver!"

At bigla ko naman narinig ang boses ni Freya na nagpakabog lalo sa aking dibdib dahil tinawag niya ako sa aking pangalan at humihingi ito ng tulong.

Napapikit naman ako at nag-isip ng malalim para pakalmahin ang aking sarili at labanan ang takot ko at makagalaw sa aking kinatatayuan.

At sa pagdilat ng aking mga mata ay nakita kong nawalan na nang malay si Freya at doon ako nagkalakas ng loob para gumalaw sa aking kinatatayuan.

Hindi ko alam pero sa oras na ito ay kailangan ko siyang iligtas sa lalaking nakahoodie na iyon.

Natatakot ako sa aking sarili pero mas matimbang ang takot ko sa posibleng mangyari sa kan'ya!

Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring hindi maganda sa kan'ya na wala manlang akong nagawa at 'di man lang siya nailigtas mula sa lalaking iyon.

Naikuyom ko naman ang aking dalawang palad dahil sa sobrang galit na nag-uumapaw sa aking puso at isipan.

At unti-unting akong lumapit sa lalaking nakahoodie.

Si Freya - siya ang tanging taong unang nagbigay ng pag-asa at lakas ng loob para alamin muli ang tunay kong pagkatao.

Siya ang laging nariyan tuwing kailangan ko siya para damayan ako tulungan.

At siya ang nagbigay ng liwanag sa madilim kong mundo.

Kaya ayaw ko siyang masaktan muli dahil mahalaga na siya sa akin.

Nang makalapit na ako sa lalaking nakahoodie ay nasaktuhan naman na may nakita akong isang kahoy sa likuran niya kaya agad ko itong dinampot.

"AHHHHH!" galit na sigaw ko at hinampas ito sa kan'ya nang pagkalakas-lakas.

At agad naman itong nawalan ng malay dahil sa lakas ng pagkakahampas ko sa ulo niya.

"Freya!" tawag ko kaagad sa pangalan niya nang makitang nakahandusay siya sa lupa na walang malay.

Agad ko naman siyang pinuntahan. "Gumising ka, Freya!" nag-aalalang ani ko at tinapik-tapik siya sa pisngi para gisingin ito.

Ngunit wala pa rin siyang malay kaya niyakap ko na siya nang napakahigpit dahil sa anumang oras na ito ay parang mawawala na siya sa akin ng tuluyan kaya nakaramdam muli ako ng takot at kaba sa aking dibdib.

"Freya..." at biglang may pumatak na luha sa aking pisngi kasabay nang malakas na pagbuhos ng ulan.

At ang masasabi ko na lang sa aking isipan ay...

I'm really sorry, Freya.

W/N: Hi, Hell Babies! Char. (akala mo naman may readers e, 'no?) Sorry for the late update. Busy na masyado sa online class, e. I hope na nagustuhan niyo. Enjoy reading...

SCENT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon