Freya's POV
Biglang bumukas ang pintuan at binungad nito si Bryan.
Napangiti naman ako nang makita kong ayos lang siya.
"Bryan!" tawag ko sa kan'ya.
Lalapitan ko na sana siya ng pigilan ako ng kasama ko.
"Freya, huwag kang lalapit sa kan'ya dahil siya ang may pakana ng lahat ng ito!"
At tiningnan niya si Bryan nang masama.
Nakita kong ngumisi naman si Bryan at ang ngising iyon ay nakaramdam ako ng takot.
Tumingin ako kay Bryan at agad ko siyang tinanong. "Anong ibig sabihan nito Bryan?"
Lumapit naman siya sa akin kaso pinigalan siya ng kasama ko.
"Huwag na huwag mong lalapitan si Freya!" sabi ng kasama ko.
Sa totoo lang, naguguluhan na ako sa nangyayari.
Sumasakit na ang ulo ko dahil wala akong maintindihan sa nangyayari.
"Ano ba!? Tumigil na kayo! Ano ba talagang nangyayari? Bryan! Ano bang ibig sabihin nito?!"
Tiningnan naman ako ni Bryan at tumawa ito ng malakas.
Nangilabot naman ako nang marinig ko siyang tumawa dahil para siyang isang demonyo habang tumatawa.
Bakit siya tumatawa? At anong nakakatawa? Nababaliw na ba siya?
"Oh come on, Freya! Hindi ako nababaliw!"
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
Nababasa niya ba ang nasa isip ko?
"Boss!" Nanlaki naman ang mata ko nang tawagin nila si Bryan ng boss at lumapit ang mga ito sa kan'ya at biglang nag-iba ang awra ni Bryan.
Nagulat naman ako ng higitin ako ni Bryan sa kamay.
Nakaramdam naman ako ng sakit sa hawak niya.
"Freya!" Tawag sa akin ng kasama ko pero pinigilan lang siya ng mga tauhan ni Bryan.
At ngayon, naiintindihan ko na.
Si Bryan nga, ang may pakana ng lahat.
"A-Ano ba Bryan! Pwede bang tigilan mo na ito!" Sabi ko habang kinakalad ako nito papunta sa sinasakyan nitong kotse.
"Hindi ako makakapayag na makuha ka niya sa akin! Akin ka lang, Freya! Sa akin ka lang!"
Parang ibang Bryan ang nakikita ko ngayon.
"Hindi mo ako pag-aari Bryan!" Inis na sabi ko sa kan'ya.
Totoo naman e, hindi niya ako pag-aari!
Napadaing naman ako sa sakit ng isinandal niya ako sa pader at tiningnan niya ako ng matalim sa mata.
Tila namukhaan ko naman ang mga titig na iyon. Tama nga ako. Kaya pala familiar ang mga matang 'yon dahil iisa lang pala sila.
Ang taong nadatnan ko no'ng paggising ko at siya ay iisa.
Siya rin pala ang taong iyon noong nasa tabing ilog ako.
Hindi ako nagkakamali dahil sigurado akong siya at ang taong nakafacemask ng itim na nakahoodie ay iisa.
At si Bryan iyon...
Oliver's POV
"Freya!" tawag ko sa pangalan niya.
May nakita naman akong isang kwartong bakante kaya agad kong binuksan ang pintuan.
Dahan-dahan akong pumasok at nagulat ako sa aking nakita.
Isang matandang walang malay habang nakatali ito.
Agad ko itong nilapitan at saktong dumating si Issa kasama ang mga pulis.
"Tulungan niyo siya at dalhin niyo agad ito sa ospital." Utos ko at tumango naman sila.
"Si Freya, nakita mo na ba?"
Umiling ako. "Hindi pa."
"Hindi ko rin makita si Kuya." malungkot na sabi nito.
"Makikita natin sila. Huwag kang mawalan ng pag-asa." sabi ko sa kan'ya para gumaan ang loob niya.
Nasundan namin ang isa sa mga tauhan niya at saktong bihag nila ang Mommy ni Issa at Ken.
Kaya pala nakita namin si Ken at Bryan na magkasama kanina.
Napansin ko naman ang isang matandang walang malay.
At bigla akong may naalala.
"Sandali!" sabi ko at nilapitan ang matandang walang malay.
At tama nga ako sa hinala ko.
'Yung taong nakita ko sa presinto at siya ay iisa.
Lumapit naman si Issa sa akin. "May problema ba, Oliver?"
Umiling naman ako.
Denzel Ken's POV
"Freya!" tinawag ko siya nang dalhin siya nito ni Bryan.
Susugurin ko sana si Bryan nang pigilan ako ng mga tauhan niya at iniwan akong mag-isa sa kwartong ito.
Napakahayop talaga!
Ilang oras din akong naghanap ng paraan para makatas pero wala akong nagawa.
Humanda ka Bryan kapag nakatakas ako rito!
Bigla naman sumagi sa isip ko si Mommy.
Kailangang malaman agad ni Issa ang nangyari kay Mommy at hindi ko hahayaang mawalan pa kami ng isang magulang.
Maagang nawala sa amin si Daddy at hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon.
At hindi ko malilimutan ang pagmumukhang 'yon dahil siya ang dahilan kung bakit nawala agad sa amin si Daddy.
Hindi ko siya mapapatawad kapag nakita ko siya.
At siya ang dahilan kung bakit hindi ko nasabi agad kay Oliver na kapatid namin siya sa Ama.
Mula nang mamatay ang Mama niya ay napagdesisyon namin na sabihin ang totoo sa kan'ya.
Pero hindi iyon natuloy dahil may nangyaring hindi maganda.
Binaril niya si Daddy sa mismong harapan ko at kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya binaril sa likod habang yakap-yakap niya si Oliver.
Wala akong magawa sa oras na 'yon at napakalaki kong duwag dahil imbes na tulungan ko si Daddy ay iniwan ko lang siyang nakahandusay at punong-puno ng dugo.
Sumakay ako ng kotse at pinaharurot iyon ng mabilis hanggang sa nawalan ako ng control at bumangga sa isang poste.
Hanggang sa nacomatose ako.
Kaya hindi ko masisisi na nakaramdam ng galit sa akin Issa dahil naiintindihan ko siya kasi kundi dahil sa akin hindi mawawala ng maaga si Daddy sa amin at hindi ko manlang binigyan ng pagkakataon na magkasama sila ni Daddy.
"Daddy kung nasaan ka man ngayon sana patawarin niyo ako at sana gabayan niyo kami lalong lalo na si Mommy at Issa. Huwag niyong hahayaang may mangyaring hindi maganda sa kanila." sambit ko at biglang tumulo ang mga luha sa mata ko.
Napapikit naman ako at taimtim na nagdasal at nagbabakasakaling may makakita sa akin o tumulong manlang para makalabas ako sa lugar na ito.
Habang nakapikit ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok ng pintuan.
Agad akong tumayo at lumapit sa pintuan.
Saktong paglapit ko sa pintuan ay bumukas naman ito at binungad nito si Issa.
"Kuya!" Aniya at sinalubong agad niya ako ng yakap.
"Thanks, Dad." sambit ko nang makita ko si Mommy at si Oliver.
