Astrid's POV
Nang makarating kami sa palasyo ay nakikita naming nagkakagulo ang mga gwardya sa labas at ang iba ay nakahandusay sa lupa at walang malay.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ko sa isa sa mga gwardya na tumatakbo.
"Mahal na Prinsesa hawak po ng Pandora ang kapatid ninyo" hingal na hingal na sagot ng gwardya.
"Ano?!" Tanging nasabi ko lang at napatakbo na sa loob ng palasyo at sinundan naman ako ni Sandro.
"Be careful!" Sabi ni Sandro sa akin.
Naghinay-hinay na ako sa pagtakbo at hinawakan ang tiyan ko dahil muntik ko ng makalimutan na buntis nga pala ako dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Papa Tulonggg!" Sigaw ni Eunice na hawak ngayon ng isang babae na mukhang dyosa at nakalutang sila sa lupa.
"Bitawan mo ang anak ko, Ako na lang ang patayin mo, huwag siya" pagmamaka-awa ni Ama sa babaeng may hawak kay Eunice.
"Hindi ikaw ang kailangan ko, wala sa inyo ang kailangan ko, kaya lahat kayo ay tatapusin ko!" Sigaw naman nito.
"Ako ang harapin mo!" Bigla kong sigaw kaya napatingin ito sa direksyon ko.
Kita ko ang takot sa itsura ni Eunice at nila Ama na kasama si Haring Dominus ngayon.
"HAHAHAHA sa wakas nakaharap na rin kita Prinsesa Astrid! Ang Prinsesa ng mga taksil!" Parang nababaliw na twwa at sabi nito sa akin.
"Wala akong panahon para sa mga dada mo, bitawan mo ang kapatid ko ngayon din, kung ayaw mong ikaw ang tapusin ko!" Sigaw ko sa kaniya at inihahanda na ang sarili ko.
"Grabe talaga nga palang nakakatakot ka!" Sabi nito na para bang nang-aasar.
"Anak lumayo ka na dito, ayokong mapahamak kayo!" Sigaw ni Ama sa akin.
"Hindi Ama, laban natin 'to, kaya lalaban tayo ng sama-sama!" Sabi ko naman kay Ama.
"Naku nakakatuwa naman kayong pagmasdan, sulitin niyo na 'yan dahil ito na ang huling beses na magsasama kayo ng buhay!" Biglang sabi ng Pandora.
"Ahh!!!" Inda ni Eunice dahil hinigpitan ata nito ang pagkakasakal sa kaniya.
Laling namuo ang galit sa akin dahil sa nakita kong iyon. Ramdam ko na ang unti-unti kong pagbabago.
"Sinabing bitawan mo siya!" Sigaw ko kay Pandora.
"Sige sabi mo eh" simpleng sabi niya at biglang binitawan si Eunice sa sahig.
Nakita kong nasaktan si Eunice dahil sa biglaang pagbitaw niya dito kaya mas lalo akong nag-init kaya ipinuwesto ko na ang sarili ko at ipinalutang upang sumugod na.
"Incurrentibus!" Malakas na sigaw niya at biglang nagsilabasan ang mga Black Soul at Alba Lamia.
Kasabay ng pagsugod nila ay ang pagsugod namin.
Nandito sila Sandro, Spike, Ate Almendra, Esmeralda, at Ethan upang tumulong, pati na rin ang mga tinipon na gwardya.
Inunahan kong pinuntirya ang Pandora.
BINABASA MO ANG
Obsessed Vampire
Vampire'I'll reveal everything, i'll fight for the sake of love' -Astrid