SCENT - 05

129 80 20
                                    

[] SCENT []

Freya's POV

1 month later...

Magmula nang makilala ko si Alyssa ay nagbago ang lahat.

Ang madilim kong buhay ay binigyan niya ng liwanag.

Ganito pala ang pakiramdam nang may kaibigan.

Akala ko, wala nang taong ang may gusto sa akin o tumangkang lumapit at higit sa lahat ang maging kaibigan ako.

"Freya, ngumiti ka naman." sabi niya habang kinukunan ako ng litrato.

Sa totoo lang, ang hilig niyang kuhanan ako ng litrato at hindi raw ito nagsasawa dahil minsan lang daw sa buhay niya na magkaroon ng isang kaibigang kagaya ko.

Well, our feeling is mutual.

Paminsan-minsan din ay niyayaya niya akong mamasyal sa kung saan-saan.

Kagaya ng pag-shopping sa Mall or pagpunta sa Park at kumain ng street foods sa kalye.

Iba siya sa lahat, hindi siya kagaya ng mga nakikita ko o nakilala na maarte sa katawan.

"Selfie tayo dali!" at itinutok niya ang camera ng cellphone sa aming dalawa. "Smile." aniya kaya napangiti naman ako.

Oliver's POV

"Madalas na kitang nakikitang nakangiti ah?" nagtatakang tanong ko kay Freya na malawak ang ngiti nito habang binubuklat ang librong sobrang kapal na nakita niya noon.

Halos isang buwan na rin niya akong tinutulungan pero wala pa rin siyang nakalap sa libro tungkol sa'kin.

Napabuntong hininga naman si Freya kaya kunot-noo ko itong pinagmasdan.

Sa isang buwan ko itong nakakasama ay ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan sa mukha.

Napalunok naman ako at umiling pero traydor ang mga mata ko kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili na tingnan siya sa buong mukha.

Mamula-mulang pisngi habang ang mata nito ay singkit, ilong nito na sakto lang ang tangos at ang labi niya na..

"Alam ko na!" untag niya kaya bigla akong napatingin sa ibang direksyon.

Nagpapasalamat naman ako sa diyos dahil hindi niya ako nakita habang tinititigan ko siya kanina.

Naiilang naman akong bumaling sa kan'ya at sinabing, "A-Anong alam mo na?" nauutal na tanong ko.

Aish! Oliver, ano ba! Kalma ka lang.

Tandaan mo, hindi ka naman niya nahuli o nakita.

Freya's POV

"Subukan kaya natin hanapin ang school na pinasukan mo, malay natin may makalap tayo roon tungkol sayo." sabi ko na para bang ang ganda ng naisip kong ideya.

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

"Bakit may problema ba?" agad kong tanong.

SCENT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon