CHAPTER:22

1.4K 48 4
                                    

Astrid's POV

"Just stay here, okay? We'll just need to do something" pagpapaalam sa akin ni Alessandro matapos naming kumain.

Magyroon daw ata silang pagpupulong. Kabilang sila sa Royal Blood Vampire na kung saan ay tinitingala sila ng mga mabababang uri ng bampira.

"Sige, mag-iingat kayo" sabi ko sa kaniya.

"Mag-ikot-ikot ka na muna dyan sa loob ng palasyo" sabi ni Almendra sa akin.

Palasyo nga ang tawag sa tahanan ng mga kabilang sa Royal Blood Vampire.

"Oo sige" sabi ko at umalis na sila.

Pumunta ako sa garden nila at namangha ako sa dami ng bulaklak at napakaganda pa ng mga ito.

Nakita ko ang Mama ni Alessandro kaya lumapit ako sa kaniya at tinulungan syang magdilig.

Napatingin naman sya sa akin at biglang ngumiti kaya nginitian ko din sya pabalik.

"Napakabuti mong bata, maayos ang nagawang pagpapalaki sa iyo" puri nito sa akin kaya medyo nahiya ako.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot dahil namiss ko sila Mommy.

Niyakap naman ako bigla ni Donya Crisanta kaya hindi ko na napigilang mapaluha. Namiss ko na ang yakap ni Mommy at Daddy.

"Ramdam ko ang kalungkutan mo, magpakatatag ka ija" sabi pa nito na alalong nakapag-paiyak sa akin.

"Salamat po Donya Crisanta" sabi ko at nagpunas na ng luha.

"Halika maupo tayo dito, ikukwento ko na lang ang iyong ina saiyo para malibang ka" sabi nya hinawakan ang kamay ko at dinala sa may upuan.

Gusto ko ring malaman ang tungkol sa tunay kong nanay.

"Ang Nanay mo ay isang tao, isa siyang Vampire Hunter, hinahunt nila ang mga bampira dahil sa mga nagkalat na balita noon na masasama kami" umpisa nyang kwento.

Nakikinig lang ako sa kaniya.

"Nalaman nila na may daan papunta rito sa mundo nating mga bampira kaya hinanap nila ito hanggang sa nakita nila ang portal" kwento pa nito.

Nakakacurious naman ang kwento na ito.

"Balak lang nilang maghunt ng bampira noon dito pero biglang nahulog ang loob ng nanay mo sa ama mong bampira, napag-alaman nila na mabuti pala kami kaya naisipan nilang itigil ang pag-hahunt sa amin at hayaan na lang kaming mamuhay ng malaya" kwento nito.

"Paano pong namatay ang aking ina?" Tanong ko sa kaniya.

"Ilang buwan silang namalagi dito dahil hindi na nila mahanap ang portal at imposible ng makabalik sila sa mundo nila, sa loob ng ilang buwan nila dito ay ganoon din kahaba ang naging pagsasama ng iyong ama at ina hanggang sa nabuo ka at lumitaw ka sa mundong ito, kasabay ng paglitaw mo ay ang pagkamatay ng iyong ina at ang pagkawala din ng mga kasamahan niya dito sa mundo nating mga bampira" kuwento pa nito sa akin.

Ang ibig-sabihin ba nito ay namatay ang ina ko dahil hindi niya kinayan ang panganganak sa akin?

Nakakalungkot naman na sa mismong kaarawan ko ay nawala ang ina ko. Kung maaari lang ibalik ang oras, sana hindi na lang ako lumitaw.

Siguro may dahilan din ang paglitaw ko.

"Bakit po ako ang napiling maging tagapagligtas ng ating angkan? eh may dugo po akong mortal" takang tanong ko sa kaniya.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon