SCENT - 14

88 39 7
                                    

[SCENT]

Freya's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Oliver patungo sa Library at habang kausap ko siya ay 'di ko naman mapigilan ang sarili ko na ngumiti.

Hindi ko alam pero natutuwa ako tuwing kasama ko siya.

"Anong ngini-ngiti mo diyan?"

Napatigil naman ako sa paglalakad at nagulat ako nang magtanong siya sa akin dahil nakita niya akong nakangiti.

Bigla naman nabura ang ngiti sa labi ko dahil nakaramdam ako ng pag-init sa aking pisngi.

Napayuko naman ako sa hiya.

"Ah, alam ko na! Dahil ba kay Bryan?"

Napakunot-noo naman ako sa sinambit niya.

"H-Huh? H-Hindi ah!" sagot ko at napa-iling.

"Sus. Indenial ka pa. Alam ko naman siya ang dahilan ng pag-ngiti mo."

Nakaramdam naman ako ng inis sa kan'ya.

Bakit naman napunta kay Bryan ang dahilan ng pagngiti ko? Tss.

"Ewan ko sayo! Ang labo mo." inis na wika ko sa kan'ya at nauna nang maglakad.

Oliver's POV

Nagkibit-balikat na lang akong sinundan si Freya ng tingin dahil padabog itong nauna sa akin sa paglalakad.

Hala! May nasabi ba akong masama?

Sinambit ko lang naman 'yung pangalan ni Bryan e.

Atsaka, anong mali sa sinabi ko? Tama naman ako 'di ba, na ang dahilan ng pagngiti niya ngayon ay si Bryan.

Hay, minsan talaga ang labo ng mga babae.

Ang hirap-hirap nilang spelling'n.

Nang makarating kami sa harap ng Library ay bigla akong napatigil para pumasok na sana sa loob dahil nakita ko ulit ang lalaking naka-hoodie kahapon na tila may inaabangan.

Tiningnan ko kung saan ang tingin nito at gulat akong napatingin kay Freya dahil ang tingin ng lalaking iyon ay kay Freya.

Imposible.

Hindi kaya kamag-anak ni Freya ang lalaking 'yon?

Pero kung kamag-anak niya bakit hindi niya lapitan si Freya para kausapin?

At bakit parang takot na takot itong makita siya ni Freya at nang ibang tao dahil nagtatago lang ito sa gilid ng CR.

"Fre-!" tawag ko kay Freya pero nawala na siya sa paningin ko.

Tsk. Hindi man lang ako hinintay!

Nakakatampo na siya.

Nakakasakit na rin siya ng damdamin.

Teka? Bakit napunta sa damdamin?

Napailing ako sa naging reaksyon ko.

Hay, nababaliw ka na Oliver.

~~~

Habang nag-uusap kami ni Freya tungkol sa sarili ko nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Oliver!"

Nagulat naman si Freya dahil lumapit agad si issa sa amin.

"Hi, Freya! Kasama mo ba ngayon si Oliver?" tanong ni Issa.

Tiningnan ko naman si Issa na nagtataka.

"Anong kailangan niya sa akin?" tanong ko kay Freya.

Napansin ko naman na parang nag-iba ang awra ni Freya at sinabing, "Ah, s-sige mukhang may pag-uusapan yata kayong importante." at nagmadali itong umalis ng Library.

SCENT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon