SCENT - 19

38 11 2
                                    

Issa's POV

"Nurse, anong nangyari sa pasyente?" nagtatakang tanong ko nang makita kong nagmamadali ang ilang doctor at nurse papunta sa isang room na kaharap lang ng private room ng Kuya ko.

Narito kasi ako ngayon sa hospital upang dalawin si Kuya dahil nagkamalay na raw siya sabi ni Mommy.

Ilang taon din siyang na-comatose. At sa pagkakataong ito ay gusto kong bumawi at humingi ng tawad sa kan'ya. Bilang kapatid niya ay naging mailap ako sa kan'ya dahil sinisisi ko siya sa nangyari kay Daddy. Pero ngayon, nabago ang lahat ng pinamulat sa akin ni Oliver ang lahat na dapat kalimutan ang nakaraan at pahalagahan ang hinaharap kung anong meron man ngayon sa atin para hindi magsisi sa bandang huli.

[Flashback]

'Issa, huwag kang matakot harapin ang hinaharap.' Basa ko sa papel na isinulat ni Oliver.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang tinutukoy niya.

Pambihirang multong 'to, pinagsha-shabu nito?

'Patawad, pero 'di ko sinasadyang marinig ang usapan niyo noon ng magulang mo. Alam kong may pinagdadaanan kang mabigat at hanggang ngayon ay may galit ka pa rin sa taong ito.'

Nagulat ako nang maalala ko si Kuya Denzel.

Tama, galit ako sa Kuya ko. Siya ang dahilan kung bakit namatay si Daddy kung hindi siya sana nangialam sana buhay pa ngayon si Daddy at sana masaya pa rin kami hanggang ngayon.

Umiwas ako ng tingin dahil alam kong nasa harapan ko lang itong multo 'to.

Ayokong makita ako nitong umiiyak.

Napansin ko naman na may isinusulat pa ito.

'Pahalagahan mo ang taong ito Issa, para hindi ka magsisi sa bandang huli. Mas mahalaga ang hinaharap kaysa nakaraan. Kaya huwag kang matakot na harapin ito sapagkat magaan sa pakiramdam ang magpatawad at humingi ng tawad.'

At iyon, ang huling usap namin naming dalawa.

[End of Flashback]

Nang binalita sa akin ni Mommy na nagkamalay na si Kuya ay dali-dali akong pumunta rito sa hospital kaya laking tuwa ko nang magkamalay na siya dahil ito na ang pagkakataon para makabawi ako sa kan'ya.

"Hindi ko alam bigla na lang daw nangisay." sagot ng isang nurse sa akin na kasalakuyang chine-check nito ang dextrose ng Kuya ko.

Bumaling naman ako sa Kuya ko na kasalakuyang natutulog.

Napangiti ako ng mapait.

Kuya, sorry kung masyado akong makasarili. Naging masama ako sayo. Sinisi kita sa hindi mo naman ginawa. Patawarin mo sana ako Kuya. Nadala lang ako dahil sa pagkawala ni Daddy. Nasaktan talaga ako ng sobra dahil feeling ko wala na akong kakampi at magmamahal pa sa akin. Walang nagcomfort sa akin no'ng nawala si Daddy, si Mommy busy sa pag-aasikaso sayo. Kaya, nagalit ako sayo dahil pakiramdam ko hindi ako importanteng anak.

Napaluha naman ako habang pinagmamasdan si Kuya kaya agad ko itong pinunasan. Ngunit nagulat ako nang makita kong nagising na si Kuya.

"I-Issa..." aniya.

"Bakit umiiyak ang lil sis ko?" at pinunasan nito ang mga luha ko.

"Kuya Denzel? Namiss kita big bro!" at niyakap ko siya nang parang wala ng bukas.

Oliver, kung nasaan ka man ngayon. Maraming salamat dahil pinaintindi mo sa akin na mas mahalaga ang hinaharap kaysa nakaraan dahil kung patuloy kang nakakapit sa nakaraan ay mananatili kang malungkot at masasaktan.

Someone's POV

Seryosong nakaupo ang isang matandang lalaki sa swivel chair habang naninigarilyo.

Napatigil naman siya nang magbukas ang pintuan ng office niya at iniluwal nito ang isang lalaking nakahoodie at nakamask ng itim ang mukha.

"Gising na ba siya?" agad nitong tanong sa lalaki.

Tumango naman ito bilang sagot.

"Ibigay mo ito sa kan'ya at huwag na huwag mo siyang papahirapan. Malalagot ka sa akin!" galit na aniya  na tila parang alipin ito kung utusan ang lalaking kaharap niya.

"Yes sir, sa masusunod po." at nagbow pa ito bilang pagrespeto bago ito umalis na dala-dala ang isang tray na may lamang pagkain.

Lihim naman siyang napangiti ng buksan nito ang monitor upang pagmasdan ang isang babaeng nakapiring at kinakalag ang tali nito sa kamay niya.

Gustong-gusto niya na itong puntahan pero 'di pa ito ang tamang pagkakataon.

Gustuhin niya mang magpakita at ipakilala nito ang sarili pero paano?

Baka magalit ito at kasuklaman lamang.

Ilang taon din ang nakalipas bago niya ito huling makita.

Miss na miss na niya talaga ito at gustong gusto nang lapitan at bigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Patawarin mo ako, anak. Mauunawaan mo rin kung bakit ko ito ginagawa at malapit mo na itong malaman." aniya at pinatay na nito ang monitor para 'di na siya makaramdam lalo ng kalungkutan kapag pinagpatuloy pa nitong pagmamasdan at baka makalimutan niyang may misyon pa itong gagampanan.

*Ring~ Ring~*

Tumunog ang telepono nito kaya agad nitong sinagot.

"Yes, hello?"

"Sir, nagkamalay na po ang matagal niyong hinihintay na pasyente." balita nito sa kabilang linya ng telepono.

Napangisi naman ang matanda sa narinig nitong balita.

"Good to hear that." he said in a serious tone. "Bantayan niyo siya ng maigi at baka makatakas na naman ito." patuloy pa nito.

Kung titingnan ang matandang lalaki ay parang napakabait at may malambot na puso pero kung kikilalanin ng mabuti ay may tinatago pala itong kulo.

Mula sa desk table niya ay binuksan nito ang maliit na drawer upang pagmasdan ang isang litrato.

Kung isasalarawan ang litratong hawak niya, ito ay may isang babaeng may kargang sanggol na may kasamang lalaki na animoy isang masayang pamilya na walang dinadalang problema ngunit isa lamang itong palabas at punong-puno ng kasinungalingan.

Nandilim ang paningin nito at galit itong nilukot ang litrato.

"Wala kayong mga puso!" nanggagalaiting wika ng matanda.

Nagmadali naman siyang tumayo at may kinuha itong tableta. Agad naman niya itong ininom para siya ay kumalma dahil inaatake na naman siya ng sakit niya.

Matagal na niya itong iniinda pero binabalewala niya lang ito. Sinubukan na rin siyang kumbinsihin ng mga kasamahan niya na magpacheck-up upang magpagamot sa Doctor pero tumanggi siya dahil hindi pa siya handa at ayaw niya munang malaman kung anong karamdaman ba ito.

Kung magpapacheck-up man siya at magpapagamot sa Doctor ay kailangan niya munang hanapin ang anak niyang matagal ng pinagkait sa kan'ya.

SCENT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon