[] SCENT []
Oliver's POV
"Oliver, anong nangyari kay Freya atsaka bakit siya biglang umalis?" nagtatakang tanong ni Issa.
"Hindi ko alam." sulat ko sa papel na malapit ng maubos.
Tumawa naman siya. "Oh siya, bukas na lang ulit. Anyway, thank you pala ah. Na-enjoy ko makipag-usap sayo kahit hindi kita nakikita at naririnig." nakangiting aniya.
Napangiti naman akong napatango.
Matapos magpaalam si Issa ay napaisip muna ako sandali kung anong nangyari kay Freya.
Kaya 'di kalaunan ay naisipan kong lumabas na lang ng Library para hanapin siya.
Ngunit, 'di ko siya mahagilap kaya lumabas na ako ng eskwelahan nila.
Pagkalabas ko naman ay bigla akong napatigil nang may nakita akong lalaking nakahoodie at nakatakip ang mukha gamit ang mask na itim at parang may minamanmanan ito dahil nasa puno lang ito.
"Sino kaya siya?" tanong ko sa aking sarili.
Agad ko naman siyang nilapitan ngunit nagmadali na itong umalis.
Sinundan ko ito ng tingin habang may kausap ito sa telepono.
Hindi kaya may binabalak itong masama?
Umiling-iling naman ako.
"Masyado ka lang OA, Oliver." wika ko.
Pero mas nagulat ako sa aking nasaksihan dahil nakita ko si Freya na may kasama itong lalaki.
Masaya silang nag-uusap habang naglalakad na parang sila lang ang dalawa sa paligid.
Napatitig ako sa kanilang dalawa at napalunok bigla dahil parang may tumutusok na karayom sa aking dibdib.
Napahawak ako sa may kanan ng aking dibdib.
Hindi ko maintindihan pero bakit ang sakit-sakit?
"Aish! Oliver, anong nangyayari sayo?" inis na ani ko sa aking sarili at sinuntok-suntok ang aking dibdib.
Naninikip ito sa sobrang sakit na hindi makahinga.
Anong klaseng pakiramdam 'to?
Nagtaka naman ako sa aking sarili dahil sinusundan ko na pala silang dalawa papunta sa mamamahaling Restaurant?
"Ito pala mga tipo ni Freya mayayaman." natatawang sambit ko.
Pumasok naman sila at dumiretso sa dining table para umorder ng kakainin nila.
At habang pinapanood ko sila ay naiinis ako!
Lalo na 'yung tuwing natingin 'yung lalaki kay Freya.
Sobrang lagkit.
"'Di hamak naman na mas gwapo pa ako d'yan kahit multo ako!" sambit ko.
Namula naman si Freya dahil parang may sinabi sa kan'ya 'yung lalaking kasama niya.
Sus, binobola ka lang niyan! Pero ikaw naman 'tong nagpapauto. Tsk.
At habang nakikita ko silang nag-uusap ay nanlaki bigla ang aking mata sa gulat dahil bigla niyang hinawakan sa kamay si Freya.
Hindi ko alam kung sinong nag-udyok sa sarili ko dahil dali-dali akong pumasok sa loob ng Restaurant.
Hindi ko na kasi kayang panoorin ang nangyayaring eksena ngayon.
Habang papalapit ako sa kanila ay may naisip akong kalokohan.
Hindi ko alam pero bigla ko na lang naisipang tinabig 'yung hawak ng waiter.