CHAPTER:42

1.1K 31 1
                                    

Astrid's POV

"Dito pa lang ay masaya na ako dahil kasama kita" sabi ko kay Sandro at nginitian siya.

Nandito parin kami sa paraiso niya pero nakasilong kami sa parang kubo dito.

"Hindi lang kita dito dadalhin, there are so many place that i wanted you to see, i want spend my time with you Sweetheart" sabi naman nito at bigla ding gumanti ng ngiti.

Natameme naman ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa sobrang kilig.

Bakit ba lahat nalang ng bibitawan niyang salita ay ang lakas makapagpatibok ng puso ko.

"Naks naman, masyado mo na akong pinapakilig ah" nahihiyang sabi ko sa kaniya.

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi at pinagdikit ang aming mga noo.

Para naman akong naduduling habang tinitignan siya pataas.

"I really meant those words Honey, it really came from my heart" seryosong sabi niya.

"A-alam ko naman yun hehe, masyado lang kasi akong kinikilig eh"  sabi ko naman sa kaniya.

Bahagya naman siyang natawa kaya natawa din ako.

"AHHH!!" sigaw ko nang bigla kaming matumba dahil sa naramdaman naming malakas na paglindol.

"Damn!!" Sigaw din ni Sandro at mabilis akong inalalayan patayo.

"L-lumilindol ba?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.

Napapasilip naman siya sa labas ng kubo at kita ko rin ang kaba sa itsura niya.

Ang kabang nararamdaman ko ay napalitan ng takot dahil sa nakikita ko sa itsura niya. Feeling ko hindi ito basta-bastang lindol lang dahil isang beses lang umuga ang lupa ng napakalakas.

"Hindi lindol, They are here" sabi niya sa akin na nakapagpagulo sa utak ko.

"Huh? Sinong tinutukoy mo?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.


"The Alba Lamia" sagot niya sa akin.

"Alba Lamia?" Tanong ko pa dahil hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya.

"They are one of the reason kung bakit muntik ng maubos ang lahi nating mga bampira, isa silang puting bampira that their whole skin is white and their long hair, has a fangs, Black eyes, sobrang tilos na ilong at tenga at may pakpak sila." Paliwanag nito sa akin.

Lalo akong natakot sa mga sinabi niya, hindi ko pa man ito nakikita pero parang sobrang nakakatakot na.

"A-anong k-kailangan nila?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.

"They want our clan to be gone" sabi niya sa akin.

Napayuko nalang ako dahil sa sinabi niya.

Hindi maaari yun, hindi nila magagawa yun, kailangan ko ng bilisan  sa training ko para maipagtanggol ko na ang aming clan.

"Just stay here, we are surrounded by them" sabi niya sa akin at lumapit sa patang baul na nakalagay dito sa kubo.

"Huh??? Anong gagawin natin? Paano tayo makakaalis?" Nanginginig na tanong ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko kung anong laman ng baul, puro armas panglaban ang laman nun.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon