Astrid's POV
Ang saya ng gabing iyon dahil sa lalaking mahal ko ibinigay ang sarili ko.
Sigurado ako na siya na talaga hanggang huli. Hindi na ako maghahanap pa ng iba.
"What's with that smile?" Biglang tanong ni Eunice habang nasa batis kami at naliligo.
"A-Ah huh?" Nauutal na tanong ko.
"Mula kagabi hindi na mawala ang ngiti mong iyan. Ano bang nangyari sa inyo ni Kuya Sandro?" Tanong pa ni Eunice.
Para naman akong nagulat sa tanong niyang iyon.
"Wala ah" gulat na sagot ko sa kaniya.
Parang napakunot naman siya sa naging reaksyon ko.
Naku Astrid umayos ka nga.
"Hmp parang may kakaiba ah" mapag-usisang sabi naman nito.
"Ay ano ba yan, masaya ako dahil sa wakas ayos na kami ni Sandro at napag-usapan na namin ang lahat ng problema namin" paliwanag ko sa kaniya na totoo naman.
"Ahh ganon ba" parang hindi makapaniwalang sabi niya.
"Hayss nako oo, dalian mo ng maligo diyan at baka malamigan yung likod mo, magkasakit ka pa" sabi ko sa kaniya at nagbalot na sa tuwalya na suot ko.
Bigla naman siyang natahimik sa sinabi ko at napayuko.
Nagtaka naman ako kung bakit.
"Ayos ka lang Eunice?" Takang tanong ko sa kaniya at nilapitan siya.
Nakita ko siuang umiiyak.
"Oh bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong mali?" Nag-aalalang tanong ko.
Umiling naman siya at pinunasan ang nga luha niya.
"Parang ngayon ko lang kasi naramdaman na may nag-alala sa akin, si Kuya nag-aalala din naman pero iba pala kapag ate parang nanay na rin" sabi niya at naluha ulit.
"May problema ka ba Eunice?" Mahinahong tanong ko at niyakap siya.
"Wala ate, naiinggit lang ako sa inyo ni Kuya Jethro" sagot niya at umiyak na naman.
Parang nasasaktan naman ako dahil sa iyak niya.
"Bakit ka naman maiinggit sa amin?" Tanong ko pa sa kaniya.
"Kase naranasan niyong magkananay, ikaw kahit hindi mo nakilala ang totoo mong nanay ay may kinilala ka namang ina at minahal kang totoo sa mundong kinagisnan mo, si Kuya kahit hindi rin niya nakilala ang totoo niyang nanay ay nagawa pa rin niyang magkaroon ng ituturing na ina at iyon ay ang nanay mo at nanay ko, samantalang ako mula pagkabata ay wala. Gustong-gusto kong magkaroon ng ituturing na ina" hagulgol na sabi ni Eunice.
Naawa naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Kaya siguro lumaki siyang suwail dahil nangungulila siya sa ina.
Hinagod ko naman ang likod niya.
"Nandyang pa rin naman si Ama para suportahan ka" sabi ko sa kaniya.
"Si Papa palaging busy mula noon dahil sa paghahanap sa iyo, kaya nga nung nahanap ka niya ay gusto kitang mawala dahil baka lalo silang mawalan ng atensyon sa akin dahil mas priority ka nila" sabi pa ni Eunice.
Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
Pero hindi ko kayang makitang nalulungkot siya ng ganito.
"Sorry dahil sa akin kaya ka nagkakaganyan pero huwag kang mag-alala hinding-hindi ako papayag na maramdaman mong nag-iisa ka ulit dahil bilang ate nandito lang ako para sayo at gagampanan ko rin ang role ng pagiging ina at ama para hindi ka na mangulila" nakangiting sabi ko sa kaniya at pinunasan ang mga luha niya.
"Salamat ate, I'm sorry nga pala noong iniwan kita sa bayan, pinag-sisisihan ko ang ginawa kong iyon, napakabait mo sa akin dahil hindi ako nagawang isumbong kay Papa kahit na may pagkakataon ka na" sabi niya sa akin.
Nadadala naman ako dahil sa pag-iyak niya.
"Naku tama na yan, nangyari na ang nangyari, tsaka nadala ka lang naman ng nararamdaman mo kaya mo nagawa iyon kaya hindi rin kita masisisi" sabi ko sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
"Thank You so much ate" sabi ni Eunice sa akin.
*****
Pagkatapos naming maligo sa batis ay umuwi na kami ni Eunice sa palasyo.
Naiinip ako ngayon dahil tanghali pa lang ay wala na akong magawa.
Iniisip ko na lang ang mga nangyari kagabi kaya kinikilig ako.
"Anak maaari ba tayong mag-usap?" Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Ama sa likod ko. Nandito ako ngayon sa Veranda at nagmumuni-muni.
"Ah opo Ama" sagot ko naman at sinundan na siya sa opisina niya.
"May gusto sana akong ipagawa sa iyo, pero huwag mong ipagsasabi sa kahit na sino" sabi ni Ama sa akin.
Parang kinabahan naman ako dahil parang seryoso naman ang gusto niyang ipagawa.
"A-Ano po iyon Ama?" Tanong ko kay Ama.
"Parang idagdag mo na lang ito bilang isa sa mga parusa mo, gusto kong sundan mo ang Kuya Jethro mo" sagot naman ni Ama.
Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya.
"Po? Bakit ko po susundan si Kuya Jethro?" Tanong ko sa kaniya.
"Dahil parang may itinatago siya sa atin" sagot ni Ama.
"Bakit po hindi na lang natin siya tanungin?" Suggestion ko sa kaniya.
"Hindi ganoon kadali iyon anak, hindi aamin ang Kuya Jethro mo" sagot naman ni Ama.
"Bakit po kailangan sundan pa siya? May masama po bang maidudulot ang ginagawang pagtatago ngbsikreto ni Kuya Jethro?" Tanong ko naman sa kaniya.
Lahat naman kasi ng tao ay may sikreto, kung ayaw nila itong ipaalam we must not invade their privacy.
"Sa tingin ko ay makakasama ito sa pagiging prinsipe niya at nalalapit na pagiging hari" sabi naman ni Ama.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Pagiging hari po?" Tanong ko pa kay Ama.
"Oo, kapag nagawa mo ng mailigtas ang mundo natin ay bibitawan ko na ang pagiging hari ko dahil matanda na ako pero hindi naman halata sa itsura. Kinakikitaan ko rin siya ng skill bilang maging hari" sagot naman ni Ama.
Napatango naman ako dahil doon.
Para rin siguro ito sa kapakanan namin kaya kailangan ko siyang sundan.
"Pakiusap anak" sabi ni Ama sa akin.
"Masusunod po Ama" sagot ko naman.
*****
Halos masugat-sugat na ako sa paa dahil sa dinadaanan ni Kuya Jethro ngayon na masukal na gubat.
Sinusundan ko na siya ngayon nang hindi niya alam.
Sinusubukan kong hindi makagawa ng ingay para hindi ako mahuli.
Diretso lang siyang naglalakad mula kanina at parang ang layo naman ng pinupuntahan niya.
Maya-maya lang ay tumigil siya kaya nagtago ako sa may puno.
"Totoo ba 'to?" Nagulat ako sa mga nakita ko.
*****
BINABASA MO ANG
Obsessed Vampire
Vampire'I'll reveal everything, i'll fight for the sake of love' -Astrid