Freya's POV
"Freya, anak. Gumising ka."
Nakarinig ako ng isang tinig kaya agad kong iminulat ang aking mga mata.
Ngunit napapikit agad ako dahil nasilaw ako sa sinag ng liwanag na bumabalot sa aking paligid.
Kaya unti-unti kong muli at dinahan-dahan ang pagmulat ng aking dalawang mata at nagtatakang tiningnan ang aking paligid na sobrang nakakasilaw sa mata ang liwanag.
'Nasaan ako? Anong lugar 'to?' tanong ng aking isipan.
Maglalakad na sana ako patungo sa isang pintuan na sobrang liwanag ngunit napatigil ako nang marinig ko muli ang tinig na iyon.
"Anak."
Bumilis naman ang tibok ng aking puso dahil sa tinig na iyon dahil ito ay matagal ko nang inaasam na marinig muli at kahit kailan hindi ito nawala sa aking puso at isipan.
Isang tinig na matagal ko ng gustong marinig muli na hindi nakakasawang pakinggan.
"Freya, anak."
Napapikit ako at dinama ang yakap niya sa pamamagitan ng isang malamig na hangin na dumampi sa aking balat.
At dahil sa yakap niyang iyon na ay bigla na lang nag-unahang tumulo ang mga luha sa aking mata.
Hindi ko alam pero sa tinig niyang iyon ay bigla akong nakaramdam nang pagka-uhaw ng pagmamahal sa isang ina dahil na rin siguro sa maaga akong naulila at hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng pangungulila sa magulang ko.
Mama...
Naalimpungatan ako nang may narinig akong nag-uusap kaya napabalikwas ako sa pagkakahiga.
"Anong nangyari?" agad kong tanong sa aking sarili ngunit napahawak ako sa aking ulo dahil bigla itong kumirot sa sakit.
Tiningnan ko naman ang aking paligid at napagtanto kong nasa kwarto pala ako ng aking dormitoryo.
Agad akong tumayo para tingnan 'yung nag-uusap mula sa labas ng aking kwarto.
Ngunit, nang tumayo ako ay muntik na akong matumba dahil sa hilo kaya nagulat ako ng may sumalo sa akin at 'yun ay si Issa.
"Huwag ka muna masyadong magalaw." untag ni Oliver.
Nagtaka naman ako dahil bakit narito si Issa sa dormitoryo ko.
"Bakit ka narito Issa? Ano bang nangyayari?" agad kong tanong pero 'di siya umimik at nanatiling tahimik pati na rin si Oliver.
Tatanungin ko sana silang muli nang mapatigil ako at inalala ang pangyayaring iyon na pinagsisihan kong balikan muli sa aking isipan.
"'Y-Yung l-lalaki..." uutal-utal na sambit ko.
At bigla na lang ako nakaramdam ng takot sa oras na ito. Hindi ko alam pero mas natakot pa ako sa buhay kaysa sa patay na.
Bigla na lang akong humagulgol sa pag-iyak dahil sa takot na nararamdaman ko.
Hindi ako ito, parang hindi ako si Freya na matapang.
Dahil ako 'yung tipong hindi nagpapakita ng kahinaan sa iba.
Sa oras na ito, parang hindi ko na kilala ang sarili ko ngayon.
Si Freya na matapang na naging isang duwag.
Niyakap naman agad ako ni Issa.
At ang masasabi ko lang sa aking sarili ay kailangan ko ng isang karamay ngayon dahil ako ay parang isang tutang takot na takot sa sarili.
Oliver's POV
"Issa, salamat." sulat ko sa isang pirasong papel.
Kasalukuyang nasa dorm kami ng kwarto ni Freya na wala pa rin itong malay.
Hinanap ko kaagad si Issa dahil siya lang dapat ang makatulong sa akin.
Dinala ko agad si Freya sa dorm niya para hindi makita ng mga tao na buhat-buhat siya ng isang multo. Baka matakot sila na kung bakit nakalutang si Freya kaya mahirap na.
Hindi ko naman pwedeng iwan si Freya sa ilog para hanapin pa si Issa at humingi pa ng tulong dahil baka magising pa 'yung lalaking nakahoodie na may masama pa lang balak kay Freya kahit wala pa rin itong malay nang umalis ako doon na buhat-buhat si Freya.
Natatakot ako dahil sa nangyari kay Freya.
Dahil sa oras na ito alam kong nanganganib ang buhay niya.
Hindi kaya konektado ang lalaking iyon sa nakaraan ni Freya 5 years ago?
"Huwag kang magpasalamat ako dapat dahil niligtas mo si Freya. Kung hindi dahil sayo baka may nangyaring hindi maganda sa kan'ya." tugon ni Issa.
Napansin naman agad namin nang gumalaw si Freya.
"N-Nasaan ako?" tanong niya at tiningnan nito ang paligid niya.
Bumangon naman agad siya at tumayo nang mapansin niyang nasa kwarto siya ng dorm niya. Pero kamuntik itong natumba dahil sa hilo kaya agad siyang sinalo ni Issa.
"Huwag ka muna masyadong gumalaw." nag-aalalang sabi ko.
"A-Ayos lang ako. Bakit ka narito Issa? A-Ano bang nangya- teka..." Napatigil siya. "'Y-Yung l-lalaki..."
At bigla na lang siyang umiyak na parang takot na takot.
Naikuyom ko bigla ang aking dalawang kamay na parang gusto kong manuntok sa anumang oras na ito dahil sa galit na nag-uumapaw sa aking puso.
Galit ako sa taong gumawa nito kay Freya, pero mas galit ako sa aking sarili.
Hindi ko alam pero parang gusto kong saktan ang sarili ko dahil 'yung taong mahalaga sa akin na handang tumutulong sa akin ay hindi ko nagawang tulungan para suklian ang kabutihang ginawa niya sa akin.
Hindi ko rin nagawang protektahan siya dahil naduwag ako sa oras na iyon.
Naiinis ako dahil wala akong magawa para patahanin siya sa pag-iyak.
"Pasensya ka na, Freya." bulong ko at lumabas na lang sa dorm niya.
Ayokong makita siyang umiiyak dahil nasasaktan ako.
Nasasaktan ako dahil isa lang akong multo!
Napahawak naman ako sa aking dibdib dahil hindi ako makahinga sa paninikip nito at parang pinagsasaksak ang aking dibdib ng kutsilyo na animoy pinapahirapan at gusto ulit akong patayin.
Doble-doble ang sakit na nararamdaman ko.
Ang sakit-sakit!
Tao siya, multo ako.
Nakikita ko siya ngunit hindi niya ako nakikita.
Nararamdaman naman niya ang aking presensya. Ngunit nararamdaman niya lang ako sa pamamagitan ng pang-amoy niya sa aking amoy.
Magkaibang mundo at panahon.
Oo.
Inaamin ko na.
Hindi ko na maitatanggi pa.
Dahil mismong isip at puso ko na ang dumikta na nahulog na nga ako sa isang patibong na hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula.
Dahil kusa na lang itong naramdaman ng aking puso...