[] SCENT []
Freya's POV"Ano? May nalaman ka na ba tungkol sa'kin?" tanong ni Oliver habang binabasa ko ang makapal na librong nakita ko kanina.
Umiling naman ako bilang sagot.
Nahihirapan akong basahin ang mga nakasulat sa libro dahil luma na ito.
Narinig ko naman siyang bumuntong hininga, "Ipagpabukas na lang kaya natin 'yan. Alam kong pagod ka na sa tingin ko dahil kanina ka pa naghahanap." aniya.
Ngumiti ako, "don't worry, magre-research ako mamaya tungkol sa librong 'to," tugon ko atsaka isinara na ang libro.
Pagkalabas ko ng library ay gulat akong napaiwas dahil muntikan na akong banggain ng isang babae.
"Bitch." aniya pero 'di ko na lang ito pinansin.
Habang naglalakad ako patungo sa Rooftop na aking tinatambayan ay bigla akong nakarinig ng mga yapak na nagtatakbuhang mga estudyante.
Napadako naman ang tingin ko sa kanila at nagtatakang sinundan ito ng tingin.
Naningkit naman ang dalawang mata ko sa aking nakita.
Nagkukumpulang mga estudyante ang aking napansin sa Hallway na para bang may pinagkakaguluhan.
Kaya nagmadali akong lumapit para usisahin kung anong nangyayari.
"Malandi ka talaga!" rinig kong ani ni Issa nang makalapit ako.
Kaya nagsumiksik ako sa mga estusdyanteng nagkukumpulan para makita ko nang maayos kung ano ba talaga ang pinagkakaguluhan nila.
Ngunit, nang makita ko na ito ay nanlaki agad ang aking mata sa gulat dahil sa aking nasaksihan.
Si Issa at ang babaeng lumapit sa akin no'ng nakaraan sa Cafeteria ay sila pala itong pinagkakaguluhan.
"Kawawa naman," rinig kong ani ni Oliver na sumunod din pala sa akin. "Tulungan mo kaya." patuloy niya.
Napa-iling naman ako sa naging suhestiyon niya na tulungan ko ang babae.
Oo tama siya.
Nakakaawa nga ang babaeng nakaluhod sa harapan ni Issa habang pinapaligiran siya ng ilang estudyante at pinagbabato ito ng itlog.
Samantalang si Issa, ay tuwang-tuwa pa na sinabuyan ito ng harina.
Huminga naman ako ng malalim at lihim na napakuyom sa aking palad.
Gustuhin ko man siyang tulungan pero ayokong madamay sa away nila.
Baka kasi ako pa ang pagbuntungan nila ng inis.
Napa-pikit naman ako ng mariin dahil hindi ko na kayang panoorin pa ang pang-aapi nila sa kan'ya.
Kaya tumalikod na ako para umalis sa aking kinatatayuan at akmang aalis na sana ako nang biglang may humawak sa aking kamay para pigilan ako sa pag-alis.
Napatigil naman ako at tiningnan ang taong iyon.
Napasinghap ako sa gulat nang magtama ang tingin namin sa isa't isa.