CHAPTER:60

838 26 0
                                    

Astrid's POV

Lumabas na ako sa gubat at pinag-walang bahala ko na lang muna ang sinabi nung matandang babae dahil ang mas importante ngayon ay sina Ate Clara at Rose.


"Kuya!" Gulat na tawag ko ngayon kay Kuya dahil nakahawak ang dalawang gwardya sa magkabila niyang kamay.

Nagulat din ako dahil biglang may humawak sa magkabilang kamay ko.


"Dahan-dahan kayo sa paghawak sa kapatid ko! Kapag nasaktan siya kayo ang malalagot sa akin!" Sigaw ni Kiya sa dalawang ito.

Nagpupumiglas ako sa paghawak nila sa akin.

"Ano bang kailangan ninyo sa amin?!" Inis na tanong ko sa kanila.

"Pasensya na po pero napag-utusan lang kami ng Mahal na Hari" sagot nung isa sa amin.

Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa narinig kong iyon.

"Dalhin niyo na kami sa kaniya ngayon at siguraduhin ninyong wala kayong sinaktan ni-isa man sa mga mahal ko" seryosong utos ni Kuya sa mga ito.

Mukhang alam na niya kung bakit kami hinuli ng mga gwardyang ito dahil alam na ni Ama ang nagawa ni Kuya.

Isinakayna nila kami sa kalesa at dinala sa Palasyo.

*****

Jethro's POV

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa palasyo.

Nakaupo si Ama sa kaniyang Trono at nakatayo si Haring Dominus sa kaniyang gilid.

"Isara ninyo lahat ng pintuan" seryosong utos ni Ama sa mga katulong.

Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa amin ni Astrid, ramdam ko ang takot at kaba kay Astrid dahil ganoon din ako.

Alam ko na ang mangyayari ngayon, papatawan kami ng parusa ni Ama.

Pero hindi ko hahayaang saktan niya si Astrid dahil wala siyang kinalaman si ginawa kong kasalanang ito, pinakiusapan ko lang siya na itago muna kay Ama.

Huminto si Ama sa harapan ko.


"Alam mo naman ang mangyayari sa iyo ngayon hindi ba?" Sabi ni Ama sa akin.

Napatango na lang ako dahil sa kaba.

Dahan-dahan naman siyang lumapit kay Astrid.

Napayuko naman si Astrid.

"Pinagkatiwalaan kita pero binigo mo ako" seryosong sabi ni Ama kay Astrid.

Hindi naman nakapag-salita si Astrid.

"Nasaan po si Clara at si Rose?" Lakas-loob na tanong ko kay Ama.

Dahil hindi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman na nasa maayos na kalagayan sila.

Tinignan ako ng masama ni Ama.

"Yun bang kasama mo sa pagtataksil at yung nabuo ninyong kasalanan?" Nanggagalaiting tanong sa akin ni Ama.

Hindi ko gusto ang sinabi ni Amang ito pero tatanggapin ko na lang dahil nagkasala rin naman ako.

Hindi na lang ako nagsalita dahil doon.

"Ilabas niyo na sila" utos ni Ama sa mg gwardya at maya-maya lang ay inilabas na nila si Clara at ang aking anak.

May namuong galit sa puso ko nung makita kong naka-kadena ang kanilang mga kamay at may nakita akong dugo sa kamay ni Clara.

"P-papa" umiiyak na tawag sa akin ng anak ko.

Tumakbo ako palapit sa kanila, hindi ko na napigilang umiyak habang nalatingin sa kanila.

"S-sinaktan ka ba nila anak? May masakit ba saiyo??" Nag-aalalang tanong ko sa anak ko habang pinupunasan ang mga luha niya.

"W-wala po Papa p-pero si Mama po sinaktan nila" hagulgol na sumbong ng anak ko sa akin.

Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon, lumapit akong mabilis kay Clara.

Nginitian niya ako ng mapait.

Nakita ko ang tuloy-tuloy na pagtagas ng dugo sa kamay niya.

"Anong ginawa ninyo sa kaniya?!" Galit na sigaw ko sa mga gwardyang nakahawak sa kaniya.

Pumunit ako ng tela sa may laylayan ng tuxedo ko at itinali ito sa kamay ni Clara.

"Mahal a-ayos lang ako, huwag mo kaming alalahanin, harapin mo ang Ama mo ngayon at humingi ka na lang ng tawad" mahinahong sabi ni Clara sa akin habang lumluha.

Hinawakan ko ang pisngi niya at bigla ko siyang niyakap.

Hindi ganitong buhay ang gusto kong ibigay sa kanila.


"Tama na ang Drama ilayo niyo na sila" sabi ni Ama at bigla naman nila akong hinila palayo sa kanila.

Nagpumiglas pa ako pero hindi ko sila kinakaya dahil nanghihina ako.

"Papa!" Ramdam ko ang takot sa sigaw ng anak ko.

"Huwag kang mag-alala anak, magiging maayos ang lahat" pilit na ngiting sabi ko sa kaniya.


"Bitayin niyo na sila" utos ni Ama na halos makapagpawala ng dugo ko. Ipinapabitay ni Ama sila Clara at Rose.


"Huwag!" Sigaw ni Astrid na nakapagpatigil sa aming lahat.


"Astrid sobrang paglapastangan na ang ginagawa mong iyan" galit na sabi ni Ama kay Astrid.

"Ama hindi po ako papayag na ipabitay niyo sila lalo na ang inosenteng bata na walang kinalaman sa nangyayaring ito" matapang na sabi ni Astrid.

"Ako ang Hari at gagawin ko ang nararapat at nakakabuti para sa ating lahat ay isa doon ang alisin ang mga may kasalanan at naging sanhi ng kasalanang iyon" diretsong sabi ni Ama kay Astrid.

"May karapatan din po akong baguhin ang lahat ng kautusang iyan dahil isa na akong Prinsesa" madiing sabi ni Astrid.

"Maaari kitang alisin sa iyong pwesto" sabi pa ni Ama dito.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ngunit wala akong magawa para pigilan sila.

Hindi ko gusto na mag-away si Ama at Astrid nang dahil sa akin.

"Hindi mo iyon maaaring gawin Ama dahil nabasa ko ng buo ang nakasulat sa kautusan na hindi walang sinoman ang makapagpapababa sa pwesto ng isang inatasan na maging Prinsesa hangga't hindi siya mismo ang bumababa sa pwesto niya" paliwanag ni Astrid kay Ama.


"Ate, Papa what's happening here?" Biglang dating ni Eunice na walang ideya sa mga nangyayari.

Hindi siya pinansin ng mga ito.

Biglang lumapit si Haring Dominus at pumagitna sa pagitan nila.

"Itigil na ang pag-aaway na ito, Haring Francis ipagpaumanhin mo pero tama ang Prinsesa Astrid sa kaniyang sinabi" sabi ni Haring Dominus kay Ama.

Napahinga ng malalim si Ama at nag-isip.


"Kung gayon napabilib mo ako aking anak, nang dahil diyan hindi ko na sila bibitayin pero may karapatan pa rin akong patawan kayo ng parusa dahil ako pa rin ang Hari at kailangan niyo pa ring sumunod sa akin ata kasalanan ang ginawa ninyong iyan" sabi ni Ama sa aming lahat.

*****

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon