[] SCENT []
Oliver's POVHabang hinihintay si Freya dahil sumama ito sa matandang lumapit sa kan'ya kanina ay naisipan kong magpa-iwan muna para tingnan ang loob ng paaralang pinasukan niya noong high school pa siya.
Nang makapasok na ako ay bigla naman akong sinalubong nang isang malakas na ihip ng hangin.
Pinagmasdan ko naman ang loob ng paaralang ito at nag-ikot-ikot para tingnan ang bawat sulok.
Malawak nga ang paaralang pinasukan ni Freya.
Pero kung pagmamasdan ito ng maigi ay isang haunted school na lang.
May naririnig din ako na nagbubulungan tuwing may dumadaan tungkol sa paaralang ito.
Ang sabi-sabi ay may mga ligaw raw na kaluluwang nagpaparamdam o nagpapakita rito.
"Oliver, nasaan ka?" rinig kong sigaw ni Freya mula sa labas.
Kaya agad akong nagmadali papunta sa kan'ya.
"Talaga?" gulat na tanong ko kay Freya nang ikwento nito sa akin ang pinag-usapan nila ng matanda tungkol sa paaralang pinasukan niya.
Tumango naman siya.
"Naaawa nga ako kay Lola Delia dahil nangungulila pa rin siya sa apo niyang namatay sa nangyaring trahedya noon. Siguro, isa rin ako sa estudyanteng namatay, kung hindi nila ako pinalipat ng magulang ko ng paaralan sa kumbento nila Sister Olivia." malungkot na ani ni Freya.
"Oo nga 'no? Kaya ma-suwerte ka pa rin kahit pa-paano." tugon ko sa kan'ya.
Napatigil naman si Freya nang biglang tumunog ang kan'yang cellphone.
Freya's POV
"Bakit? Anong nangyari? Teka nasaan ka?" sunod-sunod kong tanong kay Alyssa sa kabilang linya dahil pagkasagot ko ng tawag niya ay bigla siyang umiyak.
[S-Sa Rooftop.] tugon niya.
Nagmadali naman akong tumungo sa kumbento para puntahan siya.
Nang makarating ako sa Rooftop ay sinalubong agad ako ng yakap ni Alyssa na umiiyak.
"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kan'ya habang tinatapik ang kan'yang balikat para patahanin sa pag-iyak.
Kumalas naman siya sa pag-yakap sa akin atsaka nagpunas ng kan'yang luha bago sumagot.
"S-Si Alfred, n-nakita ko siyang may ibang babae."
Huminga naman ako ng malalim at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"'Di ba sabi ko naman sayo, hiwalayan mo na siya. Hindi siya ang lalaking para sa'yo." ani ko sa kan'ya.
Totoo naman eh.
Dahil no'ng una pa lang ng ipakilala sa akin ni Alyssa ang nobyo nitong si Alfred ay nakaramdam agad ako ng kakaiba sa lalaking iyon.
Hindi ko gusto ang ugali ng lalaking iyon para sa kan'ya dahil sa itsura pa lang niya ay babaero na ito.
Ilang beses ko na rin sinabihan si Alyssa na hiwalayan niya na ito habang maaga pa kaysa naman magsisi pa siya sa huli.
Pero mas pinairal niya pa ang puso niya kaysa utak niya.
Kahit isang buwan pa nga lang na magkaibigan kami ni Alyssa ay tinuring ko na siyang parang tunay kapatid.
Kaya gutso ko siyang protektahan sa mga taong may balak na masama.
"Pero mahal ko siya eh." malungkot na aniya.
Huminga naman ako ng malalim.
"Isang katangahan 'yan, Alyssa!" inis kong sabi sa kan'ya.
