CHAPTER:36

1.2K 45 8
                                    

Astrid's POV

"Kahit na hindi kayo ang nauna sa nangyaring iyon ay kailangan niyo pa ring maparusahan dahil sa ginawa niyo" sermon ni Ama sa amin.

Napapakamaot naman ako sa tuhod ko dahil sa sakit. Nakaluhod kami ngayon sa mga munggo dahil ito ang parusa sa aming dalawa ni Eunice.

"Pero Papa we're a princess dapat hindi niya ginagawa iyon" reklamo naman ni Eunice.

"May parusa ding nakapataw sa kaniya pero tignan niyo ang itsura niyo halos wala kayong kapasa-pasa eh siya halos masira ang mukha" sabi naman ni Ama.

Napayuko naman ako dahil doon. Ako lahat ang may gawa nun eh.

"Pasensya na po" paghingi ko ng tawad.

Tumango naman si Ama.

"Siya nga pala Astrid anak, nabalitaan ko kina Sandro na nailabas mo na daw ang iyong kapangyarihan" sabi ni Ama sa akin.

Hinatid lang kami nina Sandro at Spike dito pagkatapos ay umalis na sila.

"Ah opo Ama pero hindi ko po alam kung paano ko po paganahin" sagot ko kay Ama.

"Huwag kang mag-alala yan na lamang ang iyong pagsasanayan sa mga susunod na araw" sabi ni Ama.

Tila nagliwanag ang mga mata ko sa narinig ko.  Ang saya naman dahil napabilis ko ang training ko.

"Sa ngayon harapin niyo muna ang parusa niyo, huwag kayong aalis diyan hanggat hindi pa kayo nakaka isang oras" sabi ni Ama sa amin at iniwan na kami.

Mahina namang natatawa si Eunice kaya natawa din ako dahil sa parusang ito.

Dahil sa ginawa naming iyon ay naparusahan kami pero masaya pa rin dahil nakaganti ako sa Esmeralda na iyon.

Hindi ko inaakala na magkakasundo kami ng ganito ni Eunice.

*****

Lumipas ang isang oras at tumayo na kami dahil inutusan ni Ama ang katulong dito na tumayo na kami dahil tapos na ang parusa.

"Awww my knees" maarteng sabi ni Eunice at binoblow ang tuhod niya na bumakas ang mga munggo.

Hindi ko siya masisis dahil ganon din ang nararamdaman ko sa tuhod ko.

"Mga basagulera kasi" natatawang pang-aasar ni Kuya Jethro sa amin.

Sabay kaming napairap ni Eunice.

"Halikayo gamutin natin yan" sabi ni kuya sa amin at hinila na kami sa sofa at kumuha ng first aid kit.

"Aray" daing ko nang makaramdam ng hapdi ng pahidan ni kuya ng gamot.

"Sa susunod kasi iwasan ang gulo" panenermon ni Kuya sa amin at ilang minuto lang ay natapos na siya sa panggagamot sa sugat namin.

"May sulat pong dumating" sabi ng katulong at inabot ang isang papel kay Kuya Jethro.

"What's that?" Tanong naman ni Eunice.

"Invitation Card" sagot ni Kuya Jethro.

"Para saan?" Tanong ko naman.

"Ohmygoodness i almost forgot, birthday na ni Sand- Kuya Sandro bukas, arghh kairita" sabi ni Eunice na parang nafufrustrate.

Obsessed VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon