[] SCENT []
Freya's POV
"Freya, ano sa tingin mo? Babalik na ba talaga ang alaala ko?"
Napatigil naman ako sa pagbabasa ng libro dahil sa tanong ni Oliver.
"Sa tingin ko, oo." tugon ko.
"Parang kinakabahan ako na ewan."
Napangisi naman ako sa sinabi niya.
Bakit naman siya kakabahan?
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko.
"Kasi parang hindi maganda ang nangyari sa pagkamatay ko."
Huminga naman ako ng malalim bago magsalita.
"Alam mo, Oliver. Kung natatakot ka para d'yan dapat harapin mo ang pagsubok na iyon. Ngayon, ka pa ba aatras?"
"Hindi mo ako naiintindihan Freya."
Napakunot-noo naman ako.
Anong problema niya?
"Ayos ka lang ba? May problema ba?" tanong ko.
"Wala!"
Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.
Hala! Ano bang nangyayari sa kan'ya? Sinusumpong din ba ang mga multo?
Umiling naman ako.
"Sige, ikaw bahala."
At nagkibit-balikat na lang akong pinagpatuloy ang binabasa kong libro.
Bahala siya.
Basta ang importante kailangan kong makapasa sa exam ko ngayong semester.
Oliver's POV
Iniwan ko si Freya sa Library dahil naiinis ako. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagkakaganito ako? Maski sarili ko ay nalilito rin.
"Aish!" inis kong sabi at tinadyakan ang trashcan sa harap ko.
Nagulat naman ako dahil hindi nga talaga tumagos ang paa ko nang tinadyakan ko ang trashcan sa harap ko.
"Mom, I'm sorry!"
Nakarinig naman ako ng iyak ng isang babae.
Si Issa?
Umiiyak ito habang may kaharap itong isang matanda.
"I'm dissapointed to you, Issa! Kaya kita pinag-aral dito para magtino ka pero wala rin pa lang nangyari."
"Mom, bakit? Hindi pa rin ba ako sapat sa inyo? Mula nang may nangyari sa pamilya natin marami ng nagbago."
Ah. Mama pala niya.
Bakit kaya? Ano kaya nangyari sa kanila?
"Huwag mong ibahin ang usapan Issa!"
Teka? Kailan pa ako naging tsismoso?
"Totoo naman eh! Bakit hindi niyo pa siya kayang bitaw--
Nanlaki naman ang mata ko nang sinampal niya si Issa.
Naku! Away mag-ina 'to.
Kailagan ko ng umalis baka hinahanap na ako ni Freya para na rin ibalita ko sa kan'ya ang nakita ko.
Akmang aalis na sana ako pero napatigil ako.
"Kasalanan niya ang lahat. Kung hindi dahil sa pagiging pakialamero niya hindi namatay si Daddy!"
At tila nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib nang marinig ko ang sinabi ni Issa.
Freya's POV
